JLLCC Bocaue St Martha

JLLCC Bocaue St Martha BAPTIST CHURCH
reformed in theology
we exist to glorify God and enjoy him forever.. Gospel centered..

5 solas, doctrine of Grace (tulip) 1689 London baptist confession of faith

Ang Libro ng Ruth ay isang kwento ng pagbabago mula sa kasawian patungong kagalakan (mula rags to riches at sufferings t...
02/10/2026

Ang Libro ng Ruth ay isang kwento ng pagbabago mula sa kasawian patungong kagalakan (mula rags to riches at sufferings to joy). Ipinapakita rito ang kamay ng Probidensya ng Diyos (God's Providence), ang pagtuturo nito sa genealogy ni Hesukristo, at ang katotohanang ang plano ng pagliligtas ng Diyos ay hindi lamang para sa mga Hudyo kundi maging sa mga Gentil.

Ang kwento ng Ruth ay patunay na kahit sa gitna ng kasawian at maling desisyon, kumikilos pa rin ang Probidensya ng Diyos. 🌾

Ang taggutom sa Betlehem, ang maling pasiya ni Elimelec, at ang domino effect ng kasalanan ay nagdala ng matinding kasawian.

Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, ginamit ng Diyos ang buhay nina Ruth at Naomi upang ihanda ang daan sa pagdating ng ating Tagapagligtas na si Hesukristo. 🙌

📌 Aral: Bawat maling desisyon ay may kapalit na consequence, pero ang plano ng Diyos ay nananatiling dakila at tiyak.

📖 Mga Aral mula sa Ruth 1:1-5 📖

ANG MENSAHE: ANG KASAWIAN.

● ang parusa ng Diyos sa bayan ng Israel.
● ang maling desisyon ni Elimelec.
● ang bunga ng maling desisyon.












26/09/2026

Happy Birthday John Carlo!🎉🎉🎉

Maligayang Kaarawan sa Iyo!
Isang mahalagang bahagi ng Katawan ni Cristo.
Nawa’y mapuno ang iyong araw ng kagalakan, pag‑ibig, at masaganang pagpapala ng Diyos. 🙏💖

— Love, your JLLCC St. Martha Family 💗🥰

25/09/2026

Maligayang Kaarawan sa iyo, Sister Rosalyn Reyes! 🎉🎉🎉

Salamat sa Diyos sa iyong buhay!
Masaya kami na makasama ka bilang kapatid sa pananampalataya at mahalagang bahagi ng Katawan ni Cristo.
Pagpalain ka at magpatuloy sa paglilingkod sa Panginoon.
Nawa’y ang iyong araw ay mapuno ng kagalakan at biyaya na nagmumula sa Diyos.
-From:JLLCC ST. MARTHA FAMILY!💗💗

“Ipaglaban ang pananampalatayang minsan at magpakailanman ibinigay ng Diyos.” Hindi sapat ang basta maniwala lamang.•Kai...
24/09/2026

“Ipaglaban ang pananampalatayang minsan at magpakailanman ibinigay ng Diyos.”

Hindi sapat ang basta maniwala lamang.
•Kailangan itong ingatan at ipagtanggol laban sa mga maling aral na sumisira sa katotohanan.

📖 Sa sulat ni Hudas, pinaalalahanan tayo tungkol sa:

Mga bulaang g**o na palihim na pumapasok sa iglesya

Ang tiyak na paghatol ng Diyos sa mga tumatanggi kay Kristo

At ang katiyakan ng pag-iingat ng Diyos sa Kanyang bayan

•Ang tunay na kalayaan kay Kristo ay hindi lisensya upang magkasala, kundi kalayaan upang sumunod sa Diyos at lumakad sa kabanalan!

❓Handa ka bang ipaglaban ang pananampalatayang ipinagkaloob sa iyo ng Diyos?











ANG EXTERNALISMO NG MGA JUDAIZERS AT ANG REALIDAD NG EBANGHELYO 📖(Aral mula sa Pagtatapos ng Libro ng Galacia — Galacia ...
18/09/2026

ANG EXTERNALISMO NG MGA JUDAIZERS AT ANG REALIDAD NG EBANGHELYO 📖
(Aral mula sa Pagtatapos ng Libro ng Galacia — Galacia 6:11-18)

​Sa pagtatapos ng sulat ni Apostol Pablo sa mga taga-Galacia, mariin niyang ibinunyag ang tunay na motibo ng mga Judaizers at pinatunayan kung ano ang tunay na Realidad ng Ebanghelyo.
​

🔴 Ang Dahilan ng mga Judaizers (Externalism & Legalism):
• Takot sa Pag-uusig: Hinihikayat nila ang iba na bumalik sa mga ritwal hindi dahil sa pag-ibig, kundi upang iwasan ang pag-uusig at kamatayan.
• Makasariling Motibo: Ginagawa nila ito para sa sariling kaligtasan at dahil alipin sila sa iisipin at pagtingin ng ibang tao.
• Maling Kabanalan: Ang panlabas na pagsunod na walang pag-ibig sa Diyos ay pananampalatayang walang halaga sa paningin ng Panginoon.
​

🟢 Ang Realidad ng Ebanghelyo (Gospel Reality):
1️⃣ Si Cristo Lamang Ang Dapat Maitaas: Wala tayong maipagmamalaki—hindi ang ating sariling kabaitan o mga gawa—kundi ang sakripisyo lamang ni Cristo sa krus ng Kalbaryo.
2️⃣ Ang Bagong Nilalang: Hindi mahalaga ang mga panlabas na ritwal; ang mahalaga ay ang pagbabago ng puso (regeneration) na gawa ng Espiritu Santo.

"Ang tunay na kabanalan ay hindi lamang paggawa ng tama — ito ay paggawa ng tama nang may tamang puso, dahil sa pag-ibig sa Diyos, at sa pamamagitan ng pananampalataya kay Kristo." — Jeremiah Burroughs
​MGA TANONG PARA SA ATIN ngayong linggo:
❓ Nagbabago ka ba ng paniniwala para lamang iwasan ang pag-uusig, o naninindigan ka sa katotohanan kahit may kapalit na pagsubok?
❓ Nagtitiwala ka ba sa sarili mong gawa, o sa sapat na biyaya at tapos na gawa ni Cristo sa krus?

13/09/2026

🎈🎈🎈Happy Birthday Joshua !🎂🎂🎂
Maligayang Kaarawan sa Iyo!🎉
Isang anak ng tipan at mahalagang bahagi ng Katawan ni Cristo.
Nawa’y mapuno ang iyong araw ng kagalakan, pag‑ibig, at masaganang pagpapala ng Diyos. 🙏💖

— Love, your JLLCC St. Martha Family 💗🥰

Mga aral mula sa Galacia 6:6-10​Sino-sino nga ba ang dapat nating bahaginan ng kabutihan ayon sa Bibliya? Unahin natin a...
09/09/2026

Mga aral mula sa Galacia 6:6-10
​Sino-sino nga ba ang dapat nating bahaginan ng kabutihan ayon sa Bibliya? Unahin natin ang mga nagtuturo ng Salita, ang kapatiran sa pananampalataya, at higit sa lahat—ang lahat ng tao.

Isang paalala mula sa Galacia .
Ang ginagawa natin para sa iba at sa iglesia ay pagtatanim na aanihin natin sa hinaharap. Tiyakin natin na ang ating motibo ay malinis at nagmumula sa Espiritu, hindi sa laman. Huwag tayong mapagod sa paggawa ng mabuti!

Kung tayo'y walang maibigay na materyal o pinansyal na bagay sa ating kapwa, huwag tayong manghinayang—dahil ang pinakamagandang bagay na maibabahagi natin sa kanila ay si Kristo. Siya ang unang nagbahagi ng kabutihan sa atin.








06/09/2026

Happy Birthday Eunice Kate Quidaver!🎂🎉
Maligayang Kaarawan sa iyo!
Isang anak ng tipan at mahalagang bahagi ng Katawan ni Cristo.
Nawa’y mapuno ang iyong araw ng kagalakan, pag‑ibig, at masaganang pagpapala ng Diyos. 🙏💖

05/09/2026

Happy Birthday, Karl! 🎉🩵

Mapalad kami na makasama ka bilang biyaya ng Diyos. Nawa’y mapuno ang iyong espesyal na araw ng mga ngiti at masaganang pagpapala ng Diyos!
Isang anak ng tipan at mahalagang bahagi ng Katawan ni Cristo.🎂✨
​— Love, your JLLCC St. Martha Family

Pamumuhay Ayon sa Espiritu sa Iglesia Ang tunay na buhay‑Kristiyano ay nakikita sa ating pakikitungo sa kapatiran—sa pag...
01/09/2026

Pamumuhay Ayon sa Espiritu sa Iglesia
Ang tunay na buhay‑Kristiyano ay nakikita sa ating pakikitungo sa kapatiran—sa pag‑ibig, pagtulong, at pagtutuwid nang may kahinahunan.
• Iwasan ang pagmamataas, galit, at inggit, at piliin ang pagdamay at pag‑ibig gaya ng ipinakita ni Kristo.

📖 Galacia 5:24‑26 / 6:1‑6









Address

Blk 105 Lot 12 Street Martha Phase 3 2nd Floor Brgy Batia
Bocaue
3018

Telephone

+639480765332

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when JLLCC Bocaue St Martha posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share