13/09/2025
๐๐๐ง๐๐ฅ๐๐ฅ๐ฌ | Amaya at Clarito: Sa Dalisdis
โGanito mo ba kagusto ang lugar naโto, kaya ka ba palaging nandito?โ
Nakita ko ang unting pag-guhit ng ngiti sa labi niya at kung paano sumilaw ang liwanag sa
kanyang mukha mula sa magandang sinag ng papalubog na araw.
โSa ibabaw, makikita ang pagsikat ng araw, ang paglubog nito at ang unti-unting pagpalit ng
buwan sa langit. Kapag nakikita ko ang lahat ng โyon, gumagaan ang loob ko. Nagiging payapa
ako. Pero...โ
Nawala ang ngiti niya at ang kislap ng kanyang mga mata. Kasabay nito, natakpan ng makapal
na ulap ang magandang sikat ng araw na naghihingalo. Naging madilim ng kunti ang paligid
dahil dito.
โ... sa ilalim, maririnig ang walang tigil na paghampas ng dagat. Ingay na palaging galit na para bang hinahamon ako na tumalon pababa, sumisid sa ilalim nitoโt huminto at huwag ng
lumangoy paitaas hanggang sa maubusan ako ng hininga.โ
Nanatili ako at patuloy na nakinig sa kanya.
โAng totoo, ayaw ko sa lugar na ito. Masyadong mapanganib pero unti-unti nasanay na rin ako.
Oo, minsan, hindi talaga maiwasan na makaramdam ng takot kaya para mabawasan ito, pinipili
ko na lamang pagmasdan ang magandang sikat ng araw at ang liwanag ng buwan.โ
Humarap siya at dahan-dahang lumapit saโkin. Muling lumiwanag ang paligid. Natulala ako ng
kunti dahil sa bigay niyang ngiti saโkin pero agad naman akong bumawi at ngumiti rin sa kanya.
Marahan niyang inakbay ang kanyang kamay sa likod ko. Naramdaman ko ang tibok ng puso
ko nang hawakan niya ako sa likodโparang alon na sumabay sa hampas ng dagat sa ibaba. At
ngayon ay tinuro niya sa akin gamit ang isa pa niyang kamay ang araw at ang unting paglitaw
ng buwan sa kabila.
โMaganda hindi ba?โ
Masayang tumango ako. โOo.โ
Inalis niya ang kamay niya at pinagmasdan ulit namin ang langit. Sa sandali, naging tahimik
kami pareho. Pagkatapos ay muli ko na namang narinig ang boses niya.
โGanito ang buhay, Amaya. Lahat ng tao ay nakatayo sa isang matarik na dalisdis. Huwag kang
tumingin sa ibaba. Sa halip ay lagi kang tumingin sa itaas at pagbalingan kung ano man ang
nasa iyong harapan. Matuto sana tayong humanap ng magandang bagay sa gitna ng panganib
at sa nangyayaring problema.
Sabay kaming humugot ng malalim na hininga, hawak na ngayon ang isaโt isa, habang patuloy
na humuhugong ang dagat sa ibaba.
๐๏ธ: Janice Sarong