Vice Mayor Jayson Barcelona

Vice Mayor Jayson Barcelona Boses ng Kabataan Kaibigan ng Mamamayan!

1st State of the Municipality Address 2026Malaluan Barcelona Administration One Sanggunian, One Bongabong
12/08/2026

1st State of the Municipality Address 2026
Malaluan Barcelona Administration
One Sanggunian, One Bongabong

06/08/2026

LEGISTALK with Vice Mayor Jayson Barcelona!

“Mga batas, programa at mga serbisyong para sa bayan.”

Episode 0: Introduction


Isang mahalagang hakbang tungo sa mas mabilis at mas maayos na serbisyo para sa ating mga kababayan!✅ Naipasa na sa 3rd ...
31/07/2026

Isang mahalagang hakbang tungo sa mas mabilis at mas maayos na serbisyo para sa ating mga kababayan!

✅ Naipasa na sa 3rd and Final Reading ang ordinansang magpapabilis sa pagproseso at pagbibigay ng Medical at Financial Assistance sa pamamagitan ng Guarantee Letter (GL) at Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) para sa mga taga-Bongabong.

Layunin ng ordinansang ito na mapabilis ang pagtugon sa mga kababayang nangangailangan ng agarang tulong, lalo na sa panahon ng karamdaman at iba pang sitwasyong pangkrisis.

Patuloy nating isusulong ang mga programang may tunay na malasakit at nagbibigay ng mas mabilis, mas episyente, at mas makataong serbisyo para sa bawat Bongabonense.




Isang mahalagang hakbang ang ating naabot para sa mas bukas, tapat, at responsableng pamamahala.Aprubado na ng Sanggunia...
30/07/2026

Isang mahalagang hakbang ang ating naabot para sa mas bukas, tapat, at responsableng pamamahala.

Aprubado na ng Sangguniang Bayan ng Bongabong ang Freedom of Information (FOI) Ordinance. Isang makasaysayang panukala na naglalayong palakasin ang transparency, accountability, at karapatan ng bawat mamamayan na magkaroon ng access sa impormasyong pampubliko, alinsunod sa umiiral na batas at mga alituntunin.

Ang ordinansang ito ay patunay ng ating sama-samang adhikain na itaguyod ang mabuting pamamahala at mas mapalapit ang pamahalaan sa taumbayan.

Maraming salamat sa suporta ng aking mga kapwa miyembro ng Sangguniang Bayan, sa ating Local Chief Executive, at sa lahat ng naging bahagi sa pagbuo ng mahalagang ordinansang ito.

Mas bukas na pamahalaan. Mas malinaw na pananagutan. Mas matatag na Bongabong.






Isinusulong natin ang isang mas bukas, tapat, at responsable na pamahalaan sa pamamagitan ng panukalang Freedom of Infor...
22/04/2026

Isinusulong natin ang isang mas bukas, tapat, at responsable na pamahalaan sa pamamagitan ng panukalang Freedom of Information (FOI) Ordinance sa Bayan ng Bongabong.

Naniniwala tayo na ang impormasyon ay karapatan ng mamamayan—hindi pribilehiyo. Sa pamamagitan nito, mas mapapalakas ang tiwala ng publiko, mapapabilis ang serbisyo, at masisiguro ang pananagutan sa bawat desisyon ng pamahalaan.

Panahon na para gawing mas malinaw, mas bukas, at mas makatao ang ating pamamahala.





𝗡𝗴𝗮𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗿𝘀𝗼, 𝗺𝗮𝗸𝗶𝗮𝗹𝗮𝗺, 𝗺𝗮𝗸𝗶𝗹𝗮𝗵𝗼𝗸, 𝗮𝘁 𝗽𝘂𝗿𝗯𝗮𝗵i 𝗮𝗻𝗴 𝗶𝗻𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗔𝘀𝘀𝗲𝗺𝗯𝗹𝘆!Para sa mga detalye at gabay, na’ay ang DILG...
11/03/2026

𝗡𝗴𝗮𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗿𝘀𝗼, 𝗺𝗮𝗸𝗶𝗮𝗹𝗮𝗺, 𝗺𝗮𝗸𝗶𝗹𝗮𝗵𝗼𝗸, 𝗮𝘁 𝗽𝘂𝗿𝗯𝗮𝗵i 𝗮𝗻𝗴 𝗶𝗻𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗔𝘀𝘀𝗲𝗺𝗯𝗹𝘆!

Para sa mga detalye at gabay, na’ay ang DILG Memorandum Circular 2026-012 (Omnibus Guidelines for the Conduct of Barangay Assembly Day on any Saturday or Sunday of March and October Every Year, Pursuant to Section 397 of RA 7160 and Proclamation No. 599, S. 2018) https://bit.ly/DILG-MC-2026-0012

Naandini naman ang mga Annexes: bit.ly/BA1stSem2026

Kaya, tara na sa barangay!




Narito ang schedule para sa magaganap na Barangay and Sangguniang Kabataan Elections ngayong November 2, 2026. Makiisa t...
16/02/2026

Narito ang schedule para sa magaganap na Barangay and Sangguniang Kabataan Elections ngayong November 2, 2026.

Makiisa tayo sa mga alituntunin ng COMELEC para sa isang maayos at mapayapang BSKE 2026.



12/02/2026

800 Farmers ng Bayan ng Bongabong nakatanggap ng Indemnity check mula sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC).



Maligayang Kaarawan, Kapitan Adolfo Amparo! 🎉Nawa’y patuloy kayong pagpalain ng Poong Maykapal ng mabuting kalusugan, la...
11/02/2026

Maligayang Kaarawan, Kapitan Adolfo Amparo! 🎉
Nawa’y patuloy kayong pagpalain ng Poong Maykapal ng mabuting kalusugan, lakas ng loob, at karunungan sa inyong paglilingkod sa ating barangay. Maraming salamat sa inyong tapat at masigasig na pamumuno. Mabuhay po kayo at nawa’y mas marami pa kayong taong paglingkuran!

05/02/2026

Anu nga ba ang YAKAP Program ni Philhealth at anu anu nga ba ang benipesyo natin dito. Halina’t alamin!



Address

Bagong Bayan 2
Bongabong
5211

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Vice Mayor Jayson Barcelona posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share