09/09/2025
Hindi kasalanan ng anak ko na dumaan siya sa puberty. Pero 'yun ang ginamit na dahilan para iwan siya.
Noong nasa high school pa ang anak kong babae, gaya ng karamihan sa mga teenager, dumanas siya ng isang malalang acne breakout. 'Yung klase ng breakout na kahit anong gawin mong pag-aalaga, hindi mo mapipigilan. Normal 'yun, sabi ko sa kanya. Lilipas din 'yan.
At lumipas din nga ang panahong 'yon. Pero ano ang naiwan? Ang mga peklat na butas-butas sa mukha ng anak ko.
Tapos dumating 'yung lalaking 'yon.Akala ko, nakita niya 'yung ganda ng anak ko sa kabila ng mga peklat. Pero isang gabi, umuwi 'yung anak kong umiiyak. Sabi daw ng lalaki, "Hindi ko na kaya. Nakakahiya kang isama sa mga kaibigan ko nang dahil sa mukha mo."
Diyos ko. 'Yung mga peklat na resulta ng isang bagay na hindi niya kontrolado, 'yun ang ginamit na bala para durugin siya.
Pagkatapos no'n, gabi-gabi, naririnig ko siyang umiiyak.Hindi ko na kaya. Nagbasa-basa ako ng mga review at sumali sa mga group online. Minessage ko 'yung mga taong nag-post ng stories nila, tinanong ko kung ano ba talaga ang naging effective at anong products ang ginamit nila. Nakakita ako ng isang scar product na abot-kaya at maraming good reviews, pero kinailangan ko pa ring mag-ipon nang ilang panahon para mabili ang treatment na 'to para sa kanya.
5 months passed... At 'yung resulta, higit pa sa aming pinagdasal. Halos wala nang bakas ng peklat.Nabalitaan ko na lang na nag-message daw ulit sa kanya 'yung lalaking 'yon. At Ang sagot ng anak ko? Seen 🤣
Wow, ang tapang-tapang na ng anak ko ngayon. Proud na proud si Mama sa'yo❤️