
02/03/2025
π΄ Tingnan || Pagsuko ng Suspek sa Tandubas: Hakbang Tungo sa Mas Ligtas na Komunidad
π Tandubas, Tawi-Tawi β Kasunod ng insidente ng pamamaril sa Sitio Bato, Brgy. Himba, boluntaryong sumuko sa mga awtoridad ang suspek na si D**g Jamil ngayong Marso 1, 2025, sa Brgy. Hall ng Himba.
Ang pagsukong ito ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng MBLT-12 ng 2nd Marine Brigade, ang Lokal na Pamahalaan, at ang Municipal Police Station ng Tandubas.
πΉ Pananawagan sa Komunidad
Patuloy na hinihikayat ng 2nd Marine Brigade ang publiko na makiisa sa pagsuko ng mga hindi lisensyadong armas bilang bahagi ng Small Arms and Light Weapons (SALW) Program ng OPAPRU. Ang programang ito ay naglalayong mabawasan at tuluyang mawala ang mga iligal na armas upang magkaroon ng mas payapa at ligtas na komunidad sa Tawi-Tawi.
Ang tagumpay ng operasyong ito ay dahil sa suporta ng lokal na mamamayan. Sama-sama nating itaguyod ang kapayapaan at seguridad! π€π΅π
π Paunawa: Ang larawang ginamit sa post na ito ay hindi namin pag-aari, at hindi kami nag-aangkin ng karapatang-ari nito.