23/09/2025
๐๐ผ๐น๐๐บ | ๐ฃ๐๐๐๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐, ๐ฃ๐๐๐๐๐ก๐ ๐น๐๐บ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ปโ ๐ถ๐๐ถ๐ด๐ถ๐น ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฝ๐ถ๐ธ๐ถ๐!
ni Sheeren Athena Docena
Labis na ang pagmamalabis!
Tuluyan nang nag-apoy ang disgusto sa korupsyon sa isinagawang Trillion Peso March. Ito ang araw na nagpapakita na ang bayan ay hindi natutulog, at ang tao ay sumasabog.
Bagamat makasaysayan para sa iba ang pangyayaring ito, marami pa rin ang mga Pilipino ang nag-aagamang kung ang protesta ay makakapagbago o magdudulot lamang ng panibagong gulo. Ngunit para sa mga Pilipino na puno pa rin ng agam-agam, ang protesta ay hindi isang guloโito ay ang sigaw ng bayan sa lubos na pagtutol sa pagmamalabis ng kapangyarihan ng gobyerno.
Marami man ang hindi sang-ayon, pinatutunayan ng pangyayaring ito na minsan ang katahimikan ay hindi sagot, at ang dagundong ng ingay ang tunay na makakapagbago.
Kayaโt, wala man tayo sa protesta, gamitin natin ang ating boses upang manindigan: sanaโy makawala ang Pilipinas mula sa kuko ng mga mandurugas na nag-iisip na silaโy mga agilaโmga agilang mababaw ang lipad dahil puno ng kasakiman.
Tama na! Sapat na ang pagmamalabis; ang katiwalian ay umaalingasawโtunay na pagkalansa. Hindi lang sa flood control ito; kalakip na rin dito ang sandamakmak na isyu na naglaho na parang bula: Confidential funds (2024), PhilHealth fund issue (2024), DOH expired drugs and COVID vaccines (2023: Source ABS-CBN news), 1,000 unusable classrooms mula sa DPWH projects (2025 Source: Inquirer News), at maling paggamit ng AKAP (Ayuda para sa Kapos Palad: Source Philstarโ at iba pang balita na nagpapakita ng anomalya nito sa ibang lugar). Ito lamang ay iilan sa mga anomalya at korupsyon na natabunan; masaklap na ang mga nasangkot na sektor ay yaong mga dapat sana ay tumulong sa pag-unlad ng Pilipinas.
Sumakatuwid, nawa'y ang araw na ito ay hindi lamang maging araw ng ingay at pagpapasikat na nakikisama sa laban kontra korupsyon. Sana maging patunay ito na hindi bulag, p**i, at bingi ang sambayanan sa mga anomalya. Patunayan natin kung ano ang tunay na kahulugan ng kalayaan.
Pilipinas kong minamahal, naway hindi ka talikuran ng mga Pilipinong iyong sinisinta. Isabuhay natin ang adhika ng pagmamahal sa bayanโmag-ingay, maging mapagmatyag, at bumoto ng tama. Kung nais ninyo ng pagbabago, tayo lamang, mga Pilipino, ang makakapagpabago sa sistemang bulok.
Kayong mga nakaupo at nagmamalabisโang p**t ng bayan ay inyong malalasahan; kayo ay babagsak sa sarili ninyong kasakiman. At tayong mga nakaluhod sa mga nakaupo, kung hindi ngayon, kailan pa? โ kapag tayoโy tuluyang lumugmok habang sila ay patuloy na umaangat?
Pilipino, huwag kayong maging mababaw! Gising naโang kapangyarihan ay nasa ating kamay, hindi sa kanila. Kaya naman ang aking hamon: ano ang magagawa mo para sa bayan? Pipikit ka ba, o magiging mulat? โ Ang boses mo ang magwawakas sa mga gumugulpi sa ating Pilipinas na minumutya.
Dibuho ni Yasser Abdul | The Catalyst Multimedia