
24/01/2025
“Kung Gusto Mo Ng Sumuko…
Isipin Mo Na Lang Ang Dahilan
Kung Bakit Mo Ito Sinimulan”
Sa takbo ng ating buhay, madalas tayong nakakaranas ng mga kabiguan. Karamihan sa atin ay madaling mapanghinaan ng loob, na akala mo’y gumuho na ang mundo. At sa bandang huli, ay susuko na lamang sa hamon ng buhay.
Ngunit sadyang ganyan ang buhay, minsan nadadapa, pero bumabangon pa rin tayo at magsisimula muli. Ganyan ang mga Pinoy, laging palaban at hindi basta basta susuko.
Kaya sa tuwing ikaw ay mabigo sa iyong misyon sa buhay, huwag kang susuko, isipin mo ang dahilan kung bakit mo ito ginagawa at kung bakit mo ito sinimulan.