26/11/2025
I DO NOT NEGOTIATE WITH CRIMINALS
Naglabas ng panibagong video ng si Pangulong Bongbong Marcos kaugnay ng progreso ng imbestigasyon sa anomalya sa flood control projects.
Kasama sa kaniyang ini-report ay ang panibagong nakuhang freeze order ng AMLC kung saan kabilang ang P4 billion na air assets ni Zaldy Co.
Sa huling bahagi ng video, ibinunyag ng pangulo na tinatangka umano silang i-blackmail ng kampo ni Co.
“Nilapitan po kami ng abogado ni Zaldy Co at nagtatangkang mag-blackmail na kung hindi po namin kakanselahin daw ang passport niya, hindi na raw siya maglalabas ng video. I do not negotiate with criminals. Kahit maglabas ka na ng video ng lahat ng kasinungalingan mo na pag-destabilize sa gobyerno. Gusto kong malaman mo Zaldy makakansela pa rin ang passport mo. Hindi ka na makakatakas sa hustisya,” sinabi ni Pangulong Marcos.
Courtesy: Bongbong Marcos/FB