17/12/2025
Kakaiyak naman nito 🥺🥺
Isang lalaki ang nahatulan ng 10 taong pagkakakulong dahil sa pagnanakaw ng ₱100 milyon.
Pagkalipas ng 5 taon sa kulungan, nakatanggap siya ng sulat mula sa kanyang ama:
“Anak, matanda na ako at may sakit. Panahon na ng taniman pero wala akong kasama sa pag-aararo at pagtatanim ng mais. Sana nandito ka para tulungan ako. Ingat ka palagi.”
Sumagot ang anak:
“Tay, huwag na huwag po muna kayong maghukay sa bukid. Doon ko po itinago ang lahat ng perang ninakaw ko. Hintayin niyo na lang po akong makalabas.”
Hindi niya alam, binabasa ng mga guwardiya ang lahat ng sulat ng mga preso.
Kaya kinabukasan, mahigit 200 pulis at guwardiya ang dumating sa bukid ng kanyang ama.
Hinukay nila ang bawat sulok ng lupa, pero wala silang nakitang kahit ano.
Makalipas ang ilang araw, muling sumulat ang anak:
“Dear Tatay, sana po ay nakatulong ang tulong na ipinadala ko.
Puwede na po kayong magtanim ng mais ngayon.” 😅😅