Ike Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Ike, Digital creator, Quezon, Bukidnon.

08/11/2024
26/10/2024

“bakit kailangan masaktan kapag nag-mamahal?”

madaming nag-tatanong sa akin niyan at minsan ay napapa-isip din ako eh.

oo nga‚ bakit nga ba?

napa-isip tuloy ako at nang-hingi ng payo sa mga kaibigan kong ‘walang ka-relasyon kasi alam kong matitino at maka-buluhan ang mga sagot nang mga single.

at doon napag-tanto ko na tama sila.

kapag may ka-relasyon ka o may gusto sa isang tao‚ normal lang ang masaktan. gustuhin man natin na hindi masaktan‚ hindi mo ito mapipigilan‚ masasaktan at masasaktan ka talaga kahit anong gawin mo kasi parte iyon nang karanasan mo bilang ikaw na nasa relasyon o may ginugustong lalaki/babae. hindi porket nag-mamahal ka ay puro saya lang ang mararamdaman mo‚ nando’n din ang sakit at lungkot na dadalhin mo.

hindi ka rin perpektong tao at minahal mo ang taong iyon kung kaya’t masasaktan ka‚ iyan din siguro ang daan upang matuto ka sa mga ginawa/nagawa mong pagkaka-mali at mapag-tanto na mali ang mga iyon. kinakailangan masaktan pagdating sa pag-ibig dahi pagnag-mahal tayo, hindi pwedeng hindi ikaw/siya ang nasasaktan. sa pagmamahal‚ may ka-akibat yan na sakit‚ sinasadya man ito o hindi. sa pag-ibig‚ kapag nag-mahal ka ng sobra‚ mas malaki ang porsyento na masasaktan ka ng labis-labis.

doon din siguro malalaman kung gaano mo ka-mahal ang isang tao.

malalaman mo kung gaano mo siya ka-mahal kung nasasaktan ka at kung nakikita mo siyang nasasaktan. dito sa mundong ito‚ hindi mo ma-kokontrol ang mga pangyayari‚ hindi mo rin hawak ang emosyon mo kaya’t pigilan mo man‚ pilit ito mag-pupumiglas. hindi ka tunay na nag-mamahal kung hindi ka nasasaktan dahil sa sakit mo madarama kung gaano mo siya pinahalagan nang totoo.

kaya ikaw?

ayos lang ang masaktan ka sa kanya‚
dahil parte iyon kung gaano mo siya ka-mahal. ilaban mo ang pag-mamahalan niyo at nawa’y manaig ang inyong pag-sasama.

mas piliin mo pa ring ayusin ang relasyon ninyo‚ bago ka mag-desisyon na sumuko.

— mula kay aria | Paraiso / photo from pinterest.

Address

Quezon
Bukidnon

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ike posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share