03/09/2022
😞SANGGOL NA SAKAY NG TRICYCLE, PATAY NG MAHULOG SA KALSADA NG TERESA, RIZAL‼️ PAALALA SA LAHAT NG MGA MAGULANG‼️
Naway magsilbing aral ang ganitong pangyayari kung saan nahulog ang sanggol at nasagasaan ng hindi inaasahan. Sabihin na nating aksidente ito, pero mas maigi pag lagi po tayong nag dodoble ingat lalo na sa mga bata at sanggol pag ilalabas ng bahay.
Nasawi ang isang taong gulang na batang babae nang ito ay mahulog sa sinasakyang tricycle matapos mabitiwan ng naghahawak na kapatid sa J. Sumulong Avenue, Barangay Bagumbayan, Teresa, Rizal Biyernes ng umaga.
Lumalabas sa imbestigasyon ng Teresa police, na dakong alas 10:30 ng umaga, sakay ng kanilang tricycle na minamaneho ng padre de pamilya na si Joseph Ramirez ang mag-anak at tinatahak ang highway ng biglang mahulog ang bata mula sa loob.
Ayon sa Teresa police, magkaangkas sa motorsiklo ang mag-asawa at ang tatlongmagkakapatid na bata ang nasa loob ng sidecar.
Isa sa mga batang kapatid ang may hawak sa sanggol na nalaglag sa hindi malamang dahilan.
Bumagsak sa kalsada ang bata at sa kasamaang palad ay nasagasaan pa ito ng kasunod na pampasaherong jeep.
Isinugod pa sa ospital ang bata subalit idineklara na itong dead on arrival ng doktor.
Kinustodiya ng Teresa police ang tatay ng biktima at ang driver ng jeep upang alamain kung may pananagutan ang mga ito sa pangyayari.
SOURCE: Gra Cia Perillo
See original post and video of the incident here: https://www.facebook.com/permalink.php?story_fbid=155090027145579&id=100079337465580