24/12/2025
https://www.facebook.com/share/1AzxaheEEZ/
Kagawad Gina(in green) ng Balitang Bulakenyo Ngayon as media witness sa war on drug sa Bulacan
DROGA AT BARIL NASAMSAM, 1 ARESTADO SA OBANDO BUY-BUST!
Camp General Alejo S Santos, Lungsod ng Malolos, Bulacan — Bilang bahagi ng pinaigting na kampanya kontra ilegal na droga alinsunod sa direktiba ng Acting Chief, PNP PLTGEN JOSE MELENCIO C NARTATEZ JR, matagumpay na naaresto ng mga operatiba ng Obando Municipal Police Station ang isang (1) drug suspect sa ikinasang anti-illegal drug buy-bust operation bandang 3:45 ng madaling-araw ng Disyembre 24, 2025 sa Brgy. Pag-asa, Obando, Bulacan.
Ayon sa ulat ni PMAJ ERICKSON S MIRANDA, Chief of Police ng Obando MPS, kinilala ang naarestong suspek na si alias “Chinchan”, 24 anyos, residente ng Brgy. San Pascual, Obando, Bulacan. Naaresto ang suspek matapos itong aktuwal na magbenta ng isang (1) medium-sized heat-sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu sa isang pulis na undercover.
Nakumpiska mula sa suspek ang tatlong (3) karagdagang maliit na sachet ng hinihinalang shabu, ang marked money, at isang Armscor caliber .38 revolver na may isang (1) bala. Ang kabuuang bigat ng nakumpiskang hinihinalang shabu ay tinatayang 2.6 gramo na may standard drug price na Php 17,680.00. Ipinaalam din sa suspek ang kanyang mga constitutional rights alinsunod sa RA 7438 at RA 9745.
Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Obando MPS habang inihahanda ang mga kasong paglabag sa Sections 5, 11, at 26, Article II ng R.A. 9165 at paglabag sa R.A. 10591 na ihahain sa Office of the Provincial Prosecutor, Lungsod ng Malolos, Bulacan.
Ayon kay PCOL ANGEL L GARCILLANO, Provincial Director ng Bulacan Police Provincial Office, “Ang pagkakaaresto sa mga sangkot sa ilegal na droga, lalo na yaong may kasamang iligal na baril, ay malinaw na patunay ng mahigpit at tuloy-tuloy na kampanya ng Bulacan Police laban sa kriminalidad. Hindi namin hahayaang malason at malagay sa panganib ang ating mga komunidad.”