
21/09/2025
NGAYON | KORAP IBAGSAK!
Dinagsa ang luneta ng iba't ibang mga progresibong grupo, organisasyon at sektor upang tindigan at labanan ang mga katiwalian at anomalyang lumutang tungkol sa flood-control projects kasabay ng paggunita ika-53 anibersaryo ng Martial Law na idineklara ng diktador na si Ferdinand Marcos Sr. ngayong Linggo, Setyembre 21, 2025.
Iba’t ibang tagapagsalita mula sa iba’t ibang sektor ang nanguna sa pagtitipon, kabilang sina Kabataan Partylist House Representative Renee Co, Makabayan Ex-Senatorial Candidate Danilo “Ka Daning” Ramos, at iba pang mga kinatawan na mariing tumuligsa sa mga kaso ng korapsyon at mga pagkukulang ng kasalukuyang administrasyon.
Dinaluhan ang “Baha sa Luneta: Aksyon Laban sa Korapsyon” ng iba’t ibang sektor ng lipunan—mula sa kabataan, estudyante, manggagawa, katutubong pamayanan (IPs), hanggang sa mga taong-simbahan. | via. Rhynzo Torres, DAMBANA
Mga kuhang retrato nina: Alesis Torres at Rhynzo Torres
--
For more update and posting, you may visit our official accounts:
Fb: Dambana Publication
IG & tiktok:
Email: [email protected]