23/09/2025
NEWS | Kanselado ang onsite na klase bukas, Setyembre 24, sa Bulacan State University (BulSU) dulot ng masamang panahon gawa ng Super Typhoon Nando. Ipagpapatuloy naman ang pagbubukas ng Angara Cup sa kabila nito.
Ayon sa Office Memorandum No. 143, series of 2025 na inilabas ng pangulo ngayong gabi, suspendido ang lahat ng onsite na klase sa buong pamantasan kabilang ang lahat ng kampus. Kaya naman ipinatupad ang pagkakaroon ng online synchronous modality.
Dagdag pa rito, nakipag-dayalogo naman si Roshan Reyes, ang presidente ng BulSU Student Government (BulSU SG) at Student Regent, sa pag-suspende sana ng online na pasok.
"Subalit dahil naka-ayon pa rin ito sa memo ng LGU, ang ating ipinakiusap na lang ay consideration at pagiging mas lenient sa attendance," ani Reyes.
Sa kabilang banda, mananatili pa rin sa plano ang Angara Cup; batay kay Reyes, "Ayon sa FAU, kailangan itong ituloy dahil bukas lamang available ang kinatawan ni Sen. Angara, at bilang sila ang pangunahing proponent, ay nirerespeto natin ang kanilang pasya,"
Gayunpaman, pinapaalalahanan ang lahat ng miyembro ng komite at mga kalahok na mga estudyante na bigyang-prioridad ang kanilang kaligtasan at kapakanan hanggang sa pagtatapos ng mga aktibidad.
Ngayon, habang patuloy na nagdadala ng matinding pag-ulan ang Super Typhoon Nando, pinapaalala ng pamantasan na manatiling mapagmatyag ang lahat, maingat sa sarili, at magkaroon ng malasakit sa bawa’t isa. | via Fraulyn Castro at Jim Carl Dela Cruz, PLUMALAYA
Para sa ibang detalye, basahin ang pahayag ni Presidente Roshan Reyes: https://www.facebook.com/share/p/1CP6Rgxz1z/