
24/06/2025
I disagree sa sentiment ng isang to.
Hindi porket freelancer at working at home lang ay weak na, at di kagaya ng nagwowork sa Corporate na batak talaga sa realidad.
Sorry ah pero mali ka jan, Hindi lahat ng naka work from home ay tamad o weak Kasi di nagtatrabaho sa mga offices. Hindi ba pwede na we've been there, done that?
11years ako nagwork sa Corporate, aaminin ko sa tagal ng work ko nabatak talaga ako sa hirap ng work at pagsustain ng performance, sikip at init ng byahe at sobrang trapik. Sobrang hirap talaga kung tutuusin.
Kaya nung naranasan ko ang work from home setup, sobrang nagustuhan ko sya dahil nandun talaga ang peace of mind, work life balance. Tipong nakakasave ka ng pera lalo na ng Oras.
Totoo mas mahirap ang nasa corporate kasi madami Kang dapat I consider, performance mo, metrics mo, mga kawork mo, budget, at health mo. Pero mas pipiliin ko nalang ang working at home, mag-isa nagwowork, walang iisipin na Kasama o metrics, di mamomoblema sa budget, at higit di at risk ang health sa labas ng bahay.
Lahat pwede sumubok ng pagiging freelancer, pero Ang realidad hindi ito para sa lahat.
We chose this career not because it is work from home, but we chose this for our own peace of mind and happiness.