Barangay Muzon Proper Public Information Office - BPIO

Barangay Muzon Proper Public Information Office - BPIO Official page of Barangay Muzon Proper Public Information Office.

MALIGAYANG KAARAWAN 🎉Sa ating Mother Leader na si Marita Aque Nawa patuloy po kayong biyayaan ng Kalusugan at lakas para...
28/11/2025

MALIGAYANG KAARAWAN 🎉

Sa ating Mother Leader na si Marita Aque Nawa patuloy po kayong biyayaan ng Kalusugan at lakas para patuloy na makapaglingkod sa ating pamayanan. ☝️

Pagbati mula kay,
Kapitana Elizabeth Valerio at Council



IN PHOTOSSerbisyong May Pagkakakitaan: Ham at Longganisa Making ProgramNgayong araw, matagumpay na isinagawa sa Galahapm...
27/11/2025

IN PHOTOS

Serbisyong May Pagkakakitaan: Ham at Longganisa Making Program

Ngayong araw, matagumpay na isinagawa sa Galahapmai ang Ham at Longganisa Making – Barangay Community-Based Livelihood Training Program, na layuning palakasin ang kaalaman ng mga residente sa paggawa ng produktong maaaring maging dagdag kabuhayan sa kanilang pamilya.

Sa pakikipagtulungan ng Bulacan State University, nabigyan ang mga kalahok ng detalyadong kaalaman at praktikal na pagsasanay ukol sa tamang proseso ng paggawa ng de-kalidad na ham, at longganisa.

Pinangunahan ang programa ni Kapitana Beth Valerio, kasama ang Committee on Livelihood and Cooperative na pinamumunuan ni Kag. Angelito Gojo Cruz, at suportado ng buong Sangguniang Barangay, bilang bahagi ng kanilang patuloy na adbokasiya na palawakin ang oportunidad sa kabuhayan para sa mga residente ng Barangay Muzon Proper.

̃o


Inaanyayahan ang lahat ng residente ng Barangay Muzon Proper, lalo na ang mga bagong botante at hindi pa nakakapag-updat...
27/11/2025

Inaanyayahan ang lahat ng residente ng Barangay Muzon Proper, lalo na ang mga bagong botante at hindi pa nakakapag-update ng kanilang voter’s record, na makilahok sa Mobile Voter’s Registration na gaganapin mismo sa loob ng Kelsey Hills Subdivision Covered Court.

🗓 Nobyembre 29 (Sabado)
📍 Kelsey Hills Subdivision Covered Court
⏰ 8:00 AM – 4:00 PM

Mahalaga ang pagpaparehistro upang maging ganap na bahagi ng proseso ng halalan at maipahayag ang ating boses sa pagpili ng mga lider ng ating komunidad. Sa pamamagitan ng paglapit ng serbisyo sa inyong lugar, inaasahang mas marami ang magkakaroon ng pagkakataon na maging aktibong botante.

Hinihikayat ang lahat na samantalahin ang programang ito.
Tara, magparehistro at maging kabahagi ng mas matatag na demokrasya!

̃o


CONGRATULATIONS, KRISTINE JOSH RAMOS PASCUAL, RN.💚🧡Bachelor of Science in Nursing | Our Lady of Fatima UniversityTagumpa...
27/11/2025

CONGRATULATIONS, KRISTINE JOSH RAMOS PASCUAL, RN.💚🧡
Bachelor of Science in Nursing | Our Lady of Fatima University

Tagumpay ng kabataan, tagumpay ng buong barangay!

Buong puso naming ipinagmamalaki si Kristine Josh Ramos Pascual, isang kabataang mula sa Muzon Proper, na matagumpay na nakapag tapos sa Kursong Bachelor of Science in Nursing sa Our Lady of Fatima University at nakapasa sa 2025 Philippine Nurses Licensure Examination.✨

Ang iyong sipag, determinasyon, at dedikasyon sa pag-aaral ay patunay na kayang abutin ng isang kabataang may pangarap ang tagumpay sa kabila ng lahat ng hamon. Ikaw ay tunay na inspirasyon sa kabataan at buong komunidad ng Muzon Proper.

Patuloy mong ipagmalaki ang ating barangay!
Kami ay lubos na nagagalak at sumusuporta sa iyong mga susunod pang tagumpay.

Ipinagmamalaki ka ng buong Barangay Muzon Proper!
Pagbati mula kina
Kapitana Elizabeth Valerio at Sangguniang Barangay

CONGRATULATIONS, ANDRHEA MARIE H. QUIAMBAO, RN.💚🧡Bachelor of Science in Nursing | Our Lady of Fatima UniversityTagumpay ...
27/11/2025

CONGRATULATIONS, ANDRHEA MARIE H. QUIAMBAO, RN.💚🧡
Bachelor of Science in Nursing | Our Lady of Fatima University

Tagumpay ng kabataan, tagumpay ng buong barangay!

Buong puso naming ipinagmamalaki si Andrhea Marie H. Quiambao, isang kabataang mula sa Muzon Proper, na matagumpay na nakapag tapos sa Kursong Bachelor of Science in Nursing sa Our Lady of Fatima University at nakapasa sa 2025 Philippine Nurses Licensure Examination, at Top 2 sa Toprank Pre-Board Exam✨

Ang iyong sipag, determinasyon, at dedikasyon sa pag-aaral ay patunay na kayang abutin ng isang kabataang may pangarap ang tagumpay sa kabila ng lahat ng hamon. Ikaw ay tunay na inspirasyon sa kabataan at buong komunidad ng Muzon Proper.

Patuloy mong ipagmalaki ang ating barangay!
Kami ay lubos na nagagalak at sumusuporta sa iyong mga susunod pang tagumpay.

Ipinagmamalaki ka ng buong Barangay Muzon Proper!

Pagbati mula kina
Kapitana Elizabeth Valerio at Sangguniang Barangay



TINGNAN:Burger Patty at Chicken Nuggets Making: Barangay Community-Based Livelihood Training ProgramMatagumpay na isinag...
26/11/2025

TINGNAN:

Burger Patty at Chicken Nuggets Making: Barangay Community-Based Livelihood Training Program

Matagumpay na isinagawa ngayong Nobyembre 26 ang Burger Patty & Chicken Nuggets Making – Barangay Community-Based Livelihood Training Program sa Francisco Homes III Daycare Center.

Layunin ng programang ito na magbigay ng dagdag-kaalaman at oportunidad sa kabuhayan para sa mga residente ng Barangay Muzon Proper.

Ang aktibidad ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng Bulacan State University, na nagbahagi ng kanilang kaalaman at kasanayan upang mabigyan ng praktikal na skills ang ating mga kalahok.

Sa pangunguna ni Kapitana Beth Valerio, katuwang ang Committee on Livelihood and Cooperative sa pamumuno ni Kag. Angelito Gojo Cruz, kasama ang buong Sanguniang Barangay, patuloy nating isinusulong ang mga programang nagbibigay suporta at pag-unlad sa kabuhayan ng ating komunidad.

̃o


IN PHOTOS:Isinagawa ngayong araw sa Mt. View Subdivision ang programang Libreng Kapon para sa mga alagang a*o at pusa, i...
25/11/2025

IN PHOTOS:

Isinagawa ngayong araw sa Mt. View Subdivision ang programang Libreng Kapon para sa mga alagang a*o at pusa, isang inisyatibong naglalayong makatulong sa mga pet owners at mabawasan ang pagdami ng mga ligaw na hayop sa komunidad.

Isinagawa ang programa sa tulong ng City Veterinary Office Katuwang ang pamahalaang Barangay Muzon Proper, bilang pakikiisa sa mga proyektong nagtataguyod ng kalinisan, kaligtasan, at kaayusan sa barangay.

Sa pamamagitan ng proyektong ito, ipinapakita ng pamahalaang barangay ang kanilang pagsuporta sa mga residente at sa pangangalaga ng hayop, habang itinataguyod ang isang malinis, ligtas, at disiplinadong komunidad.

Pinangunahan ito ni Kapitana Beth Valerio, katuwang ang Committee on Animal Welfare na si Kag. Angelito Gojo Cruz, at ang buong Sangguniang Barangay. Ang programang ito ay bahagi ng patuloy na adbokasiya ng Barangay Muzon Proper para sa responsableng pag-aalaga, tamang kalusugan ng mga alaga, at mas maayos na kapaligiran para sa lahat.

Lubos ang pasasalamat ng Barangay Muzon Proper kina Mayor Rida Robes, Cong. Arthur Robes, at Vice Mayor Arlene “Aba” Bartolome sa kanilang suporta at pagtiyak na naihatid ang serbisyong ito sa mga residente.

̃o


WEATHER UPDATE🌧️MAG-MONITOR dahil posible ang pagbaha. Itinaas sa YELLOW WARNING ang Lalawigan ng Bulacan at karatig-lug...
25/11/2025

WEATHER UPDATE🌧️

MAG-MONITOR dahil posible ang pagbaha.
Itinaas sa YELLOW WARNING ang Lalawigan ng Bulacan at karatig-lugar ayon sa inilabas na Heavy Rainfall Advisory no. 6 ng PAGASA, kaya naman patuloy na pinapaalalahanan ang mga residente na MAG-MONITOR sa posibleng pagbaha sa flood-prone at landslide-prone areas ng kani-kanilang lugar.

Manatiling nakatutok sa aming Official page para sa napapanahong balita at impormasyon.

Huwag kalimutan magdala ng payong. Stay safe, Muzon Proper!



MALIGAYANG KAARAWAN 🎉Sa ating Barangay Kagawad na si Rosalinda SD. Facto Nawa patuloy po kayong biyayaan ng Kalusugan at...
25/11/2025

MALIGAYANG KAARAWAN 🎉

Sa ating Barangay Kagawad na si Rosalinda SD. Facto Nawa patuloy po kayong biyayaan ng Kalusugan at lakas para patuloy na makapaglingkod sa ating pamayanan. ☝️

Pagbati mula kay,

Kapitana Elizabeth Valerio at Council



IN PHOTOS: BANTAY PAARALAN: TIYAK NA LIGTAS NA PAG-UWI NG MGA MAG-AARAL noong Nobyembre 21 Patuloy na ipinatutupad ang p...
24/11/2025

IN PHOTOS:

BANTAY PAARALAN: TIYAK NA LIGTAS NA PAG-UWI NG MGA MAG-AARAL

noong Nobyembre 21 Patuloy na ipinatutupad ang programang Bantay Paaralan sa Angelito M. Sarmiento High School, na layuning masiguro ang maayos at ligtas na pag-uwi ng mga mag-aaral mula sa paaralan patungo sa kanilang mga tahanan.

Ang programang ito ay bahagi ng patuloy na adbokasiya ng Barangay Muzon Proper para sa kapayapaan, kaayusan, at mas ligtas na komunidad, lalo na para sa mga kabataang nag-aaral.

Ito ay patunay ng matatag na kooperasyon ng pamahalaang barangay at paaralan sa pagsigurong ligtas at protektado ang bawat mag-aaral sa kanilang pag-uwi araw-araw

Sa pangunguna ni Kapitana Beth Valerio, katuwang ang Committee on Peace and Order na pinamumunuan ni Kagawad Romeo Espanueva, at buong Sangguniang Barangay, kasama ang ating masisipag na Barangay Tanod at Bantay Bayan Volunteers, ay sama-samang nagbantay at nagbigay ng gabay sa mga estudyante.

̃o


Mobile Voter’s Registration sa Barangay Muzon ProperMatagumpay na isinagawa ang Mobile Voter’s Registration noong Nobyem...
24/11/2025

Mobile Voter’s Registration sa Barangay Muzon Proper

Matagumpay na isinagawa ang Mobile Voter’s Registration noong Nobyembre 22 (Sabado) sa Barangay Muzon Proper Covered Court.

Isinagawa ang aktibidad na ito sa tulong ng COMELEC, Layunin ng programang ito na mas mailapit sa mga residente ang proseso ng pagpaparehistro upang masiguro ang mas mataas na partisipasyon sa darating na halalan.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Kapitana Beth Valerio, katuwang ang buong Sangguniang Barangay, bilang bahagi ng patuloy na pagsuporta sa mas inklusibo at masiglang demokrasyang lokal.

̃o


MALIGAYANG KAARAWAN 🎉Sa ating Barangay Health Worker na si Mary Jean Guilalas Nawa patuloy po kayong biyayaan ng Kalusug...
22/11/2025

MALIGAYANG KAARAWAN 🎉

Sa ating Barangay Health Worker na si Mary Jean Guilalas Nawa patuloy po kayong biyayaan ng Kalusugan at lakas para patuloy na makapaglingkod sa ating pamayanan. ☝️

Pagbati mula kay,
Kapitana Elizabeth Valerio at Council



Address

Barangay Muzon Proper, San Jose Del Monte Bulacan
Bulacan

Telephone

+639432640560

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Muzon Proper Public Information Office - BPIO posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Barangay Muzon Proper Public Information Office - BPIO:

Share

Category