Yhel's Little Corner

Yhel's Little Corner Mini vlogs, small business life, and little finds 🌿

Sharing simple moments, crafts, and worth-it products.

19/04/2026

There’s a different kind of peace in the province… 🌿
Yung hindi mo kailangang magmadali.
Slow mornings, fresh air, tahimik na paligid—simple lang, pero sapat.

At higit sa lahat, isang lugar na ligtas para sa mga bata—
kung saan pwede silang tumakbo, maglaro sa labas, at maging bata lang nang walang iniintindi.

Dito mo marerealize na hindi pala kailangan ng marami para maging masaya.
Konting sikat ng araw, tunog ng hangin, at oras para sa sarili—okay na.

Simple life, but a full heart.

May mga bagay pala na kahit wala na sila… hindi mo kayang tigilan.Ito yung notebook ko—dito ko sinusulat lahat ng gusto ...
15/04/2026

May mga bagay pala na kahit wala na sila… hindi mo kayang tigilan.

Ito yung notebook ko—dito ko sinusulat lahat ng gusto kong sabihin kay Papa. Mga simpleng kwento ng araw ko, mga iniisip ko, mga bagay na sana nasasabi ko pa sa kanya.

Parang dati lang… nung nasa abroad siya. Wala pang cellphone noon, kaya sulat talaga ang paraan namin. Araw-araw, may pinapadala kaming liham para kahit malayo siya, ramdam pa rin niya na kasama namin siya sa bawat araw. At kahit paano, nababawasan yung lungkot niya doon.

Ngayon, hindi na siya nakakasagot. Pero nagsusulat pa rin ako.

Pinili ko ‘tong notebook na may lock… kasi gusto ko, katulad ng dati, parang usapan pa rin naming dalawa. Tahimik. Personal. Sa amin lang.

Hindi man nito maalis yung pangungulila, kahit papaano… gumagaan. Kasi pakiramdam ko, naririnig niya pa rin ako.

At siguro, kahit wala na siya dito… hindi pa rin talaga natatapos ang kwentuhan namin.

What a busy and nakakapagod na araw…4am pa lang ginising na ako ni Petes dahil luluwas na siya. Pagkaalis niya, tuloy ag...
13/04/2026

What a busy and nakakapagod na araw…

4am pa lang ginising na ako ni Petes dahil luluwas na siya. Pagkaalis niya, tuloy agad ako sa work—reply sa inquiries at konting editing. 5:30am, gising na si Mama, so asikaso ulit. Buti na lang may nagtitinda ng sopas, nakatipid sa oras, di na ako nagluto ng breakfast.

Sunod-sunod na gawain—linis, laba, kung ano-ano pa hanggang 8am. Tapos posting naman for Crafts by Allen hanggang 10am. Napahinto lang para paliguan si Mama habang nagluluto ng lunch.
After kumain, balik ulit sa work—1–2pm for Petes Aircon Services, 2–3pm Crafts naman. Salitan lang para iwas restricted account.

4pm, stop muna para magsilong ng sinampay at magdilig ng halaman. Tapos balik ulit sa posting. Dinner? Ininit ko lang yung tirang ulam sa lunch. Buti na lang dumating si Petes ng 8:30pm, may dalang spaghetti—sakto, yun na ang dinner namin.

9pm tulog na siya, ako naman pahinga na rin.

Salamat sa lakas at sa lahat ng nagawa namin today. Bukas ulit. 🙏

11/04/2026

Good morning from this little buddy who’s been trying to sneak into Papa’s room 🐦💛

Kanina, pumasok ako para patayin yung ilaw at buksan yung bintana—tapos may narinig akong mahinang tunog ng ibon. Yun pala, siya na ‘yon… quietly waiting and curious 🥹

Simple moments like this just hit different. Parang ang peaceful ng umaga. ✨

11/04/2026

May mga araw na okay naman ako.
Yung tipong normal lang—nakakatawa, nakakagawa ng mga bagay, parang kaya ko naman.

Pero may mga sandali, tulad ngayon…
Tahimik lang ako sa kwarto, nagpapahinga—tapos bigla na lang papasok sa isip ko…

Wala na si Papa.
Hindi na ba talaga siya babalik?
Yun na ba talaga yung huli?

Bigla ko siyang hinahanap.

Siguro dahil kahapon, sumahod ako sa TikTok—first commission ko. Maliit lang, pero sobrang saya ko.
At ang unang pumasok sa isip ko…
“Pa, sumahod ako.”

Alam ko matutuwa siya.
Hindi dahil sa halaga, kundi dahil masaya ako. Dahil may na-achieve ako, kahit maliit.

Ang hirap lang tanggapin na wala na akong mapagkwentuhan tulad ng dati.
Yung taong makikinig sa kahit gaano kaliit na bagay sa araw ko.

Ganun pala yung lungkot no?
Akala mo okay ka na for days… tapos biglang babalik lahat.

Miss na miss kita, Pa.

Iba talaga yung saya na bigla mong makikita yung perang nakalimutan mo na—parang small blessing na dumating sa tamang ti...
11/04/2026

Iba talaga yung saya na bigla mong makikita yung perang nakalimutan mo na—parang small blessing na dumating sa tamang time 😂

Kaninang umaga, habang tahimik akong nagjo-journal, paglipat ko ng page… BOOM—may ₱500 na nakaipit 😭🤣 Hindi ko na maalala kung kailan ko pa yun tinago, pero thank you past self talaga HAHAHA

Minsan talaga, kahit simpleng ganito, nakakapagaan ng araw.

This little corner started with just a table, a chair, and a lot of dreams.No perfect setup, no big space—just me, figur...
08/04/2026

This little corner started with just a table, a chair, and a lot of dreams.
No perfect setup, no big space—just me, figuring things out one day at a time.

Here, I plan content as an SMM,
I crochet pieces made with love,
and I sit with my thoughts on days when things feel a little overwhelming.

It may look simple… but this space has seen my ideas, my struggles, my growth.
Every post, every stitch, every small win—started right here.

Welcome to Yhel's Little Corner.
A small space where big dreams are quietly being built.

Siomai at tubig, habang nakaupo saglit at namamahinga with this view. 🌿🥟💧Minsan sa buhay, kailangan din nating huminto—h...
07/04/2026

Siomai at tubig, habang nakaupo saglit at namamahinga with this view. 🌿🥟💧

Minsan sa buhay, kailangan din nating huminto—hindi para sumuko, kundi para magpahinga.
Okay lang mag-stop. Okay lang mag-pause.
Hindi lahat ng paghinto ay pag-atras… minsan, ito yung paraan para makabalik ka nang mas malinaw, mas buo, at mas handa.

Kung pagod ka, pahinga ka muna.
Kung nalilito ka, huminga ka muna.
Kung nauuna ang iba, okay lang—darating ka rin sa oras mo.

Slow steps are still steps forward. 🌿

07/04/2026

Had a short walk yesterday… or at least, yun yung plano.
Naging 10k steps unexpectedly.

Wala kasi akong masakyan papunta at pabalik, so no choice kundi maglakad—almost 6km balikan. Nakakapagod, oo. Pero habang naglalakad ako, may na-realize ako… kaya ko pala. Kaya ko palang lumabas mag-isa. Kaya ko palang magpatuloy kahit walang kasama.

Pero habang naglalakad din, naisip ko… kung buhay pa si Papa, siguro sa kanya ko sinend lahat ng pictures. Sa kanya ko ikukwento yung araw ko. Ngayon, kinukwento ko pa rin naman… hindi na nga lang siya sumasagot.

Minsan ka lang mabubuhay. Kaya piliin mong maging masaya, kahit may bitbit kang mabigat.
Pwede ka namang huminto saglit, magpahinga, huminga… tapos magpatuloy ulit.

Hindi man kasing bilis ng iba, at kahit parang nahuhuli ka dahil naglalakad ka lang habang sila may sakay—makakarating ka rin.

Hindi nga karera ang buhay.
Kaya hayaan mo lang silang mauna.

02/04/2026

Life update 🌿

It’s been a while since I last posted here. Life happened… quietly, heavily, and in ways I’m still learning to understand.

Lately, I’ve been taking things one day at a time—finding small comfort in simple moments, in slow mornings, and in creating again. This little corner will still be about probinsya life, handmade pieces, and the beauty of simple living… but now, it will also carry parts of my journey—my healing, my thoughts, and the things I’m learning along the way.

Thank you for being here, even in the quiet seasons.

Address

Bulacan

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Yhel's Little Corner posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share