20/10/2025
๐๐ก ๐ฃ๐๐ข๐ง๐ข๐ฆ
Bilang kasapi ng Local Colleges and Universities Athletic Association (LCUAA), matagumpay na idinaos ang Opening Ceremony at Cheerdance Competition sa City of San Jose del Monte Sports Complex. Dinaluhan ito ng mga delegado mula sa ibaโt ibang paaralan, kasama ang kanilang mga tagapamahala sa larangan ng isports at iba pang mga opisyal.
Bago ang pagsisimula ng cheerleading competition, nagbigay ng kanyang welcoming message si Congressman Arthur B. Robes upang mainit na salubungin ang mga kinatawan mula sa ibaโt ibang lungsod. Ipinahayag din niya ang kanyang pasasalamat sa mga estudyanteng nagsumikap makibahagi at dumalo sa nasabing kaganapan.
Sa isinagawang Cheerleading Competition, ipinamalas ng mga kalahok ang kanilang husay, talento, at dedikasyon sa pagpapasigla mula sa mga sumusunod na paaralan: City College of San Jose del Monte, City College of Calamba, Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa, Taguig City University, Kolehiyo ng Lungsod ng Lipa, at Pateros Technological College.
Matapos ang makulay na pagtatanghal, itinanghal ang Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa bilang ikatlong pwesto, sinundan ng City College of San Jose del Monte bilang pangalawang pwesto, at itinanghal namang kampeon ang Taguig City University.
Manatiling nakaantabay para sa iba pang balita at kaganapan kaugnay ng Local Colleges and Universities Athletic Association (LCUAA).
๐ท: Jillian Villacantos
โ๏ธ: Fiona Andrea Cristobal