23/06/2025
Para sa mga nakakatagpo nito sa kanilang bahay o bakuran:
Mas mabuting huwag itong saktan o patayin upang maipagpatuloy nila ang kanilang mahalagang gawain. Ang mga ito ay tinatawag na *Brahminy Blind Snakes* (Indotyphlops braminus) hindi makamandag at hindi mapanganib sa tao o alagang hayop. Kumakain sila ng mga insekto gaya ng anay, langgam, pati na rin ang mga itlog at uod ng mga ito. Umaabot sila ng 4 hanggang 6 na pulgada ang haba, at minsan umaabot pa ng 7 pulgada. Mahalaga ang kanilang papel sa pagpapanatili ng balanse sa ating ekosistema, kayaβt nararapat lang na huwag silang saktan.
Maraming salamat.
Sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng kaalaman at pagsusulong ng pakikiisa sa kalikasan, matutulungan nating maprotektahan ang mga kapaki-pakinabang na nilalang na ito at mapanatili ang balanse ng ating ekosistema.