28/02/2026
CLOSING STATEMENT NI ATTY. KAUFMAN
**(Salin sa Tagalog)**
Pumunta ako sa kulungan at nakausap ko siya (PRRD) nang isang oras.
Sinubukan ko siyang kausapin tungkol sa ebidensya pero wala pang isang minuto, nawalan na siya ng gana na sundan ang sinasabi ko.
Inalok ko siyang ip**ita ang ilang bahagi ng confirmation proceedings—ilang minuto ng deputy prosecutor, ilang sandali kay Ms. Massiter, at umaasa ako na baka sakaling mas maengganyo siya, pati ilang bahagi ng sarili kong opening statement. Mariin siyang umiling. Nakiusap ako sa kanya.
Sinabi ko, “Sir, tingnan n’yo naman ang ginagawa namin para sa inyo. Ginagawa namin ang lahat para makalabas kayo rito.”
Pero muli, maayos niya itong tinanggihan. Tinanong ko siya kung bakit.
Sabi ko, “Sir, hindi n’yo ba naiintindihan? Inaakusahan nila kayo ng murder. Sinasabi nilang pumatay kayo ng libo-libong tao noong mayor kayo at noong pinamunuan n’yo ang bansa.”
At inulit niya ang tanong na halos isang taon na niyang itinatanong sa akin:
“Paano nila sinasabi na ginawa ko iyon?”
Sumagot ako, “Akala ko hanggang noong Lunes, dahil iyon sa mga talumpati ninyo. Pero sinabi ng prosecutor ninyo sa mga kagalang-galang na hukom na hindi na kailangan ang mga iyon para sa confirmation. Sinasabi niyang may sapat pa rin silang ebidensya para mahatulan kayo kahit wala ang mga iyon.”
Muling nagtanong ang dating pangulo: “Pero paano? Wala naman akong pinatay. At libo-libo ang sinasabi nila?”
Sinubukan kong ipaliwanag sa kanya ang mga teknikal na konsepto tulad ng indirect co-perpetration. Pero tila nanlabo ang kanyang mga mata. At sino ba ang masisisi siya?
Gaya ng nabanggit ko, ito ang tanging napakateknikal na paraan kung paano siya maaaring artipisyal na iugnay sa mga krimeng hindi niya personal na ginawa.
Sinabi ko rin sa kanya na ang mga nag-uugnay sa kanya sa krimen ay mga umaming mamamatay-tao na nakikipagtulungan sa prosekusyon, na hindi namin maaaring banggitin sa publiko ang mga pangalan.
Sinabi ko na kapalit ng kanil