29/11/2025
‘INSULTO SA BAWAT MANGGAGAWA AT ORDINARYONG PILIPINO’
Binatikos ni Kamanggagawa Rep. Eli San Fernando ang mungkahing P500 Noche Buena budget ng Department of Trade and Industry (DTI).
Hamon niya kay DTI Sec. Ma. Cristina Roque, samahan siya ng kalihim sa palengke at patunyan niyang kasya ang P500 para sa Noche Buena.
“Totoo na hindi kailangang magarbo ang handaan. Pero ano bang simple at disenteng Noche Buena ang kayang bilhin ng P500 para sa isang pamilya?” Saad ng kongresista.
“Hindi siguro namamalengke ang DTI Secretary. Sa presyuhan ngayon, kape pa lang niya sa umaga, ubos na ang kalahati ng P500,” aniya. I via Marianne Enriquez