02/12/2025
ISA SA MATAGUMPAY NA GOBERNADOR NG ATING BANSA, MAGING MASAYA TAYO PARA SA BAYAN, IMBES NA SIRAAN AT SISIHIN NATIN ANG KAPWA TURUAN NATIN ANG ATING MGA SARILI NA TANGGAPIN ANG KATOTOHANAN NA TUNAY NA SERBISYO ANG HANGARIN NG ATING GOBERNADOR 💙☝️
NUEVA ECIJA, PANGALAWA SA BUONG BANSA! 🌾🌽🐟
Isa na namang magandang balita, Novo Ecijanos! Base sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), Nueva Ecija ang ikalawang pinakamalaking kontribyutor sa Agriculture, Forestry, and Fishing (AFF) sector para sa 2024, na may 4.6% ambag sa kabuuang GVA ng bansa.
Pasok ang lalawigan sa Top 10 Provinces na bumubuo ng 36.3% ng total AFF output, patunay ng matatag na sektor ng agrikultura sa ating probinsya.
Ang pagkilalang ito ay dahil sa pagtutulungan ng bawat manggagawang Novo Ecijano. Para po sa inyo ang aming pagsaludo.
Makakaasa po kayong patuloy din ang magiging suporta at programa ng Pamahalaang Panlalawigan upang mapanatili ang pagiging agricultural leader ng Nueva Ecija sa pag-unlad ng pambansang produksyon!