14/07/2025
BABALA PARA SA ATING MGA MINAMAHAL NA KABABAYAN. Raising Awarenes! Tanim Bala Strikes Again! Tanim bala is REAL. July 13, 2025
Dati rati, napapanood ko lang ang “LAGLAG BALA” “TANIM BALA” na mga napapabalita sa facebook, hindi ko sukat akalain na mangyayari ito sa kapamilya ko MISMO, sa pamilya ng kapatid ko.
Kahapon araw ng Linggo, masaya kaming lumuwas ng Maynila dahil ihahatid namin ang aking kapatid kasama ang kaniyang buong pamilya patungo paliparan na sa NAIA. Ibinaba namin sila bandang alas 8 ng gabi sa TERMİNAL 1. Nang masig**o namin na ok na sila, bumalik na kami dito sa Cabanatuan. Habang nasa daan ay nag memessage pa kami at video call kami para masigurado na ok na sila. Panatag na kami dahil nagsend sila ng mga litrato nila na nasa boarding area na sila. Bound for Australia 🇦🇺 dahil immigrants o citizens na sila.
Nung nakauwi na kami mga bandang alas onse (11pm) ay biglang nagmessage at tumawag ang kapatid ko at sabi niya pinatatawag sila sa security dahil meron daw “UNIDENTIFIED OBJECT” na nakita sa isa sa mga luggage nila at kailangang pumunta sa security area o sa immigration. So naiwan sa boarding si utol kasama ang 2 bata at ang hipag ko na lang at ang panganay niya ang kasama niyang pumunta.
At ETO NA NGA, may nakita daw na BALA sa isang bag na dala dala nilang nakalagay sa loob ng maleta.
Imposible na magdadala ng bala? Una hindi kami naniniwala sa mga ganyang pamahiin, pangalawa ayaw na ayaw nila ng ganyang hassle sa flight pabalik sa bansang tinitirhan nila, pangatlo aware sila sa mga news na ganyang klase ng modus sa mga paliparan sa Pilipinas.
Na trauma ang hipag ko na halos maiwan na sila ng eroplano dahil sa cause of delay na kagagawan ng opisyales dito sa Terminal 1.
Isa lang ito sa maraming kwento ng ating mga ordinaryong kababayan na dumanas ng TRAUMA at ABALA dahil sa mga ganyang mga modus.
NANANAWAGAN AKO SA MGA OPISYAL NG NAIA NA AYUSIN ANG KANILANG SISTEMA UPANG MATIGIL NA ANG GANITONG KLASENG PERWISYO.
Hindi ko na sana ipopost ito pero alang alang sa mga kababayan nating na posible rin na mabiktima ay laging maging alerto. Kuhanan ng video habang binubuksan ang inyong mga maleta, kuhanin ang pangalan ng opisyal na naroroon, pati mga mukha nila.