13/08/2026
S O.S. STRANDED! MGA ATLETANG PINOY
SOURCE: PINOY BOXING PRODIGY
Stranded ang Philippine delegation na lumahok sa International Sport Kickboxing Association (ISKA), na ginanap sa Sanya, China, na kinabibilangan nina Gerwin Akiapas Lete, Gregory Mamuad, NJ Calabias, Jhay Sharezer Gayman, Sharma Devaiah, at Jhaymie Gayman.
Sumabak sa torneo ang mga atleta mula August 4 hanggang 10 na nagkamit ng 4 gold, 7 silver, at 7 bronze medals.
Pauwi na sana ang mga ito noong Lunes subalit nagkaroon ng aberya sa kanilang biyahe papuntang airport dahilan upang maiwan sila ng kanilang flight.
Sinubukan umano nilang makipag-ugnayan sa mga organizer ng ISKA upang humingi ng tulong subalit hindi sila naasikaso. Sinubukan din nilang humingi ng tulong sa Philippine Embassy subalit anila maaaring matagalan ang proseso ng naturang assistance.
Dahil sa kawalan ng tulong, napilitan ang mga atleta Humingi ng tulong sa mga kakilala at kaibigan pati na rin sa social media upang makauwi sa Pilipinas.
Sa nalikom na pondo, nakabili sila ng tatlong ticket pero kailangan pa ng tatlong ticket para makauwi ang mga ito.
Sa mga nais magpaabot ng tulong, maaari ninyong kontakin sa Messenger ang mga playing coaches na sina Sharma Devaiah at Jhaymie Gayman:
https://www.facebook.com/Sham.ExCalibur
https://www.facebook.com/gai.man.jie.mi
Anumang tulong ay malaking bagay para sa Philippine delegation na makauwi nang ligtas sa Pilipinas. 🇵🇠**gGo **gGo Robin Padilla B**g Go Inday Sara Duterte