Confession Center

Confession Center ✅DRAMA
✅FICTIONS
✅REAL LIFE STORIES
✅LIFE LESSONS
(2)

02/09/2025

"Naging Kami ni Sir"

02/09/2025

"B*kla ako Pero Nakabunt!s Ako"

"ANG SANIB"Sa isang brgy sa visayas, may binatang nagngangalang Ramon. Tahimik at masipag siyang magsaka, walang iniisip...
02/09/2025

"ANG SANIB"

Sa isang brgy sa visayas, may binatang nagngangalang Ramon. Tahimik at masipag siyang magsaka, walang iniisip kundi ang makapagbigay ng magandang buhay para sa kanyang ina. Ngunit isang araw, biglang nagbago ang lahat nang magsimula siyang magpakita ng kakaibang ugali na ikinabahala ng lahat.

Nagsimula ito sa malalakas na sigaw tuwing hatinggabi. Nagigising ang kanyang ina sa mga salitang hindi niya maintindihan. Ang wika ay hindi karaniwan—tila banyaga, may tunog na parang Latin. Sa umpisa, akala nila’y simpleng bangungot. Ngunit kalaunan, lumala ang mga sumpong ni Ramon.

Minsan, sa gitna ng liwanag ng araw, bigla na lang siyang magwawala. Walang dahilan, wala ring babala. Itinutulak niya ang mga bagay, at may lakas na tila hindi makatao. Tatlong lalaki ang kumapit sa kanya ngunit hindi siya mapigilan. Para bang may ibang pwersang kumokontrol.

Maraming kapitbahay ang natakot. May mga nagsasabing sinaniban siya ng engkanto mula sa kagubatan. May iba namang naniniwalang sakit sa pag-iisip ang lahat ng iyon. Ngunit ang mga katagang Latin na lumalabas sa kanyang bibig ang lalong nagdulot ng takot at pagkalito.

Tinawag nila ang isang arbularyo mula sa kabilang bayan. Dumating ito dala ang mga dahon, langis, at orasyon. Nang nagsimulang mag dasal ang arbularyo, biglang kumalma si Ramon. Nawalan ng malay at tila nakatulog. Naisip ng lahat na gumaling na siya, ngunit nagk**ali sila.

Pagkalipas ng ilang araw, muling bumalik ang sumpong. Mas malakas, mas mabangis. Sa pagkakataong iyon, tinawag naman nila ang isang pari. Nagdasal ito ng mga dasal laban sa masamang espiritu, ngunit halos pinagtatawanan lamang ito ni Ramon na may ibang tinig na lumalabas mula sa kanyang bibig.

Lumipas ang mga linggo at iba't ibang manggagamot ang tinawag. Dinala narin nila si Ramon Psychiatrest sa lungsod at nagsabing ito’y schizophrenia lamang. Ngunit kahit anong gamot ang ibigay, hindi nagbabago ang kalagayan ni Ramon. Ang sumpong ay patuloy na bumabalik, lalo na tuwing kabilugan ng buwan.

Dahil sa matinding takot, halos iwanan na siya ng kanyang mga kaibigan. Tanging ang ina na lamang ang patuloy na nag-aalaga at umaasa na may solusyon. Isang araw, isang matanda ang dumating sa baryo. Siya si Mang Kanor, taga-Siquijor, kilala sa kakaibang kaalaman.

Hindi siya ordinaryong albularyo. Maraming kwento tungkol sa kanya—may gumaling mula sa matinding karamdaman matapos lamang ang ilang ritwal niya. Mayroon ding nagsasabing kaya niyang makipag-usap sa mga espiritu. Marami ang nagdududa sa kanya, pero sa desperasyon ng ina ni Ramon, agad siyang pinatawag.

Pagdating ni Mang Kanor, hindi siya natakot. Tahimik niyang tiningnan si Ramon na nakatali sa kawayan. Malalakas ang pag-ungol ng binata, nakapikit ngunit nagsasalita ng Latin. Lumapit si Mang Kanor at ngumiti lamang. “Hindi ito ordinaryo. Hindi siya baliw. May nakasama siyang nilalang mula sa gubat.”

Dinala ni Mang Kanor ang kanyang mga gamit: isang bote ng langis, mga ugat ng halaman, at isang maliit na libro ng dasal na isinulat sa sinaunang wika. Habang inihahanda niya ang lahat, lumakas ang sigaw ni Ramon, at tila kinikilala ang presensya ng matanda.

“Umalis ka! Hindi mo ako mapapalayas!” sigaw ni Ramon na may tinig na malalim at hindi niya karaniwang boses. Ang lahat ng nakasaksi’y natakot. Ngunit si Mang Kanor ay nanatiling kalmado. Ipinahid niya ang langis sa noo ng binata at nagsimulang bigkasin ang mga dasal.

Nagwawala si Ramon, nanginginig ang buong katawan, at halos mapigtal ang mga lubid na nakatali sa kanya. Ngunit sa bawat salitang binibigkas ni Mang Kanor, tila humihina ang kanyang paglaban. Ang hangin sa paligid ay lumamig, at may mga aninong gumagalaw sa sulok ng silid.

Naramdaman ng lahat ang bigat ng presensya ng espiritu. Ang ilan sa mga nak**asid ay lumuhod at nagdasal nang tahimik. Ngunit hindi tumigil si Mang Kanor. Mas lalo niyang nilakasan ang kanyang tinig. Ang mga katagang Latin na dati’y lumalabas kay Ramon, ngayo’y siya na ang bumibigkas.

Biglang tumili si Ramon, isang tili na hindi tao ang pinagmulan. Ang kanyang katawan ay bumaluktot, ang mga mata’y nanlilisik. Ngunit hindi nagpatinag si Mang Kanor. Hawak niya ang isang maliit na krus na yari sa kahoy at itinapat ito sa noo ni Ramon habang patuloy ang orasyon.

Matapos ang matagal na pagtitibay, bumagsak si Ramon sa lupa, walang malay. Tahimik ang paligid. Lahat ay natigilan, walang kumilos. Ang ina niya ay lumapit at niyakap siya, takot na baka wala nang buhay ang anak. Ngunit dahan-dahang bumukas ang mga mata ni Ramon.

“Nanay...” mahina niyang bulong. Napatangis ang ina at napayakap nang mahigpit. Ang mga saksi ay humanga kay Mang Kanor. Hindi makapaniwala ang iba na matapos ang ilang buwan ng pagdurusa, isang matanda lamang mula sa Siquijor ang nakapagpagaling kay Ramon.

Ngunit ipinaliwanag ni Mang Kanor na hindi ganoon kasimple. “Hindi siya ganap na ligtas. Kailangan niyang sundin ang ilang pamahiin. Huwag na huwag siyang pupunta sa gubat nang mag-isa. At kailangang ipagpatuloy ang mga orasyon tuwing gabi upang hindi na siya muling balikan.”

Mula noon, tahimik nang nanumbalik ang normal na buhay ni Ramon. Nagbalik siya sa bukid at sa kanyang mga kaibigan. Ngunit nanatili ang takot sa kanyang puso—takot na muling bumalik ang espiritung minsang kumontrol sa kanya. Ang alaala ng kanyang pagsasanib ay hindi niya malilimutan.

Minsan, sa tuwing tumitingala siya sa buwan, naaalala niya ang mga gabing siya’y hindi na siya ang sarili niya. At sa bawat alaala, palaging naroon ang pasasalamat kay Mang Kanor. Dahil kung hindi dahil sa kanya, baka hindi na niya naabutan ang liwanag ng umaga.

Hindi na muling sinaniban si Ramon, ngunit naiwan ang babala sa lahat: ang mundo ay hindi lamang binubuo ng mga taong nakikita natin. May mga nilalang na tahimik na nagmamasid, naghihintay ng pagkakataon. At kapag dumating ang oras na iyon, tanging pananampalataya at tapang ang pananggalang.

"Pag ibig na Hindi Pweding Diktahan"(Fiction)Ako si Amara, nag-iisang anak ng aming pamilya. Lumaki ako sa piling ng mga...
02/09/2025

"Pag ibig na Hindi Pweding Diktahan"

(Fiction)

Ako si Amara, nag-iisang anak ng aming pamilya. Lumaki ako sa piling ng mga magulang na mahigpit, laging iniisip ang dangal at kayamanan. Bata pa lamang ako, itinuro na nila na ako’y magiging susi sa pagpapalawak ng kanilang pangalan. Ngunit hindi ko alam na iyon pala’y magiging tali sa leeg ko.

Tuwing gabi, nakaupo ako sa bintana ng aming lumang mansyon. Habang nakatitig sa mga bituin, iniisip ko kung may kalayaan pa bang naghihintay sa akin. Palagi kong naririnig ang bulungan ng mga katulong tungkol sa kasunduan—ako raw ay ipapakasal sa anak ng isang mayaman.

Ang pangalan niya ay Darius, isang lalaking hindi ko kailanman minahal. Siya’y kilala sa pagiging malupit sa kanyang mga tauhan at arogante sa lahat. Ngunit para sa aking mga magulang, siya raw ang perpektong mapapangasawa. Sa pamamagitan ng kasal na iyon, masisig**o raw ang kayamanan at kapangyarihan ng aming angkan.

Ngunit paano naman ako? Ako na nag-iisang anak na babae, ako na may sariling pangarap. Nais kong maging g**o, nais kong makilala sa sarili kong sipag at talino, hindi sa apelyidong iniwan ng aking mga ninuno. Ngunit sa kanilang mga mata, ako’y wala—isang piyesa lamang sa kanilang laro.

Nang marinig ko mismo mula sa bibig ng aking ama ang petsa ng aking kasal, parang bumagsak ang lahat ng bituin sa ibabaw ko. Ang aking ina nama’y ngumiti, wari’y natupad na ang lahat ng kanyang pangarap. Samantalang ako’y nakatayo roon, durog ang puso at walang masabi kundi mga luha.

Sa mga sumunod na araw, naging malamlam ang bawat umaga ko. Ang aking kwarto na dati’y puno ng saya ay naging bilangguan. Araw-araw akong pinapasuot ng mga mamahaling damit para sa nalalapit na seremonya. Ang bawat tahi ng seda ay tila ba tanikala na pumipigil sa aking paghinga.

Hanggang sa dumating ang gabi ng aking pagpapasya. Hindi ako makatulog. Ang hangin ay malamig, at ang buwan ay saksi sa aking pighati. Dala ng matinding takot at pagnanais na makalaya, isinuksok ko sa aking maliit na bag ang ilang gamit at pera. Iyon ang unang gabing ako’y tumakbo.

Tahimik akong bumaba sa hagdanan, nilingon ang mga larawang nakasabit sa dingding—mga alaala ng aking pagkabata, mga ngiti na ngayon ay tila pekeng larawan na lamang. Binuksan ko ang pintuan ng aming mansyon at dama ko ang hampas ng malamig na hangin. Ang puso ko’y kumakabog, ngunit hindi na ako lumingon pa.

Lumakad ako sa madilim na kalsada patungo sa hindi ko alam na pupuntahan. Ang bawat yapak ay nagdadala ng takot, ngunit higit pa roon ay pag-asa. Wala na akong dala kundi tapang at panalangin. Alam kong may kapalit ang bawat desisyon, ngunit mas pipiliin ko ang sakit kaysa sa tanikala.

Kinabukasan, nagising ako sa isang maliit na kubo sa gilid ng kagubatan. Isang matandang babae ang nakakita sa akin at pinatuloy. Siya si Lola Ysabel, isang ermitanya na kilala sa baryo bilang manggagamot. Tinulungan niya akong makapahinga, binigyan ng pagkain, at hindi nagtanong ng labis tungkol sa aking nakaraan.

Sa kanyang piling, natutunan kong pahalagahan ang mga simpleng bagay. Tinuruan niya akong magluto ng mga halamang gamot, mag-igib ng tubig, at mag-araro ng maliit na taniman. Sa unang pagkakataon, nakaramdam ako ng kalayaan. Wala akong titulo, wala akong korona—ako lang si Amara, isang babaeng marunong ngumiti muli.

Ngunit hindi nagtagal ay kumalat ang balita. Ang mga kawal ng aking ama ay naghahanap sa akin, dala ang larawan ko at pangakong gantimpala. Araw-araw, dumaraan sila sa baryo, nagtatanong, nagbabantang huhulihin ang sinumang magkubli sa akin. Doon ko nadama na hindi ako maaaring manatiling nakatago magpakailanman.

Isang gabi, kinausap ako ni Lola Ysabel. Sabi niya, “Anak, hindi mo kailangang tumakbo habambuhay. Ang tunay na prinsesa ay hindi natatakot. Harapin mo sila, ipaglaban mo ang iyong puso.” Napaiyak ako sa kanyang mga salita, dahil sa wakas, may isang taong naniwala na may halaga ako.

Nagpasya akong bumalik. Hindi upang sumuko, kundi upang ipaglaban ang aking karapatan na pumili. Nagsuot ako ng payak na bestida, bitbit ang lakas ng loob na ibinigay ng mga aral sa gubat. Naglakad ako patungo sa aming mansyon, handang harapin ang galit ng aking mga magulang.

Pagdating ko sa harap ng malaking tarangkahan, sinalubong ako ng mga bantay. Agad nila akong ikinulong sa loob ng silid. Dumating ang aking ama, galit na galit, habang ang aking ina ay umiiyak sa hiya. “Bakit mo ginawa ito, Amara?” sigaw ng aking ama. Ngunit sa pagkakataong iyon, hindi na ako natakot.

“Dahil hindi ko kayang ipakasal sa lalaking hindi ko mahal,” sagot ko nang buong tapang. “Ako ang inyong anak, ngunit ako rin ay isang tao. Mayroon akong sariling pangarap, sariling damdamin. Hindi niyo maaaring diktahan ang puso ko.” Natahimik ang buong silid, at sa unang pagkakataon, narinig nila ang boses ko.

Ang galit ng aking ama ay napalitan ng pagtataka. Hindi siya sanay na sumasagot ako. Ngunit nakita niya ang apoy sa aking mga mata—ang parehong apoy na minsan niyang taglay noong siya’y bata pa. Marahil doon niya naalala na ang anak niyang babae ay hindi laruan, kundi may sariling kaluluwa.

Matagal bago sila nakapagsalita. Ngunit sa huli, ang aking ina ang unang yumakap sa akin. “Anak, natakot lang kami na mawalan ng lahat. Kaya ka namin pinilit. Pero kung tunay kang magiging maligaya sa iyong desisyon, mas pipiliin ko ang anak ko kaysa sa kayamanan.” At ako’y napaiyak sa kanyang mga salita.

Ang aking ama nama’y bumuntong-hininga. “Kung tunay na kaligayahan mo ay hindi si Darius, hindi kita pipilitin.” Noon ko lamang nakita ang kanyang mga mata na puno ng luha. Sa wakas, nabasag ang bakal na hawla ng kanilang mga pangarap para sa akin. Sa unang pagkakataon, ako’y tunay na malaya.

Hindi naging madali ang lahat. Ang kasunduan kay Darius ay sinira, at ang aming pamilya ay nakaranas ng pagkutya mula sa ibang angkan. Ngunit hindi ko na iyon ininda. Ang mahalaga ay hindi na ako muling ipinilit sa isang buhay na hindi akin. Sa halip, binuo ko ang sarili kong landas.

Bumalik ako kay Lola Ysabel at tumira sa baryo. Doon ako nagturo ng mga bata, nagtanim ng halaman, at nagtayo ng maliit na paaralan. Hindi ako naging reyna ng isang kaharian, ngunit ako’y naging reyna ng sarili kong buhay. At higit pa roon, nakahanap ako ng totoong kaligayahan.

Ang aking kwento ay hindi nagtatapos sa luha, kundi sa pag-asa. Ako si Amara, ang nag-iisang anak na tumanggi sa tali ng kasal, ang babaeng tumakas upang hanapin ang kanyang sarili. At ngayon, bawat araw ay paalala na ang tunay na pag-ibig ay nagsisimula sa pagtanggap sa sariling kalayaan.

01/09/2025

"Naging Kami ni Sir"

Part 2

Makalipas ang dalawang taon, tapos na ako sa pag aaral at sa awa ng diyos take one lamg ako sa board exam. Balik ako sa lugar kung saan una akong sinuyo ng kapalaran—ang paaralang minsang naging kanlungan ko. Pumasok ako sa opisina ng principal upang mag update sa aking application.

Paglabas ko ng opisina, may naghihintay na lalaking may hawak na bouquet. Si sir Angelo. Medyo puti na ang buhok, pero pareho pa rin ang init ng tingin niya. “Kumusta ang application mo?” tanong niya. “Tanggap ako,” sagot ko. Niyakap niya ako. Sa dami ng pinagdaanan namin, wala nang mas hihigit pa sa yakap niyang iyon.

Makalipas ang ilang buwan, habang nasa bakasyon ang mga estudyante, naisip naming bumalik sa probinsya niya—isang maliit na bayan sa Quezon. Doon ko unang naramdaman ang katahimikan ng bukid, ang halakhak ng mga bata sa ilog, at ang tunog ng kampana sa maliit na kapilya tuwing hapon.

“Dito ako lumaki,” aniya habang hawak ang k**ay ko. “Dito rin kita gustong pakasalan.” Natawa ako. “Akala ko ba sabi mo, pagkatapos ko ng college?” “Eh tapos ka na, ‘di ba?” biro niya. Tumango ako, ngunit hindi ko alam na may inihanda na pala siyang simpleng seremonya, sa ilalim ng punong mangga kung saan daw siya unang natutong mangarap.

Iisang saksi—ang kalangitan. Ilang kaibigan, ilang kapitbahay, at ang pari ng kapilya. Suot ko ang simpleng puting bestida na hiniram lang namin sa foundation. Sa k**ay ko, hawak ko ang mumurahing bulaklak na siya rin ang pumitas sa bakuran. Pero sa puso ko, pakiramdam ko, ako ang pinak**agandang nobya sa mundo.

“Chloe, hindi kita kayang dalhin sa mamahaling restaurant, o regaluhan ng alahas,” bulong niya sa seremonyang iyon. “Pero kaya kitang yakapin sa bawat gabi ng pagod. Kaya kitang ipagluto sa bawat umagang walang gana. Kaya kitang hintayin, gabayan, at damayan habang buhay.”

“Sir Angelo,” tugon ko, “hindi kita minahal para sa pera. Minahal kita dahil ikaw ang unang naniwala na kaya ko, kahit ako na mismo ang hindi na naniniwala sa sarili ko. Minahal kita kasi hinayaan mong mahalin kita, kahit maraming tutol.”

Pagbalik namin sa lungsod, nag-umpisa ang bago naming buhay. Ako bilang g**o. Siya naman bilang isang full-time writer sa bahay. Ganoon ang buhay naming dalawa. Tahimik. Simple. Masaya. Minsan may bumubulong pa rin sa likod ng mga mata ng iba, pero wala na kaming pakialam. Wala na kaming kailangang patunayan.

Makalipas ang isa pang taon, may mas masaya pa kaming balita—buntis ako. Sa una, hindi ako makapaniwala. “Hindi na raw ako pwede,” sabi ng doktor noon kay sir Angelo. Pero sabi nga ng langit, kapag tunay ang pagmamahalan, laging may milagro.

Naging babae ang anak namin—pinangalanan naming Angela Faith. Angela mula sa ama niyang si Angelo, at Faith, dahil sa pananampalatayang hindi nawala kahit kailan.

Ngayon, si Angela ay tatlong taong gulang. Malambing. Madaldal. Mapagmahal. Gusto niyang maging g**o rin, gaya ko. Minsan, hinihiga niya sa lamesa ang mga laruan niya at sasabihing, “Class, listen!” Tinitingnan ko siya, at sa puso ko, alam kong tama lahat ng pinili ko.

Ngayon, sa bawat graduation ng mga estudyante ko, palagi akong napapatingin sa mga batang tila nawawala sa direksyon. At palagi ko silang nilalapitan. Hindi bilang g**o, kundi bilang dating ako—isang batang naulila, nilamon ng lungkot, pero niligtas ng isang pag-ibig na hindi inaasahan.

At sa bawat yakap ni sir Angelo bago ako pumasok sa klase, at sa bawat “Ingat, mahal ko,” niyang bulong habang papasakay ako ng jeep, alam ko sa sarili ko—hindi ako nagk**ali.

Hindi lahat ng pag-ibig ay nauunawaan. Pero ang tunay na pagmamahal, kahit ilang taon ang pagitan, kahit ilang tao ang tutol—lagi itong nagtatagumpay kapag totoo.

01/09/2025

"Naging Kami ni Sir"

Lumalangitngit ang gate ng sementeryo habang dahan-dahang pumapasok ang isang dalagang naka-uniporme. May bag siya sa balikat at bulaklak sa k**ay. Sa mata niya, nangingilid ang luha. Huminto siya sa isang nitso. Isa siyang anak na ulila, pero may panibagong dahilan.

Ako si Chloe, labing-walong taong gulang, senior high school student. Isa akong ulila. Una kaming iniwan ng papa ko, at makalipas ang ilang taon, si Mama naman ang kinuha ng sakit. Simula noon, ako na lang mag-isa. Sa likod ng lakas ko, may gabi-gabing takot at walang hanggang pangungulila.

Wala kaming yaman. Si Mama ay nagtinda ng yelo, naglalako ng s**a, at minsan ay naglalabada kahit masama ang pakiramdam. Ako naman ay laging working student. Kahit pagod sa klase, kailangan kong tumulong sa paghahanap ng pagkain. Lahat ginawa namin—basta lang makatawid at mapagpatuloy ang pag-aaral ko.

Nang maospital si Mama dahil sa problema sa baga, halos mabaliw ako. Ako ang nagbantay, ako ang nag-asikaso ng papeles. Ilang araw siyang lumaban. Ilang gabi akong walang tulog. Pero isang madaling araw, pinatawag ako ng doktor. “Pasensiya ka na, anak… hindi na niya kinaya.” Tumigil ang mundo ko.

Wala kaming pera. Wala rin akong k**ag-anak na tumulong. Kaya nakiusap ako sa punerarya na baka puwedeng hulugan ang kabaong at burol. Binigyan nila ako ng tatlong araw. Sa tatlong araw na ’yon, wala akong ginawa kundi lumuhod at magmakaawa. Para lang may mailibing si Mama nang maayos.

Nang bumalik na ako sa school ay doon ko unang nakita—si sir Angelo. Substitute teacher sa paaralan namin. Limampung taong gulang, balo, at laging tahimik. Nakita niya akong umiiyak sa guidance office habang hawak ang abiso mula sa punerarya. Nilapitan niya ako. “May maitutulong ba ako?” ’yan lang ang tanong niya. Pero nabago ang lahat.

Hindi ko agad sinagot. Pero dahil wala na akong malapitan, napakuwento ako. Tahimik lang siya. Maya-maya, inabot niya ang sobre. “Pambili mo ng kabaong at panglibing. Wala akong anak, pero gusto kong matulungan ka.” Napatitig ako sa kanya, naguguluhan. Pero sa puso ko, may biglang kirot ng pag-asa.

Pagkatapos ng libing ni Mama, hindi ko na siya nakita. Ayon sa iba, tapos na raw ang kontrata niya sa school. Kaya bumalik ako sa pagtitinda ng pastillas at paglilinis ng bahay. Pero isang hapon, may lumapit na kotse sa tapat ng simbahan habang naglalako ako. Si sir Angelo.

“Chloe, kumusta ka na?” tanong niya, may dalang pagkain. Doon nagsimula ang madalas naming pagkikita. Tuwing Sabado, pinapakain niya ako, tinatanong kung nakakapag-aral pa. Unti-unti kong naramdaman ang lambing ng isang taong handang umalalay. Hindi siya nagmadali. Tahimik lang siyang nagmamasid at laging andyan kapag ako'y naghihingalo sa hirap.

Minsang umuulan, naghintay siya sa labas ng bahay ng pinagtatrabahuhan ko. Inabutan niya ako ng kapote at tinapay. "Kung gusto mo, dito ka na tumira. Wala kang iisipin sa pagkain at renta." Tahimik lang ako, pero ang totoo, para akong nauuhaw na inalok ng malamig na tubig—hindi ko na tinanggihan.

Mula noon, sa bahay na niya ako nanirahan. May sarili akong kwarto, may mainit na pagkain, at may taong laging nak**asid sa pag-uwi ko. Hindi ko alam kung tama, pero ang puso ko, unti-unting tumitibok muli. Hanggang sa isang gabi, habang nagtitimpla siya ng salabat, tinanong niya ako ng diretso.

“Pwede ba kitang mahalin, Chloe?” Hindi ko alam ang isasagot. Umiyak ako. “Hindi ko alam kung kaya ko pa. Pero gusto ko ng may kakampi. Gusto kong may tahanan.” Hinawakan niya ang k**ay ko—malaki, magaspang, pero mainit. “Ako na lang ang umalalay sa ’yo,” aniya. At doon nagsimula ang lahat.

Naging kami.

Hindi ko na rin kinailangang itanggi sa sarili ko. Hindi lang dahil sa tulong, kundi dahil may respeto siya. Hindi niya ako sinaktan. Hindi niya ako pinilit. Binigyan niya ako ng tahanan, hindi tirahan. Binigyan niya ako ng lakas, hindi kahinaan. At higit sa lahat—minahal niya ako nang buo.

Pero hindi lahat ay nakakaintindi.

May mga tingin sa akin sa eskuwelahan. May mga bulong. “User.” “Gold digger.” “Nakakahiya.” Pero wala silang alam. Hindi nila alam ang gutom. Hindi nila alam ang sakit. Hindi nila alam ang bawat gabi ng iyak, habang may hawak akong papel na hindi ko maintindihang sagutan dahil sa pagod.

Sa gitna ng lahat, nanatili si sir Angelo. Isinasama niya ako sa grocery, sa simbahan, at minsan sa biyahe sa probinsya. Pinapasok niya ako sa foundation na nagbigay sa akin ng scholarship. Hindi siya kailanman naging mapang-angkin. Hindi siya kailanman nagtanong kung mahal ko ba siya. Basta, basta andyan siya.

Isang araw, habang pauwi kami galing school, huminto siya sa tapat ng simbahan. “Chloe,” aniya, “kung papayag ka, gusto kitang pakasalan. Hindi dahil sa utang na loob, kundi dahil gusto kitang ituring na kapareha habang buhay.” Hindi ako nakasagot. Umiyak lang ako habang nakayakap sa kanya sa loob ng kotse.

Pagkauwi, nagsulat ako ng liham. “Sir Angelo, hindi ko alam kung tama. Pero alam kong totoo ang nararamdaman ko. Hindi ito dahil sa awa. Hindi ito dahil sa pangangailangan. Gusto kong piliin ka, dahil sa ’yo ko nahanap ang lakas—at pagmamahal—na hindi ko natagpuan kahit sa sarili kong ama.”

Ngayon, graduating na ako. Isa akong honor student. Scholar ako ng isang organisasyon. May part-time na rin ako sa isang tutorial center. At ngayong araw na ito, binalikan ko si Mama. Kasama ko si sir Angelo sa sementeryo. Suot ko ang uniporme. Niyakap ko siya habang nakatingin sa nitso ni Mama.

“Mama,” bulong ko, “pasensiya ka na kung ito ang landas ko. Pero mahal niya ako, Mama. Hindi ako nagkulang sa pangarap. Sa totoo lang, sa kanya ko nahanap ang lakas na sinimulan mo. Sa kanya ko naramdaman na may halaga pa rin ako kahit iniwan na tayo ng lahat.”

Lumuhod ako sa tabi ng puntod. Niyakap ako ni sir Angelo mula sa likod. Umiyak ako, pero hindi sa sakit—sa pasasalamat. Dahil kahit wala na si Mama, may dumating na kapalit. Hindi para palitan siya bilang ina, kundi para ipagpatuloy ang pagmamahal at pag-aarugang minsang nawala sa mundo ko.

“Chloe,” sabi niya, “salamat kasi hindi mo ako kinahiya.” Tumango ako. “Kahit ulit-ulitin pa ng iba na mali tayo, basta sa puso ko, alam kong tama. At higit sa lahat, ikaw ang dahilan kung bakit ayokong mamatay na walang naiwan.” Umiyak na rin siya. Dalawang magkaibang mundo, pero iisang layunin.

Paglabas namin sa sementeryo, huminto kami sa labas ng simbahan. Binuksan niya ang kanyang maliit na kahon—may maliit na singsing. Walang brilyante, walang mamahaling bato. Tanging simpleng bilog ng pangako. “Chloe,” tanong niya, “hindi ko kailangan ng oo ngayon. Pero kung sakali, gusto kong malaman mong seryoso ako sa’yo.”

Ngumiti ako. “Baka hindi ngayon, sir Angelo. Pero pag tapos ko na ang kolehiyo… baka pwede na.” Tumango siya. “Hintayin ko.” Sa mga mata niya, walang pag-aalinlangan. Sa mata ko, wala na ring takot. Sa mundong ginugupo kami ng panghuhusga, kami ang nagpapatunay na pagmamahal ay lumalampas sa edad.

Sa paglalakad pauwi, hawak ko ang k**ay niya. Malamig ang simoy ng hangin, pero mainit ang palad niya. Sa mata ng iba, isa akong batang babae na nagk**ali. Pero sa puso ko, ako ang batang babaeng lumaban. Para sa pangarap. Para sa pagmamahal. Para sa akin. Para kay Mama.

Part 2 👉 https://www.facebook.com/share/p/1B8bD63rt9/

01/09/2025

"Ginayuma ako ng Nobyo ko"

Umalingawngaw ang sigaw mula sa ikatlong palapag ng lumang eskuwelahan. May nabasag na salamin, kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan. Basang-basa ang sahig ng faculty room—hindi lang sa tubig, kundi sa luha at sigaw ng isang babaeng nawalan ng sarili. Si Ma’am Cyra, nawawala na raw sa katinuan.

Buwan na ang lumipas simula nang magsimulang magbago si Ma’am Cyra. Mula sa pagiging istrikta, bigla siyang naging masayahin, mapagbigay, at laging nakangiti. Lagi siyang nagpapabango at tila may laging hinihintay. Sabi ng mga estudyante, baka raw may inspirasyon o baka raw naengkanto. Pero hindi engkanto ang dahilan.

Isang araw, habang pauwi si Ma’am Cyra mula sa paaralan, nadaanan niya ang junkshop sa gilid ng sementeryo sa Barangay Bituin. Doon niya unang nakita si Gardo, isang magbabakal. Maitim, matipuno, at may mapupungay na mata. Hindi niya maintindihan kung bakit, pero tumibok ang puso niya agad.

Sa mga sumunod na araw, palaging napapadaan si Ma’am Cyra sa junkshop. Minsan may dahilan, minsan wala. Isang araw, naglakas-loob siyang makipag-usap. Si Gardo, tahimik lang, pero may kakaibang halina. Sa bawat ngiti nito, parang may kung anong mahika ang bumabalot sa isip niya. Unti-unti, nainlove siya.

Hindi kalaunan, naging sila. Nagulat ang mga kasamahan ni Ma’am Cyra. Paano raw ang isang lisensyadong g**o, galing sa maykayang pamilya, ay mai-involve sa isang basurero’t mangangalakal? Pero wala na siyang pakialam. Sa piling ni Gardo, para siyang nasa ulap. Hindi na niya iniisip ang opinyon ng iba.

Pero may isang matandang babae sa tabing junkshop ang lumapit kay Ma’am Cyra . “Ingat ka, hija,” anito, “ang pag-ibig na galing sa bote, panandalian lang.” Napakunot-noo siya. Hindi niya maintindihan ang ibig sabihin. Pinagtawanan lang niya ito at lumayo. Akala niya, tsismosa lang ang matanda.

Lingid sa kanyang kaalaman, si Gardo ay lumapit sa albularyo isang buwan bago sila magkakilala. Lumuhod siya’t humingi ng tulong para mapaibig ang babaeng may mataas na estado. “Isang patak sa inumin,” sabi ng albularyo, “isang linggong epekto. Pero kung gusto mo ng matagal, dagdagan mo ng langis ng ahas.”

Ginawa ni Gardo ang lahat. Ginamit niya ang gayuma mula sa pinaghalong langis ng ahas, dugo ng uwak, at laway ng pusang itim. Ibinuhos niya ito sa biniling softdrinks ni Ma’am Cyra noong araw na una silang nagkausap. Simula noon, bumaliktad ang mundo ng g**o. Parang nawala siya sa sarili.

Tumagal ng dalawang buwan ang kanilang relasyon. Masaya, puno ng lambingan. Lahat ay parang fairytale. Pero nang dumaan ang ikatlong buwan, nagsimulang sumakit ang ulo ni Ma’am Cyra tuwing gabi. Nakakalimot siya ng mga aralin. Nagkak**ali sa pagsusulat. At tuwing tititigan niya si Gardo, para bang hindi na niya ito kilala.

Hanggang isang gabi, habang naghahapunan sila sa bahay ng g**o, bigla niyang nais**a ang pagkain. Sumunod ay nagsalita siya ng diretso: “Bakit kita mahal?” tanong niya, nanginginig ang boses. “Ano bang meron sa’yo?” Tumingin si Gardo, napalunok. Dama niyang unti-unti nang nawawala ang bisa ng gayuma. Doon nagsimula ang bangayan.

Araw-araw na silang nagtatalo. Minsan, tungkol sa simpleng asin na kulang sa nilaga. Minsan, tungkol sa pagsisinungaling ni Gardo tungkol sa pinanggalingan niya. Parang naging ibang tao si Ma’am Cyra—hindi na siya ‘yung babaeng mapagmahal. Unti-unti, bumalik ang dating pagkatao niya—matapang, matalino, mapanuri. Lumalaban na ang isip sa gayuma.

Isang gabi, binuksan niya ang kahon sa ilalim ng k**a. Nandoon ang bote ng pabango na ibinigay ni Gardo. Sa ilalim nito, may maliit na papel na may sulat-k**ay: “Para kay San Telmo—babaeng iyong iibigin ay magkakagusto sa ’yo habang bumabango.” Napaatras si Ma’am Cyra, nanlaki ang kanyang mga mata.

Tumakbo siya palabas ng bahay, walang saplot sa paa. Inulan siya, pero hindi alintana. Pumunta siya sa junkshop. Sarado. Tanging liwanag ng kandila sa barong-barong ni Gardo ang nagsisilbing gabay. Tinapik niya ang pinto. “Gardo!” sigaw niya. “Totoo ba lahat ’to?” Lumabas ang lalaki, hawak ang lumang kulambo.

“Pasensya na,” bulong ni Gardo. “Inayos ko lang ang tadhana,” dagdag pa nito. “Hindi mo naman ako mapapansin kung hindi ko ginawa.” Nanginginig ang babae. “Pinaglalaruan mo ang isip ko,” sigaw niya. “Hindi ito pag-ibig.” Pero sa likod ng galit ay may luha. Kasi kahit paano, naramdaman niyang minahal siya nito.

Kinabukasan, hindi pumasok si Ma’am Cyra. Nagkulong siya ng tatlong araw. Hindi siya kumain. Hindi siya lumabas. Pero isang hapon, may batang nag-abot ng sobre sa kanya. Nakasulat: “Hindi kita pipilitin. Pero salamat. Dahil sa’yo, natutunan kong maging totoo.” Kasama ng sulat ay ang natirang gayuma at pendant na bakal.

Napaiyak siya. Lumipas ang mga linggo. Binalikan niya ang klase. Tahimik lang siya, pero mas buo ang loob. Nagpakalayo-layo na si Gardo. Hindi na muling nakita ng mga taga-Barangay Bituin. May tsismis na nasa Maynila na raw at nagtatrabaho bilang porter. Pero hindi na siya muling binalikan pa ni Cyra.

Isang taon ang lumipas. Sa isang seminar sa Lungsod ng Legazpi, habang nakaupo si Ma’am Cyra sa isang bench, may lalaking lumapit. “Ma’am, kayo po ba si Cyra Santos?” tanong nito. Tumango siya. “Ako po si Naldo, kapatid ni Gardo. Bago siya umalis sa bansa, ipinasa niya po ito.”

Sa loob ng sobre, may diploma. Pinag-aralan pala ni Gardo ang welding sa TESDA habang hiwalay sila. May picture rin silang dalawa na kuha sa isang perya noon, at may maliit na liham: “Kung darating ang araw na mapatawad mo ako, babalik ako—hindi bilang lalaking may gayuma, kundi bilang Gardo na totoo.”

Naglakad siya paalis ng seminar. Huminto siya sa may fountain. Hawak-hawak ang liham. Sa puso niya, may kirot. Pero may parte ring umaasang muling makita ang lalaking iyon—hindi bilang mangangalakal, kundi isang lalaking nagbago para sa sarili. Bumuntong-hininga si Ma’am Cyra, at sa unang pagkakataon, ngumiti siya nang walang sakit sa dibdib.

Sa gabing iyon, tinanong siya ng kaibigang g**o, “Babalikan mo ba siya kung sakali?” Tumingin siya sa bituin. “Hindi ko alam,” aniya. “Pero kung totoo na ang pag-ibig niya, hindi niya na ako kailangang kulamin pa. Pupunta siya sa akin—dala ang puso niya, hindi gayuma.” At doon nagsimula muli ang pag-asa.

Part 2 👉 https://www.facebook.com/share/p/1715nB7yK2/

01/09/2025

“Nagbunga ang Sakripisyo”

Sa isang baryo na napapalibutan ng malalawak na palayan, doon naninirahan si Jun, isang magsasakang buong buhay ay inialay sa lupa. Kilala siya ng lahat bilang tahimik, masipag, at mapagpakumbaba. Sa tuwing sisilip ang araw, bago pa man tumilaok ang manok, gising na siya upang ihanda ang araro at ang kalabaw na siya niyang katuwang sa pagbubungkal. Ang kanyang mga k**ay ay palaging basag, makapal ang kalyo, at ang kanyang balat ay maitim at tuyot dahil sa araw. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, may isang bagay na nagbibigay ng kahulugan sa kanyang paghihirap—ang kanyang mga anak. Pangarap niyang mapagtapos sila ng pag-aaral, upang hindi na nila maranasan ang hirap na kanyang tinatahak araw-araw.

Ang buhay ni Jun at ng kanyang pamilya ay sadyang salat. Araw-araw, ang kanilang hapag ay palaging may kasamang kanin at tuyo, o kung minsan ay gulay na hango lamang sa kanilang taniman. Ang kanyang asawa, si Marta, ay nagtitiyagang magluto ng kahit anong makakain. Kahit pa wala silang karne o isda, basta’t may asin at kangkong o malunggay, sapat na. Minsan ay natutulog silang nagugutom, ngunit hindi kailanman nawalan ng ngiti si Jun sa harap ng kanyang mga anak. Para sa kanya, mas mabuting siya ang magdusa kaysa makita niyang nagugutom ang mga ito.

Araw-araw siyang nasa bukid, nakayuko, pawisan, at halos walang pahinga. Kapag panahon ng tag-init, halos pumutok ang kanyang balat sa init ng araw, at kapag tag-ulan, nakikipagsapalaran siya sa putikan at lamig. Ngunit hindi niya ito alintana. Ang tanging laman ng kanyang isip ay ang kinabukasan ng kanyang mga anak. “Kailangan nilang makatapos. Kailangan nilang maging propesyonal,” ito ang lagi niyang dasal habang humahakbang ang kanyang paa sa basang pilapil.

Dumating ang panahon na ang panganay niyang anak na si Liza ay nakapagtapos ng kolehiyo sa kursong Edukasyon. Napakasakit ng pinagdaanan bago siya makarating doon. Madalas na baon ni Liza ay nilagang kamote o tinapay na tuyo. Maraming pagkakataon na gusto na nitong huminto sa pag-aaral dahil sa kahirapan. Ngunit palaging pinapaalalahanan ni Jun, “Anak, magtiis ka muna. Darating ang araw na babangon tayo mula sa kahirapan.” Kaya’t patuloy itong nagsikap at nagsunog ng kilay.

Isang araw, malapit na ang board exam ni Liza para maging ganap na g**o. Kinakailangan ng malaking halaga para sa mga dokumento, pamasahe, at iba pang gastusin. Kinabahan si Marta at Jun dahil wala na silang pera. Ang natitira lamang ay kaunting bigas at ilang barya. Kaya’t lakas-loob na lumapit si Jun sa kanyang kapitbahay na kilalang may pera. “Pare, baka puwede akong makahiram ng kahit kaunti. Malapit na kasing mag-exam ang anak ko.” Ngunit malamig na tugon ng kanyang kausap, “Pasensya na, Jun. Hindi ka naman nakakasig**o na makakabayad ka.” Nadurog ang puso ni Jun. Lumisan siyang mabigat ang dibdib, parang gumuho ang lahat ng kanyang pangarap.

Ngunit hindi siya sumuko. Umupo siya sa harap ng kanilang bahay, pinagmamasdan ang kanilang kalabaw na nakatali sa tabi. Matagal niyang inisip ang kanyang susunod na hakbang. Alam niyang ang kalabaw ang kanyang tanging yaman, ang kanyang katuwang sa pagsasaka. Ngunit dahil sa matinding pangangailangan, napilitan siyang ibenta ito. “Marta, wala na tayong ibang magagawa. Kailangan nating ibenta ang kalabaw para may panggastos si Liza sa exam.” Naluha si Marta ngunit alam niyang iyon lamang ang tanging paraan. Ibinenta nila ang kalabaw sa murang halaga, at ang perang iyon ay agad na ginamit sa mga dokumento at gastusin ni Liza.

Mula noon, lalo pang nahirapan si Jun. Wala na siyang katuwang sa bukid. Ang dating trabaho ng isang kalabaw, siya na mismo ang gumawa. Araw-araw, nakayuko siyang nag-aararo gamit lamang ang lakas ng kanyang mga braso at ang kaunting gamit na naiwan. Dumoble ang hirap ng kanyang katawan, halos gumuho na siya sa pagod. Ngunit kahit ganoon, hindi niya inalintana. Ang mahalaga, nakapagpatuloy si Liza sa kanyang pangarap.

Dumating ang araw ng board exam. Habang nagbabasa ng reviewer si Liza, tahimik namang nagdarasal si Jun sa kanilang maliit na altar. “Panginoon, sana po ipasa niyo ang anak ko. Huwag niyo pong sayangin ang lahat ng sakripisyong ginawa namin. Ito na lang po ang tanging hinihiling ko.” Ilang linggo ang lumipas bago lumabas ang resulta. Kinakabahan silang lahat. Nang ianunsyo na ang listahan ng mga pumasa, halos hindi makahinga si Jun habang pinapasa-pasa ang papel. At nang makita niya ang pangalan ni Liza, napahagulhol siya ng iyak. “Anak, nakapasa ka! Isa ka nang ganap na g**o!” Yakap-yakap niya ang anak, at pati si Marta ay lumuluha sa tuwa. Ang lahat ng hirap at pagod ay tila naglaho sa isang iglap.

Matapos ang ilang buwan, nakahanap ng trabaho si Liza bilang g**o sa kalapit na bayan. Sa kanyang unang sweldo, hindi niya naisip ang sarili. Bumili agad siya ng kalabaw bilang kapalit ng ipinagbili noon ng kanyang ama. Lumapit siya kay Jun at iniabot ang tali ng kalabaw. “Tatay, ito po ang una kong regalo. Para hindi na kayo mahirapan.” Hindi makapagsalita si Jun. Yumakap lamang siya sa anak, at sa kanyang mga mata ay dumaloy ang luha ng tuwa. Pakiramdam niya ay nabayaran ng daan-daang beses ang lahat ng kanyang sakripisyo.

Ngunit hindi natapos doon ang biyayang natamo ng kanilang pamilya. Sa tulong ng loan na kinuha ni Liza bilang bagong g**o, pinatayuan niya ng maliit na tindahan ang kanyang ina. “Nanay, ito po para hindi na tayo palaging kulang. Para may dagdag na kita.” Mula noon, hindi na sila gaanong nahirapan. Unti-unti, ang kanilang pamilya ay nakabangon mula sa matinding kahirapan. Si Jun, bagaman patuloy na nagsasaka, ay mas magaan na ang buhay dahil sa tulong ng kanyang anak. Ang dating hapag na palaging may tuyo at gulay, ngayo’y may karne at isda na paminsan-minsan. At higit sa lahat, napatunayan nilang ang sakripisyo ng isang ama ay hindi kailanman nasasayang.

Address

Balaquid
Cabucgayan
6550

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Confession Center posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Confession Center:

Share