24/04/2025
"Bakit kailangan pa mag Disciple?"
"Bakit May Tithes?"
"Bakit kailangan pa icheck ang Devotion ko?"
"Bakit pati Love life ko pinapakeelamanan nang Simbahan?"
"Bakit kailangan pa mag Sunday Service kung na sa puso ko naman si Lord"?
"Bakit pati soot kong damit pinapakeelamanan?"
"Bakit pati pag-iinom ng alak pinapakealaman?"
Madaming Christians ngayon, ayaw mag pa sita... Ico-correct mo sa mali nila imbis na ikatuwa, eh kina-sasama pa nang loob nila.
Kapatid dapat maging masaya tayo kapag may nag tatama sa mali natin kasi that means may Concern sayo, Wag natin pa iralin yung Ego/Pride . Para sa atin yan. Mas malungkot tayo kapag hindi na tayo sinisita, kasi yun ay pag papakita na wala nang pakialam sayo yung tao, or yung church saiyo.
Kung yan ang mga dahilan mo bakit mo kailangan umalis nang Church? Tingin ko wala sa Church ang Problema, Kundi na sayo.
Galing kay Satanas ang salitang "Gawin mo kung anong gusto" Ooppss teka! Hindi lahat nang GUSTO MONG GAWIN ay tama! Nasusulat yan sa Bible.
= 1 Corinthians 6:12 =
"May magsasabi ng ganito: 'Malaya akong gumawa ng kahit ano.' Kung sabagay nga, ngunit hindi lahat ng bagay ay makabubuti sa inyo. Maaari ko ring sabihin, 'Malaya akong gumawa ng kahit ano,' ngunit hindi ako paaalipin sa anumang bagay."
= 1 Peter 2:16 =
Kayo'y malaya, subalit ang kalayaa'y huwag ninyong gagawing dahilan sa paggawa ng masama kundi mamuhay kayo bilang mga alipin ng Diyos.
Maliwanag ba kapatid??
Kaya payong kapatid sa Spiritual, maging masaya ka kapag may nag tatama sayo, kasi ayaw ka nilang mapahamak. Kaya makinig lalo na sa Pastor or mga Kapatiran mo na ginagamit ng Lord na payuhan ka upang hindi ka malayo sa Diyos at mahatak ng mundo. Kaya iwasan maging REBELDE sundin kung ano ang nakalulugod sa Diyos upang hindi tayo magsisi sa huli at mapahamak.
= Proverbs 10:17 =
Ang nakikinig sa payo ay nasa daan ng buhay, Ngunit ang ayaw duminig ay tungo sa pagkaligaw.
= Proverbs 13:13 =
Ang nagwawalang-bahala sa payo ay hahantong sa kapahamak
-MC DE GUZMAN