30/08/2026
Minsan, may mga lakad kang akala mo simpleng outing lang…
pero may taong ipapakita sa’yo si Jesus.
Early morning sa Pagbilao, Quezon, naglakad-lakad ako sa low tide. Habang naglalakad, nakita ko si kuya na nangingisda.
Nilapitan ko siya at nakipagkwentuhan.
Tinanong ko kung marami ang huli niya.
Sabi niya, “Konti lang.”
At nakita ko nga sa kanyang lambat—kaunti lang talaga.
Tinanong ko kung okay lang na ipag-pray ko siya. Pumayag siya.
So I prayed for him.
After that, nagkwentuhan pa kami. I shared with him who Jesus is and the Word of God. Simple lang ang conversation namin, pero sa puso ko, alam kong may dahilan kung bakit kami pinagtagpo ni Jesus that morning.
At alam nyo ba? Hindi ko nalitaan ng bakas ng lungkot, pagka dismaya si Kuya. Actually naka ngiti sya nung sya ay nag se-share din about Jesus at mung gano kabuti sa buhay niya at mg kanyang pamilya si Hesus.
Akala ko, ako ang may ibibigay.
Isang panalangin. Isang salita tungkol kay Jesus. Isang encouragement.
Pero nang aalis na ako, bigla niyang iniabot sa akin ang mga crabs na nahuli niya.
Ayaw ko sanang tanggapin.
Sabi ko sa sarili ko, “Kaunti na nga lang ang huli niya… bakit niya pa ibibigay sakin?”
Pero pinipilit talaga ni kuya.
Kaya tinanggap ko…
Dahil ayaw kong sirain ang puso nya na kahit kulang para sa kanya ay willing ibigay sa iba ng may galak, mapag pasalamat na puso.. dahil mas nag titiwala siya na hindi sya pinapabayaan ni Lord sa lahat ng oras.
At doon ako natahimik.
Minsan, kung sino pa ang wala,
siya pa ang may pusong marunong magbigay.
At habang iniisip kong ako ang nag-share kay kuya tungkol kay Jesus,
si Jesus pala mismo ang may itinuturo sa akin.
Na ang pagbibigay ay hindi nasusukat sa dami ng meron tayo.
Hindi kailangang marami bago tayo matutong magbahagi.
Because sometimes, the greatest gift doesn’t come from abundance, but from a willing heart.
That morning, I thought I was there to bless someone…
but Jesus reminded me that I was also there to be taught. 🤍
“It is more blessed to give than to receive.”
— Acts 20:35
Minsan, ang taong akala natin ay bibigyan natin ng blessing,
siya pala ang magiging blessing sa atin.
And perhaps that was the lesson Jesus wanted me to carry home that day. 🤍
May kasunod pa ang kwentong ito…
To be continued. 🙏🏻