
13/08/2025
SA MGA LARAWAN | Ipinagdiriwang ng Lourdesians ang Buwan ng Wika sa Masigasig na mga Aktibidad
Ngayong ika-13 ng Agosto 2025, ang Lourdesian’s Association of Language Majors (LALM) ay nagdaos ng isang masigla at kulturang-mayaman na pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2025 na may temang “Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa” sa Lourdes College Main Campus.
Punong-puno ng mga mapanuring kompetisyon at malikhaing pagtatanghal kanina umaga at hapon na kung saan ay nagpakita ng talas ng isipan, kasanayan sa wika, at pagkamalikhain ang mga kalahok galing sa iba't ibang programa.
Sa umaga, itinanghal ang talento ng mga estudyante sa Sulat Sanaysay, Poster Making, at Tagisan ng Talino, na lahat ay tumalakay sa mga temang may kaugnayan sa kulturang Filipino at wika. Ang mga kaganapan naman sa hapon ay kasanayan sa pagtatanghal, tulad ng Biglaang Talumpati at Tanghal Tula, kung saan ipinamalas ng mga kalahok ang kanilang galing sa pampublikong pagsasalita at sining ng tula. Ang selebrasyon ay naging isang makulay na pagpapakita ng pamana ng Filipino, na nagpapalalim ng koneksyon sa wika at kultura sa lahat ng dumalo.
Sa pamamagitan ng aktibong partisipasyon ng mga mag-aaral sa iba't ibang paligsahan para sa Buwan ng Wika, naipakita ang malalim na pagnanais ng mga mag-aaral na itaguyod ang mga pagpapahalaga sa pagmamahal ng ating pambansang wika bilang Pilipino.
Ulat | Missy Grace Delmo
Litrato | Sean Owen Potenciando, Denise Pagaspas, Harnicym Patalinghug, Charmaine Anne Tolibas, Aliah Cabatas, Fretzie Jean Aban, Francis Nick Rubio, Tricia Padernal, Julianna Ebarle, and Kim Jemarie Baranggot