24/12/2025
“Ay, ay, ito lang?”
This Christmas season, paalala lang ha—
hindi lahat may pambili ng mamahaling regalo.
Hindi lahat may extra.
At marami ring tahimik na lumalaban sa buhay,
hindi lang sa pera, kundi sa lahat ng pinagdadaanan nila.
Kaya kung may nagbigay sa’yo—
kaibigan, kamag-anak, kahit sino—
kahit simple lang, kahit maliit,
please… pahalagahan mo.
Huwag mong sabihing,
“Ay, ang liit lang.”
“Yan lang?”
“Hindi naman mahal.”
“Mura lang.”
Kasi hindi mo alam kung saan galing yung perang ‘yon.
Hindi mo alam kung ano ang isinakripisyo nila
para lang may maibigay sa’yo.
Baka yun na yung natira sa kanila,
o pinag-ipunan pa nila nang matagal—
para lang mapasaya ka.
This season is not about kung gaano kamahal ang regalo,
pero kung gaano ito binigay nang may puso.
Minsan, ang simpleng “thank you”
ang pinakamasarap na marinig.
Be kind. Be grateful.
Yan ang totoong diwa ng Pasko. 🎄✨
💖