
30/08/2025
Ang Pagtawag na Hindi na Gaya ng Dati
“Nakakapanibago… dati, bawat tawag ko sa pamilya, may halakhak, may iyakan, may tanong na ‘Kailan ka uuwi?’
Pero habang tumatagal ako sa barko, napansin ko… unti-unti na lang silang sumasagot.
‘Ok lang kami.’
‘Ingat ka diyan.’
Minsan, ‘seen’ lang.
Madalas, maraming kwento pero walang mapagusapan…
Masakit. Pero hindi dahil hindi na nila ako mahal.
Kundi dahil natututo na rin silang mamuhay nang wala ako.
Ang anak ko, marunong nang magkwento sa sarili niya bago matulog.
Ang asawa ko, natutong magdesisyon mag-isa.
At ako? Natutong ngumiti kahit gusto ko nang umuwi.
Ganito ang buhay seafarer. Oo, may pera. Pero ang kapalit, oras at presensya na hindi na mababalik.”