JB Motivation/Inspiration

  • Home
  • JB Motivation/Inspiration

JB Motivation/Inspiration Change Your Mind, Change Your Life

10/06/2024

7 Things You Can't Control And You Need To Let Go

07/06/2024

HUWAG MONG GAWIN ANG 10 BAGAY NA ITO

03/06/2024

'Wag kang magpapaapekto sa mga taong toxic

01/06/2024

Huwag Kang Magpapaapekto sa 8 Bagay na Ito

31/01/2024

Kapag hindi ka mapalagay, kapag nangangamba ka, o nababalisa, ibuhos mo ang iyong puso sa Diyos. Kapag nagawa mo na ang iyong buong makakaya para solusyunan ang problema, mas makatutulong ang taos-pusong pananalangin kaysa sa pag-aalala. Tutugunin ng Diyos ang ating marubdob, taos-puso, at patuluyang pananalangin. Paano? Bibigyan Niya tayo ng kapanatagan para mawala ang mga negatibong emosyon sa ating puso at isip. Marami na ang personal na nakaranas nito. Pinalitan ng Diyos ang kanilang kabalisahan ng kapayapaan at kapanatagan na nakahihigit sa kaunawaan ng tao. Puwede mo ring maranasan 'yan. Madaraig ng kapayapaan ng Diyos ang anumang hamon na hinaharap mo.

31/01/2024

14 steps na dapat mong malaman para mamuhay ka ng maayos.

30/01/2024

Ang inggit ay makaaapekto sa kakayahan ng isang tao na masiyahan sa mabubuting bagay at makapag-aalis ng pagpapahalaga sa maraming kaloob na dulot ng buhay. Ang ganitong tendensiya ay hindi magdudulot ng kaligayahan. Malalabanan natin ang inggit kung tayo’y magiging tunay na mapagpakumbaba. Tutulong ito sa atin na magkaroon ng pagpapahalaga sa kakayahan at katangian ng iba.

29/01/2024

Balang araw ay mawawala rin tayo sa mundong ito. Walang nakakaalam kung kailan ang huling gising natin. Hindi ko 'to sinabi para matakot ka. Sinabi ko 'to para makapag-isip-isip ka ng maayos. Sa halip na matakot tayo, dapat nating yakapin ang katotohanan na ang buhay natin ay napakaiksi lang at hindi natin mahuhulaan kung anong mangyayari sa atin. Kaya dapat tayong mamuhay ng maayos NGAYON. Dapat nating ibigay ang lahat NGAYON. Ibuhos na natin ang ating 100% na lakas NGAYON. Ibigay mo ang BEST mo ngayon. Ibuhos mo ang buong pagmamahal mo sa 'yong pamilya. Sa lahat ng tao. Mag-iwan ka ng BEST MARK sa bawat araw. Alam mo ba kung bakit kailangan natin 'tong gawin? Kasi hindi nga natin alam ang ating katapusan.

28/01/2024

HINDI MO MAPI-PLEASE ANG LAHAT

Kahit anong gawin mo, may mga tao pa ring hindi matutuwa sa pinagagawa mo. At darating sa punto na hindi mo maintindihan kung bakit gano'n e ginawa mo na man ang lahat. Pinasaya mo na nga pero hindi ka pa rin matanggap. Kaya't tigilan mo na ang pagiging people pleaser. Hindi mo misyon ang piliting sumaya ang iba. Misyon mong pasayahin ang Diyos. Ang people pleasing habit kasi ay nakakasira ng pagkatao natin. Kaya kailangan natin itong tanggalin sa buhay natin.

28/01/2024

Gusto mo na bang sumuko? 5 rason na magpatuloy.

27/01/2024

Grabe ang ingat natin sa mga pagkain. Gusto natin ng masustansyang pagkain para hindi tayo madaling magkasakit. Pero ang masaklap, wala tayong ingat na sumasakmal sa anumang mental na pagkaing inihain sa atin sa pamamagitan ng media. Kaya dapat mag-ingat tayo kung sino ang mga fina-follow natin sa social media. Piliin natin ang positivity. Napansin mo ba na ang mga tao ay nakatutok na sa phone? Ang ilan ay waring nagagayuma, anupat walang-tigil sa pagso-scroll sa pag-asang makakita ng magandang mapapanood. Hindi man lang sumagi sa kanilang isip na bitawan ang phone. Marami na nga ang napupuyat sa kaka-scroll e.

Bukod pa sa maraming oras na nauubos, maraming mga post na malalaswa, may gumagamit ng malalaswang pananalita, may mga post na wala namang mapupulot na aral, maraming post tungkol sa kontrobersiya. Kung sa TV ka manonood, maraming mga palabas tungkol sa adultery at concubinage. Pero hindi ko naman sinasabi na lahat ng programa sa TV ay masama. Ganiyan din naman ang mga aklat, magazine, video, online games, at iba pang uri ng libangan. Ngunit maliwanag na karamihan sa tinatawag na libangan ay di-angkop sa mga nagnanais na mapanatili ang malusog na pangmalas.

26/01/2024

10 tips paano mahalin ng tunay ang sarili mo.

Address


Alerts

Be the first to know and let us send you an email when JB Motivation/Inspiration posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to JB Motivation/Inspiration:

Shortcuts

  • Address
  • Telephone
  • Alerts
  • Contact The Business
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share