11/02/2024
Naranasan mo na ba na e discriminate?
Bilang mag-aaral? Anak? Tao?
Hindi ba't dapat na ang mga g**o ang ating pangalawang magulang sa loob ng apat na sulok ng silid aralan? Ngunit minsan ay sila pa ang nagiging dahilan kung bakit nasasaktan tayo ng hindi nila alam.
Hindi lahat ng mag-aaral ay kasing tapang ng mundo, aminin man natin sa hindi, sa panahon ngayon ay masyado na silang sensitibo, maging mulat sana tayo sa bawat salitang ating binibitawan, ikaw ang mas nakakaalam ng tama at ikaw ang dapat na kanilang tularan, hindi pa sila propesyonal katulad mo, sila ay isa pa lamang mga binhi na kailangan ng gabay upang lumago, maging patas ka sana sa kabila ng hindi pagiging patas ng mundo, hindi yong pinipigil mong sumikat ang araw na nagsisimula pa lamang sumilip sa mapaglarong yugto.
Naranasan mo na bang saksakin patalikod?
Masyado raw akong sipsip at papansin,
pinag-uusapan nila palagi ang aking pangalan satuwing hindi ako nakatingin, ganoon na ba talaga ang paraan ng paglalaro? Masyado ng hindi patas ang mundo, kapag ginalingan mayabang, kapag hindi magaling bobo?
Nag-aaral naman ako ng mabuti, nahihirapan lang akong intindihin ang ibang itunuturo, pero hindi ibig sabihin wala na akong kwentang tao, masyado lang nauna ang mga panghuhusga bago alamin ang itinaya kong pagsisikap para lang matuto.
Masyado ng hindi patas ang mundo,
at sa mga oras na nalulunod na ako ay wala man lang akong malapitan, sapagkat sa tuwing uuwi ako ng bahay ay wala naman akong mapagsabihan, masyado ng maliit ang tingin sa akin ng lahat, gusto nila akong umunlad ngunit patuloy nilang pinapamukhang hindi ako sapat.
Kaya't wag mong itatanong kung bakit tila tinatakasan ko ang kahit na sino, at ayaw ko sa kahit na saan, hindi ko na kase alam kung saan matatagpuan ang lugar kung saan 'di ako masasaktan.
----JAYZ----