13/08/2026
Taos-Pusong Pasasalamat sa Barangay Council ng Dagupan
Taos-pusong nagpapasalamat ang buong pamunuan, mga g**o, at mga mag-aaral ng Dagupan Elementary School, sa pangunguna ni Ma'am Armelyn M. Ramos, sa buong Barangay Council ng Dagupan, Lal-lo, Cagayan, na pinamumunuan ni Hon. Brgy. Captain EDMOND ALIPIO, sa kanilang walang-sawang suporta at malasakit sa ating paaralan.
Lubos naming pinahahalagahan ang inyong pagkakaloob ng isang PRESSURE TANK at mga kaukulang kagamitan na malaking tulong upang matiyak ang tuloy-tuloy at sapat na suplay ng tubig para sa ating mga mag-aaral at g**o. Ang inyong pagkukusa ay malaking ambag sa pagpapanatili ng kalinisan, kaligtasan, at kaginhawaan ng buong komunidad ng paaralan.
Muli, maraming salamat po, Hon. Brgy. Captain Edmond Alipio at buong Barangay Council ng Dagupan, sa inyong patuloy na pakikiisa at pagmamalasakit sa Dagupan Elementary School. Ang inyong kabutihang-loob ay patunay na sa pagkakaisa ng paaralan at barangay, mas napapabuti ang kapakanan at kinabukasan ng ating mga mag-aaral. Mabuhay po kayo at maraming salamat sa inyong walang-sawang suporta!