
15/07/2025
WHEN YOU REACH YOUR END, HE STARTS MOVING
2 CORINTHIANS 12:9
9 BUT HE SAID TO ME, “MY GRACE IS SUFFICIENT FOR YOU, FOR MY POWER IS MADE PERFECT IN WEAKNESS.” THEREFORE I WILL BOAST ALL THE MORE GLADLY ABOUT MY WEAKNESSES, SO THAT CHRIST’S POWER MAY REST ON ME.
Dumating ako sa point na parang wala na talaga akong ibubuga.Alam mo yung feeling na ginawa mo na lahat — nag-pray ka, nag-effort ka, pero parang wala pa rin?
I remember nung na-ospital ako. Malakas naman ako nun — kakatapos ko pa nga mag-workout, biglang inatake ako ng asthma. Hindi ko in-expect, kasi feeling ko healthy ako. Pero dun ko narealize: hindi sapat ang lakas ko lang.
Sinugod ko sarili ko sa hospital, mag-isa lang ako, walang kasama. Na-confine ako ng 4 days.
Akala ko ang lakas ko, pero doon ko nakita na kahit gaano ka kalakas, pwedeng maubos yan. Sa hospital bed, mag-isa, wala akong ibang kasama kundi si Lord.
Ang sabi Niya sa puso ko, “Anak, rest in Me.”
Busy kasi ako lagi, trabaho, workout, plano.
Pero minsan, kailangan mo munang huminto para Siya namanang kumilos.
Habang iniisip ko, “Paano na ‘to, Lord? Paano bills ko?
Siya naman, tahimik pero gumagalaw. Behind the scenes, nagpo-provide. Gumagawa ng paraan na hindi ko nakikita.
Minsan kailangan mo munang maubos para makita mo na Siyalang pala talaga ang sapat.
Sa weakness mo, Siya ang lakas mo. Sa kawalan mo,
Siya ang source mo. Sa pagod mo, Siya ang pahinga mo.
Kung ubos ka na ngayon, hindi ibig sabihin tapos na
ibig sabihin simula na Niya.
Kung pagod ka na, wag kang bumitaw.
Sabihin mo lang: “Lord, ubos na ako, Ikaw na bahala.”
I-surrender mo lahat — at panoorin mo kung paano Siya gagalaw,kahit di mo kita.
Lord, salamat kasi sapat Ka kahit ubos na ako. Patawad kungminsan sarili ko pa rin ang inaasahan ko.
Ngayon, sinosurrender ko lahat — pagod, takot, doubt, bills. Sakahinaan ko, maging lakas Ka. Sa pagod ko, maging pahinga Ka.In Jesus’ name,
Amen.