
22/09/2025
The over pagod and busyness of the past days were super nakakaiyak. So we spent a few hours outside kahit umuulan.. naglakad kami ni Daddy at nag-emote from 2 AM to 5 AM, sabay chikahan tungkol sa mga ganap sa Pinas at sa mga rally.
Then I noticed this Grabe ang ingay, pero nakakatuwa makakita ng bago! Bigla kong nasabi, sana ganito na rin sa buong Pilipinas after a few years, with more improvements hindi puro baha, basura, at malalang traffic ang lagi nating nakikita.
Gusto kong umasa sa mas magandang future ng bansa natin. Umaasa pa rin ako ng malaking pagbabago, at alam kong hindi lang ako ang may ganitong hangarin.
Pero naisip ko rin, maaabutan ko pa kaya iyon? O hanggang pangarap na lang din? At kahit sana, kung hindi man para sa akin, ay para sa mga susunod na henerasyon mula sa akin—
na sila ang makaranas at makatamasa ng mas maayos na Pilipinas.
Bigla kong naisip, sigurado, iyon din ang pinangarap ng tatay at nanay ko noon para sa amin, at ng mga lolo’t lola para sa mga apo nila. Ang makita na kaya nang tumayo mag-isa ng ating bansa sa sarili nitong mga paa, at na ang pag-unlad at pagbabago ay hindi na isang pangarap lang kundi realidad para sa susunod na henerasyon.
Pero tanong ko lang, saan at kanino ba dapat ito magsimula? At kung sa atin man, sasapat kaya?
Kung ang simpleng pagkakaisa ay napaka hirap makita sa ating bansa. 🤔😔