17/09/2026
Nakaka stress yung last check up ko nung martes ..
Ibang doctor ang humawak saken .. Hindi ko alam kung sya yung mas mataas na doctor doon .. Bakit daw hindi nya alam yung case ko .. Bakit daw ang liit ng hiwa sa hita ko para tanggalin ung infection na dapat ay malaki daw .. Bakit daw general surgery ang humawak sakin noon at hindi agad pinasa sa ortho .. Bakit daw hindi ako niresetahan ng gamot para sa infection .. Bakit hindi daw nila nakita na apektado pati kanan paa ko ..
Sabi sakin dati bone fusion daw o total knee replacement ang gagawin sakin .. Mabebend ko na daw ang tuhod ko nun .. Sabi naman nung doctor na tumingin sakin nung martes bone fusion lang ang pwede gawin sakin .. Hindi ko na daw mabebend kahit kelan .. Idederetso lang nila ung tuhod ko para maiapak ko ..
Ibig sabihin hindi na ako makakabalik sa dati at permanente na ang kapansanan ko ðŸ˜