23/07/2025
Story time! ☺️
Ngayun bumabagyo at walang tigil ang ulan, nag papasalamat ako.. hindi dahil sa bagyo kundi dahil kay Lord, Naalala ko nung bata pa lang kami tuwing tag ulan at ganito yung panahon. Aaminin ko na natatakot kami ng family ko, sa unang bahay na tinitirhan namin noon unting ulan baha agad, unting ulan may tumutulo sa kisame 😅 HAHAH nung mga panahon na yan naka ready si Mama at Papa sa kung anong mangyayari, pero kahit bata pa lang ako kita at ramdam ko yung pag aalala nya para sa tirahan namin at para din samin.
That time both of my parents struggle with money, we live sa isang maliit na bahay studio type lang 😄hahah pag pasok mo andun na kusina, sala at kwarto HAHAHA
During that time kita ko palagi sa parents ko yung pag aalala nila samin at sa tirahan namin kasi hindi namin alam kung lalakas pa yung bagyo baka mamaya wala na kaming bubong at bumaha na ng tuluyan sa bahay namin.
Pero looking back, ang bait lang talaga ni Lord❤️ kasi kung noon na nag aalala kami para sa safety namin, ang tanging maggagawa lang nain ay mag pray at magtiwala na soon iaalis nya kami sa ganun sitwasyon.
God really did! ❤️siguro nga tama na lahat ng bagay may process lahat ng bagay may right time, lahat ng bagay naka plano kay Lord.
Ngayun we lived in a place na di na binabaha, di na kami nag w-worry we have more than enough. God really did answer our prayers. Kaya kung ikaw right now andun sa sa sitwasyon na nag w-worry ka sa kung anong mangyayari sayo sa tagulan or sa panahon na may bagyo. May this serves as inspiration at motivation na magtiwala ka sa kanya, na dadating ang time at panahon na pag sinipagan mo at mas ginalingan mo! Sabayan mo ng faith and trust. Iaalis ka talaga ni lord sa sitwasyon mo ngayun.
This story was a reflection that I will carry through this lifetime, salamat kasi na experience ko sya! I did learn a lot! ❤️