Peso Mercado

Peso Mercado Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Peso Mercado, Digital creator, 0367 Real Highway, .

Helping Founders & CEOs transform Old-School Businesses into AI-Powered Machines: Automating Systems, Scaling Faster, and Dominating Competition with Smarter Workflows.

26/05/2025

“You’re hiring more people, but still getting slow results? Here’s why…”

Dati, nag-hire ako ng buong marketing team
Designer, copywriter, video editor, content strategist, social media manager pero ang laki ng gastos, at ang bagal pa rin ng output and most of them are TEMPLATED and Strategy. Pero nung natutunan ko kung paano gamitin ang AI tools? One person did what five used to do.

AI Doesn’t Replace Talent—It Multiplies It

1️⃣ AI Makes You 5x Faster.
Kung dati kailangan mo ng 1 oras para gumawa ng caption, ngayon? 2 minutes or less with ChatGPT. Kailangan ng poster? Canva + prompt = tapos agad / Sora / Leonardo AI / Midjourney. Hindi mo kailangang dumaan sa 3-4 tao kada task.

2️⃣ Less Manpower, More Efficiency.
One person who knows how to use AI can write, design, schedule, and optimize content. Ganoon kalakas ang leverage.

3️⃣ The Game Has Changed.
Kung hindi ka marunong mag-adapt, maluluma ka. And worse mas mapapamahal ka sa tao na outdated ang proseso.

What You Should Do Instead:

✔ Train Yourself or Your Team on AI. Hindi mo kailangang maging tech expert you just need to learn how to prompt (atleast to start).
✔ Start with Simple Tools. ChatGPT, Canva, CapCut, Notion AI, Sora, start with the basics and build your stack.
✔ Measure Output, Not Headcount. Mas konting tao na may AI knowledge, mas mabilis pa kaysa malaking team na manual pa rin ang trabaho.

Final Thought

This is the future of work. Adapt or die. Kung hindi mo pa ginagamit ang AI sa negosyo mo, hindi mo lang tinatapon ang pera mo

pati oras mo.

💡 Follow for more content like this.

💭 "When Growth Feels Like Losing Yourself"Minsan sa kakapilit nating “mag-grow”… nakakalimutan natin kung sino ba talaga...
24/05/2025

💭 "When Growth Feels Like Losing Yourself"
Minsan sa kakapilit nating “mag-grow”… nakakalimutan natin kung sino ba talaga tayo.

Seryoso ‘to may mga gabi na kahit sunod-sunod ang wins, ang tanong mo pa rin sa sarili mo ay:
“Bakit parang hindi ako masaya?”
“Bakit parang ako ‘to… pero hindi rin ako ‘to?”

Ginawa mo naman lahat ng tama.
Ginapang mo, sinakripisyo mo, kinaya mo.
Pero bakit parang may nawala rin?

Na-realize ko:
Growth isn’t always about becoming someone new.
Sometimes, it’s about remembering the parts of you na hindi dapat mawala.

Pwedeng mag-evolve… without erasing yourself.
Pwedeng umangat… habang buo ka pa rin.
Pwedeng maging “better version”… pero hindi “ibang tao.”

So tanong:
Sa lahat ng pinagbago mo…
Ano na yung hindi mo na nagagawa?
Sino na yung hindi mo na natatawagan?
Ano na yung ayaw mo noon pero tinatanggap mo na lang ngayon?

‘Yung mga sagot mo dyan… baka dun mo makita yung parte ng sarili mong naiwan.

Growth should feel like coming home to yourself—
Not losing yourself just to be liked by the world.

📌 Minsan akala mo purpose ang habol mo… pero pera pala talaga.Nakakatawa pag naiisip ko ung mga nagsasabi nito:“Gusto ko...
11/05/2025

📌 Minsan akala mo purpose ang habol mo… pero pera pala talaga.

Nakakatawa pag naiisip ko ung mga nagsasabi nito:
“Gusto ko lang naman makatulong.”
“Passion project ko ‘to.”
“Para sa impact, hindi income.”

Pero deep inside? May gusto ka ring patunayan.
May gusto ka ring kitain.
May expectation ka ring gusto mong matupad.

Hindi ko sinasabing mali yon ha.
Gutom din ako. Gusto ko rin ng comfort.
Pero dumaan ako sa phase na pinipilit kong kunwari “purpose-driven” lang ako,
kahit sa totoo lang, umiikot na pala sa pera yung galaw ko.

Nakakainis aminin. Pero totoo eh.
Kaya nung hindi agad kumita yung ginagawa ko, na-frustrate ako.
Dun ko narealize:
“Purpose ba talaga ‘to?
O ginagamit ko lang yung ‘purpose’ as disguise para hindi halatang pera talaga habol ko?”

Truth is, pwede namang both.
Pwede kang maghangad ng impact at income.
Pero dapat honest ka sa sarili mo.
Kasi kung hindi…
Mapapagod ka sa double life mo.

So tanong ko lang:
Ano talaga ang totoo mong habol?

Purpose ba talaga?
Pera?
Validation?
O lahat ng ‘yan?

Hindi mo kailangang i-judge sarili mo.
Pero kailangan mong linawin.
Kasi kung hindi mo alam anong fuel mo…
Baka maubos ka nang hindi mo namamalayan.

🔥 Mahirap pag hindi mo alam kung para saan ka talaga tumatakbo.
Lalo na kung sarili mo lang pala ang niloloko mo.

09/05/2025

Want to grow your business? Then stop being allergic to expenses.

✅ Marketing = visibility = sales
✅ Tools = automation = time freedom
✅ People = leverage = faster scale

Hindi ka matatalo sa gastos.
Matatalo ka sa kakaisip ng “sayang pera.”

📌 Walang ibang oras kundi ngayon.Ang dami nating gustong balikan. Ang daming “sana hindi ko ginawa 'yon.” At mas marami ...
01/05/2025

📌 Walang ibang oras kundi ngayon.

Ang dami nating gustong balikan. Ang daming “sana hindi ko ginawa 'yon.” At mas marami pa sigurong “sana mangyari ‘to.”

Pero habang busy tayo sa PAST at sa kung anong darating bukas, may isang bagay tayong palaging nakakaligtaan , Ano yon?

Yung ngayon, PRESENT.

Naisip ko ‘to kagabi habang nakaupo lang ako mag-isa.
Tahimik. Walang notifs. Walang kausap.
Pero kahit ganon, parang ang ingay ingay sa loob ng utak ko.

Iniisip ko na naman yung mga pagkakamali ko dati.
Tapos after ilang minuto, napunta naman sa worry:
“Paano kung hindi mag-work ‘to?”
“Paano kung hindi ko maabot yung gusto ko?”

Pero teka lang…

Wala pa naman sa future.
Tapos yung past? Hindi na mababalikan.

Kaya eto ‘yung na isip ko:

“Walang kahit sinong nakabalik sa nakaraan.
At walang kahit sinong naka-predict ng future nang eksakto.
Pero lahat tayo... may access sa PRESENT.”

And the present moment?
Yun lang ang meron tayo talaga.

Kahit ilang plano pa gawin mo, kahit ilang regret pa balik-balikan mo,
walang mas lalakas pa sa isang desisyon na ginawa ngayon.

So tanong ko lang…
Ano’ng nangyayari sa present mo habang busy ka sa past at future?

Baka ito na yung moment na matagal mo nang hinihintay.
Pero hindi mo lang napapansin, kasi wala ka dito.

Kung hindi ngayon, kailan?
Kasi baka habang hinihintay mong “maging ready ka”…
tumatakbo na ang buhay mo sa harap mo.

📌 Hindi mo kailangan habulin lahat para maging masaya.Minsan, akala natin, "Pag nakuha ko na ‘to, dun ako magiging okay....
28/04/2025

📌 Hindi mo kailangan habulin lahat para maging masaya.
Minsan, akala natin, "Pag nakuha ko na ‘to, dun ako magiging okay."
Pero habang dumarami yung gusto mo, parang mas lalo kang napapagod, ‘di ba?

Parang may invisible chain ka sa bawat “kailangan ko pa ‘to” na iniisip mo.

Na-realize ko, desire isn’t just about wanting something.
It’s signing up for your own suffering… until makuha mo siya.

Kaya pala kahit anong milestone ang ma-reach mo, bitin pa rin.
Kasi bago mo pa ma-enjoy, may bago ka na namang gustuhin.

What really set me free?
Learning to want less.

Learning to look around and say, "Pt@, sapat na pala ‘to."*
Learning to breathe and feel content, kahit hindi perfect lahat.

Gaano karaming kalayaan ang nawawala sa'yo… kasi pinipilit mong habulin ang mga bagay na hindi mo naman talaga kailangan?

Gaano kadalas mong pinapalitan yung peace mo kapalit ng mga “sana meron ako nito”?

Maybe you don't need a bigger life.
Maybe you just need a lighter one.

📌 Walang makakatalo sa taong hindi nagpapanggap.Ang dami nang nag-uunahan ngayon pagandahan ng lifestyle, pagalingan sa ...
27/04/2025

📌 Walang makakatalo sa taong hindi nagpapanggap.

Ang dami nang nag-uunahan ngayon
pagandahan ng lifestyle, pagalingan sa branding, paramihan ng likes, palakihan ng benta.

Lahat may pakulo. Lahat may pang-hatak.
Pero eto ‘yung napansin ko:

Habang lahat sila abala sa pagiging “better” version para sa audience nila,
‘Yung mga totoo sa sarili… tahimik na nananalo.

Grabe no?

Hindi mo kailangan maging pinaka-maganda, pinaka-gwapo, pinaka-magaling, pinaka-mayaman.
Ang kailangan mo lang… ay maging pinaka-maging ikaw.

Kasi kung authentic ka
wala kang ka-kumpitensya.
Walang tatalo sa originality mo.

🎯 Realness is your greatest edge.
And in a world full of filters,
being real is a superpower.

💭 So ngayon, tanong ko: Sa lahat ng ginagawa mo…
Ikaw ba talaga ‘yan?

O baka masyado mo nang ginagalingan sa pag-”blend in”
kaya nakakalimutan mo nang mag-”stand out”?

📌 Don’t win by being better than others.
Win by being more of you.

26/04/2025

Naguguluhan ka ba kung bakit umaalis ang magagaling mong tao kahit okay naman ang sweldo?

Here’s the real reason:
Wala silang nakikitang long-term place sa loob ng pangarap mo.
Tanongin mo sarili mo:
Kasya ba ang growth nila sa plano mo, o ikaw lang talaga ang bida sa storya?

📌 Hindi lahat ng kasama mo ngayon, kasama mo hanggang dulo.May mga taong masarap kausap… pero hindi kayang makisabay sa ...
26/04/2025

📌 Hindi lahat ng kasama mo ngayon, kasama mo hanggang dulo.

May mga taong masarap kausap… pero hindi kayang makisabay sa growth mo.
May mga business partners na magaling sa simula… pero hindi pang Marathon.
At may mga tropa kang kasabay mong mangarap dati… pero iba na ang tinatahak ngayon.

Ganun talaga eh.

Akala mo pare-pareho kayo ng direction.
Pero habang tumatagal, lumalabas kung sino talaga ang willing tumaya for the long haul.

🙌 Napagtanto ko: Hindi lang skills ang nagco-compound sa tagal ng panahon.
Pati trust. Pati character. Pati shared values.

Yung mga taong hindi lang magaling… kundi consistent.
Hindi lang present pag madali… kundi nandyan kahit messy.
Yun ang totoong “pang-matagalan.”

💭 So ito tanong ko sa'yo: Sino ang kasama mo dahil magaan sila…
at sino ang kasama mo dahil matibay sila?

Magkaiba 'yon.

🎯 Long-term games need long-term people.
Hindi kailangan madami. Kailangan totoo.

📌 “You don’t become what you want. You become what you believe you are.”Akala ko noon, ang mahalaga lang ay may pangarap...
25/04/2025

📌 “You don’t become what you want. You become what you believe you are.”

Akala ko noon, ang mahalaga lang ay may pangarap ka.

Gusto kong yumaman. Gusto kong maging successful. Gusto kong magbago ang buhay.

Pero kahit anong vision board gawin ko, kahit anong motivational video panoorin ko, parang hindi ako gumagalaw.

Kasi sa loob-loob ko? Hindi ko pa rin talaga pinapaniwalaan na deserving ako.

Na kaya ko. Na pwede rin ako.

📍Eto ang narealize ko:
Hindi sapat na gusto mo.
Kailangan maniwala kang ikaw ‘yon.

Kasi kahit gusto mong magka-business,
pero tingin mo sarili mo hanggang empleyado ka lang?
Hindi ka gagalaw.

Kahit gusto mong makahanap ng love,
pero pakiramdam mo hindi ka lovable?
Iiwas ka sa connection.

Kahit gusto mong umasenso,
pero hanggang ngayon iniisip mong panggulo ka lang sa mundo?
Hindi mo aagapan yung opportunities.

Mindset mo ang nagtatakda ng kilos mo. At ang kilos mo, siya lang ang kayang bumuo ng bagong realidad.

So ngayon, tanungin mo sarili mo:

➡️ Ano ba ang paniniwala ko sa sarili ko na humihila sa akin pabalik?

➡️ At handa na ba akong palitan 'yon ng mas totoo, mas empowered na paniniwala?

Dahil baka hindi naman kulang ang pangarap mo…
Baka kulang lang ang tiwala mo sa sarili mong kakayahan.

💥 Change the story you tell yourself…
And the life you’re living will follow.

24/04/2025

❌ Akala mo business problem?
✅ Pero baka personal mindset issue lang talaga yan.

Late mag-submit ang team mo?
Laging palpak ang output?
Baka hindi business problem yan—baka leadership issue mo yan.
TOTOO NGA BA? 99% of business problems are personal problems in disguise.

Address

0367 Real Highway

4027

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Peso Mercado posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share