
15/03/2025
Libreng Serbisyong Medikal, Hatid ni Sol Aragones sa Cabuyao, Laguna
Cabuyao, Laguna – Daang-daang residente ang nakinabang sa libreng serbisyong medikal na isinagawa sa lungsod ng Cabuyao, sa pangunguna ni Gubernatorial Sol Aragones. Kasama niya sa programang ito si Laguna Board Member Christian Aguillo, gayundin ang iba pang opisyal ng lalawigan.
Sa ilalim ng programang ito, iba't ibang libreng serbisyong medikal ang naihatid sa mga mamamayan, kabilang ang konsultasyong medikal, dental check-up, at pamamahagi ng libreng gamot. Ang inisyatibong ito ay naisakatuparan sa tulong ng programang pangkawanggawa ni Senator Alan Peter Cayetano at ng kanyang pamilya, na patuloy na sumusuporta sa mga proyektong pangkalusugan sa bansa.
Dahil sa tagumpay ng programang ito, inaasahang magpapatuloy pa ang ganitong mga inisyatiba sa iba't ibang bahagi ng Laguna upang mas maraming mamamayan ang makinabang sa libreng serbisyong medikal.
Sol Aragones
AKAY ni SOL
GOByernong may SOLusyon
Si Sol Dapat
Calabarzon Today
South News Digest
The Kliping Times Online
South Pulse Times
Southpost PH
AkayniSol sa Muslim