Citizens Intersectoral Broadcasting Media Inc. - Calamba

Citizens Intersectoral Broadcasting Media Inc. - Calamba Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Citizens Intersectoral Broadcasting Media Inc. - Calamba, Media/News Company, Calamba.

07/07/2026
07/06/2026

π—ͺπ—”π—Ÿπ—”π—‘π—š π—‘π—”π—œπ—ͺ𝗔𝗑 !

CITY MAYORS NG LAGUNA, PASOK SA TOP-LIST RPMD GOVERNANCE SURVEY SA CALABARZON

Pasok ang ilang alkalde mula sa Laguna sa pinakahuling β€œBoses ng Bayan” Governance Assessment ng RPMD Foundation Inc., na sumusukat sa antas ng tiwala at pagganap ng mga lokal na punong ehekutibo sa CALABARZON.

Nanguna sa talaan si Calamba City Mayor Roseller "Ross" H. Rizall na nagtala ng 87.2% Index of Governance (IOG), bunga ng 86.8% Trust Rating at 87.6% Performance Rating. Siya ang kinilalang may pinakamataas na marka sa lahat ng city mayors sa rehiyon.

Kasunod nito, nakapasok din sa hanay ng mga top-performing city mayors si BiΓ±an City Mayor GEL Alonte , na nagtala ng 84.6% IOG, habang si Santa Rosa City Mayor Arlene B. Arcillas ay nakakuha ng 83.8% IOG.

Sa ikalawang bahagi ng ranking, pumuwesto si San Pedro City Mayor Art Mercado sa mga nangungunang alkalde sa rehiyon matapos magtala ng 81.6% IOG, mula sa 81.5% Trust Rating at 81.7% Performance Rating.

Hindi naman nabigo ang mga taga Cabuyao City dahil nakuha ni MAYOR Dennis DENHA Hain ang 78.9% IOG, na binubuo ng 78.6% Trust Rating at 79.2% Performance Rating.

Samantala, ang alkalde ng San Pablo City na si Mayor Najie Gapangada nasungkit agad ang ika-siyam na puwesto kahit na unang termino pa lamang nito bilang ama ng San Pablo . 75.8 % (index of governance) 75.4 ang trust at 76.3% ang performance

Ayon sa RPMD Foundation, isinagawa ang survey mula Abril 1 hanggang 8, 2026 sa pamamagitan ng kanilang independent at non-commissioned na β€œBoses ng Bayan” initiative. Kabuuang 5,000 respondent mula sa iba’t ibang lungsod sa CALABARZON ang personal na ininterbyu para sa pag-aaral.

Batay sa resulta, ipinakita ng mga lungsod ng Laguna ang matatag na antas ng tiwala ng publiko at positibong pagsusuri sa pamamahala ng kanilang mga lokal na pamahalaan, partikular sa larangan ng serbisyo publiko, imprastraktura, kaligtasan, at pangkalahatang pamumuno.

06/06/2026

Malaki raw mag tip ni Sen. Raffy Tulfo?

Kung totoo man, gusto lang natin itanong: pera ba talaga niya iyon, o bahagi rin iyon ng pondong nagmumula sa buwis ng taumbayan? At kung may mga ganitong usapin, makatarungan bang gamitin ito para magbigay ng espesyal na pabor sa ilang tao habang marami pa ring nangangailangan ng tulong?

ikaw ka-Boses ano komento mo dito, icomment mo naman sa ibaba at babasahin namin yan.

Video: CTTO

04/06/2026



DECEMBER 12, 2025| Via BNC| Pinky Webb on a news report: β€œHigit β‚± 120 MILLION PESOS ang natanggap na DONATION NI ERWIN TULFO para sa kanyang 2025 Senatorial campaign‼️ Napag-alaman ng Bilyonaryo News Channel na ang MGA DONOR AY KONEKTADO SA KONTROBERSYAL NA YAP BROTHERS..”
SEPTEMBER 10, 2025| Via Senate Blue Ribbon Committee Hearing| Ex-Marine Orly Regala Guteza: β€œAng isang ehemplo na nagdala ng pera ay si CONGRESSMAN ERIC YAP ng ACT-CIS Partylistβ€” 46 NA MALETA ANG DALA NIYA sa bahay ni Congressman Zaldy Co sa Valle Verde 6."

Ang PANAWAGAN po ay DAPAT IMBESTIGAHAN si ERWIN TULFO! COMELEC, OMBUDSMAN, and Senate Blue Ribbon Committee! Stop the SELECTIVE ACCOUNTABILITY!

BREAKING‼️[FULL LIST] RESOURCE PERSONS INVITED BY THE BLUE RIBBON COMMITTEEKabilang si dating House Speaker Martin Romua...
02/06/2026

BREAKING‼️
[FULL LIST] RESOURCE PERSONS INVITED BY THE BLUE RIBBON COMMITTEE
Kabilang si dating House Speaker Martin Romualdez sa mga inimbitahan sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay ng maanomalyang flood control projects sa Huwebes, Hunyo 4.
Imbitado rin ang tinaguriang β€œBrave 18” o mga dating sundalo, kasama ang kanilang legal counsel na si Atty. Levito Baligod. | News via SMNI New

02/06/2026

Video : Dr. Jose Rizal - The First Filipino

𝗣𝗒π—ͺπ—˜π—₯ π—£π—Ÿπ—”π—‘π—§ 𝗑𝗔 π—£π—”π—š-𝗔𝗔π—₯π—œ π—‘π—š π—£π—”π— π—”π—›π—”π—Ÿπ—”π—”π—‘, π—œπ—£π—œπ—‘π—”π—¦π—” 𝗦𝗔 𝗣π—₯π—œπ—•π—”π——π—’π—‘π—š π—¦π—˜π—žπ—§π—’π—₯Ang Caliraya-Botocan-Kalayaan (CBK) Hydroelectric Powe...
02/06/2026

𝗣𝗒π—ͺπ—˜π—₯ π—£π—Ÿπ—”π—‘π—§ 𝗑𝗔 π—£π—”π—š-𝗔𝗔π—₯π—œ π—‘π—š π—£π—”π— π—”π—›π—”π—Ÿπ—”π—”π—‘, π—œπ—£π—œπ—‘π—”π—¦π—” 𝗦𝗔 𝗣π—₯π—œπ—•π—”π——π—’π—‘π—š π—¦π—˜π—žπ—§π—’π—₯

Ang Caliraya-Botocan-Kalayaan (CBK) Hydroelectric Power Plants sa Laguna ay naibenta sa halagang β‚±36.266 bilyon matapos ang isinagawang bidding ng Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation (PSALM).

Nakuha ng Thunder Consortium, na binubuo ng Aboitiz Renewables Inc., Sumitomo Corporation, at Electric Power Development Co., Ltd. (J-POWER), ang kontrata matapos nilang magsumite ng pinakamataas na bid. Nalampasan nila ang alok ng FGKW Consortium na binubuo ng First Gen Prime Energy at Korea Water Resources.

Ang CBK hydro complex ay may kabuuang kapasidad na 797 megawatts (MW) at binubuo ng tatlong pasilidad: ang Caliraya Plant sa Lumban, Botocan Plant sa Majayjay, at Kalayaan Pumped-Storage Plant sa Kalayaan, Laguna.

Noong Pebrero 9, 2026, pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang opisyal na turnover ng pasilidad sa bagong operator.

Ayon sa pamahalaan, ang kikitain mula sa bentahan ay ilalaan sa pagbabayad ng mga natitirang obligasyong pinansyal ng PSALM at sa pagpopondo ng iba't ibang proyektong pampubliko gaya ng mga kalsada, paaralan, at ospital.

Ang bentahan ng isa sa pinakamalalaking hydroelectric facilities sa bansa ay nagbubukas ng usapin tungkol sa papel ng pribadong sektor sa pamamahala ng mahahalagang imprastraktura at ang pangmatagalang epekto nito sa industriya ng enerhiya sa Pilipinas.

  Ready naba kayo magBAGUIO with a friend?Nakapag-BOOK ka na ba? 🚌🌲ngayong Lunes June 1, na ang byahe ng CALAMBA, LAGUNA...
01/06/2026

Ready naba kayo magBAGUIO with a friend?

Nakapag-BOOK ka na ba? 🚌🌲
ngayong Lunes June 1, na ang byahe ng CALAMBA, LAGUNA - BAGUIO CITY, BENGUET, & VICE VERSA

πŸ“Œ CALAMBA - BAGUIO CITY
βœ… EXPRESS (via Dau, TPLEX Urdaneta)
P952 One-way Fare
βœ… INNER CITIES (via Dau, SCTEX Luisita)
P912 One-way Fare

02:00 AM - First Trip
04:00 AM
05:00 AM
06:30 AM
08:00 AM
10:30 AM
12:30 PM
02:00 PM
04:30 PM
07:30 PM
09:00 PM
11:30 PM - Last Trip

πŸ“Œ BAGUIO CITY - CALAMBA
βœ… EXPRESS (via TPLEX Urdaneta, Dau)
P952 One-way Fare
βœ… INNER CITIES (via SCTEX Luisita, Dau)
P912 One-way Fare

02:00 AM - First Trip
03:30 AM
04:30 AM
07:30 AM
09:30 AM
11:00 AM
02:00 PM
04:00 PM
06:00 PM
07:00 PM
09:00 PM
10:30 PM - Last Trip

βœ… Deluxe buses with Comfort Room
βœ… Comfortable 2x2 reclining seats
βœ… With USB charging ports
*Daily trip schedule may change without prior notice.
Para sa iba pang impormasyon, bisitahin ang page ng HM Transport, Inc.


01/06/2026

MAGKASINTAHAN NATAGPUANG WALA NANG BUHAY SA APARTMENT SA BRGY. PARIAN

Isang magkasintahan ang natagpuang wala nang buhay sa loob ng kanilang tinutuluyang apartment sa Brgy. Parian. Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente upang matukoy ang sanhi ng kanilang pagkamatay.

Patuloy naming babantayan at ihahatid ang mga susunod na detalye kaugnay ng pangyayaring ito.

γ‚šviralγ‚·

Address

Calamba
4027

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Citizens Intersectoral Broadcasting Media Inc. - Calamba posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share