Go Kiven

Go Kiven Dreamer/for entertainment only

Scientists have developed a promising male birth control injection that could offer protection for up to two years by te...
24/07/2025

Scientists have developed a promising male birth control injection that could offer protection for up to two years by temporarily halting s***m production. Unlike permanent procedures like vasectomies, this method is reversible and doesn’t require the daily maintenance of pills or condoms. The injection is in advanced clinical trials and shows strong early results, suggesting it may soon provide a viable, non-permanent alternative for men looking to delay or avoid fatherhood.

Researchers say this could be a game-changer in promoting more shared responsibility in birth control, potentially reshaping societal expectations around contraception. Though long-term safety data is still being gathered, experts are optimistic. If approved, the shot could expand reproductive options and encourage a more balanced approach to family planning.

Sources: Science Daily, The Guardian, Nature Reviews Urology

Huwag sunugin ang kahon ng itlog para lang mapalayas ang mga lamok.Masama ang epekto nito sa kalusugan ng sinumang makal...
02/07/2025

Huwag sunugin ang kahon ng itlog para lang mapalayas ang mga lamok.
Masama ang epekto nito sa kalusugan ng sinumang makalanghap ng usok nito.

Bumisita ako sa isang kaibigan na naospital ng isang linggo. Tinanong ko siya kung ano ang sakit niya. Sabi niya, impeksyon daw sa baga. Nung kinulit ko pa siya, sinabi niyang ang sanhi ng pagkakasakit niya ay ang pagsunog ng kahon ng itlog.

Tuwing gabi raw, sinusunog niya ang mga kahon ng itlog para mapaalis ang mga lamok. Dahil doon, sumasakit ang dibdib niya at mismong doktor ang nagsabing iyon nga ang dahilan ng kanyang sakit.

Napapasok daw sa baga ang mga mikrobyo mula sa usok. Delikado ang sunog mula sa mga kahon ng itlog para lang sa lamok. Buti na lang at maaga ko itong nalaman, dahil mahilig din akong magsunog nito dahil sa makapal na usok.

3 Delikadong Epekto ng Pagsusunog ng Kahon ng Itlog:
1. Naglalabas ng Nakalalasong Usok
Ang mga kahon ng itlog ay gawa sa mga recycled na materyales na maaaring may halong kemikal, pandikit, o tinta.
Kapag sinunog, ito ay naglalabas ng nakalalasong usok na naglalaman ng mga mapanganib na sangkap tulad ng:

Carbon Monoxide (CO)

Pinong Partikulo (PM2.5)

Benzene

Formaldehyde

Posibleng epekto ng matagalang paglanghap ng usok:

Talamak na ubo

Lumalalang hika

Bronchitis

Impeksyon sa baga

Panganib ng chronic obstructive pulmonary disease (COPD)

2. Nakakasira sa Baga
Ang usok mula sa kahon ng itlog ay maaaring magdulot ng:

Hirap sa paghinga

Matagal na pag-ubo

Impeksyon sa baga

Kung palagi kang naa-expose dito, mas mataas ang panganib ng chronic lung disease at kanser sa baga.

3. Mapanganib para sa Kalusugan ng Bata at Matatanda
Mas sensitibo sa maruming hangin ang mga bata at matatanda.
Maaaring lumala ang hika at pneumonia sa kanila, at mas madali silang tamaan ng sakit dahil mahina ang kanilang resistensya.

Mga panganib:

Hirap sa paghinga

Pulmonya

Pagkakaroon ng peklat sa baga

Babala: Hindi lahat ng mabisa sa lamok ay ligtas sa katawan.
Mag-ingat at iwasan ang pagsusunog ng mga bagay na maaaring makasama sa kalusugan ng pamilya mo.

Ctto

‼️"MAG-ARAL NA MAGING KURIPOT, UPANGSA HULI AY MAS MAKAPAGBIGAY AT MAKATULONG SA TAMANG KAPARAANAN"Lahat gustong pag-usa...
18/06/2025

‼️"MAG-ARAL NA MAGING KURIPOT, UPANG
SA HULI AY MAS MAKAPAGBIGAY AT MAKATULONG SA TAMANG KAPARAANAN"

Lahat gustong pag-usapan ang pagiging mapagbigay.
"Be kind, be generous, share your money!"

Pero ang hindi sinasabi ng karamihan ay ito:
Kung hindi ka marunong maging kuripot, hinding-hindi ka yayaman.

Ang pagiging “kuripot” ay hindi pagiging madamot o cheap.
Ito ay tungkol sa pagprotekta ng iyong pera—parang isang Lion na pinaprotektahan ang kanyang mga anak.

Bakit nga ba ang pagiging kuripot ay isang secret weapon ng bawat successful na tao:

1.) Ang Kuripot ang May Control sa Pera—Hindi Baliktad.
Kung gastos ka nang gastos na parang libre lang, hawak ka ng pera mo.
Ang mga kuripot, hindi hinahayaang dumulas ang pera sa kamay nila.
Nagba-budget sila, may plano, at ginagastos lang kung talagang kailangan.

2.) Ang Kuripot ang Mas Malaki ang Na-iipon, Na-iinvest, at Yumayaman agad.
Yung mga sobrang mapagbigay kahit walang plano? Laging broke.
Ang mga kuripot, masipag mag-ipon, magaling mag-invest, at tahimik lang sa pagyaman.
Ang “pagiging kuripot” na ‘yan ang pundasyon ng kayamanan nila.

3.) Ang Kuripot ang Mas Marunong Magpahalaga sa Pera.
Kapag kuripot ka, dalawang beses kang mag-iisip bago bumili.
“Kailangan ko ba talaga ‘to?”
“Makakatulong ba ‘to sa pagyaman ko o pansamantalang luho lang?”
Ang ganitong mindset, ginagawang malaking tagumpay ang maliliit na desisyon.

4.) Umiiwas sa Utang ang Mga Kuripot.
Gusto mong yumaman? Iwasan mo ang utang.
Ang kuripot, hindi nangungutang para sa walang kwentang bagay.
Nabubuhay sila below their means, at nag-iipon muna bago gumastos.

5.) Ang Kuripot ay Nakafocus sa Long-Term Goals, Hindi sa Pansamantalang Sarap.
Ang mayayaman marunong maghintay.
Hindi agad bumibili ng mamahaling gadgets, party dito, gastos doon.
Alam nila na ang maliliit na sakripisyo ngayon = malaking rewards bukas.

6.) Ang Kuripot ang May Disiplina at Mental Toughness.
Hindi madali maging kuripot.
Kailangan mong labanan ang peer pressure.
Kailangan mong i-ignore ang “YOLO” mentality.
Pero dito nabubuo ang disiplina—na siyang #1 ugali ng mga mayayaman.

7.) Ang Kuripot nag-iisip bilang Investor, Hindi bilang Consumer.
Hindi sila bumibili para lang sumaya saglit.
Bumibili sila ng bagay na pwedeng dumoble ang pera nila o makapag-improve sa skills nila.
Itong shift sa mindset ang pinakamabilis na daan paalis sa kahirapan.

8.) Ang Kuripot ay Hindi Basta-Basta Nagpapagamit sa Iba.
Kung sobrang mapagbigay ka, dadagsain ka ng mga parasites at scammer.
Ang kuripot, mapili kung sino lang ang may access sa pera nila.
Nagbibigay sila—pero kailangan may saysay.

9.) Ang Kuripot? Hindi ‘Yan Masamang Salita—Sekreto ‘Yan ng mga Mayayaman.
Maganda ang generosity—pero dapat AFTER ka nang maging financially stable.
Habang nagbubuo ka pa ng yaman mo, ang pagiging kuripot ay tanda na seryoso ka sa future mo.

10.) Ang Pinakamayayamang Tao sa Mundo? Kuripot Sila.
Tulad nila Bill Gates. Warren Buffett. Elon Musk.
Hindi sila basta-basta gumagastos sa mga nonsense na bagay.
Nag-iinvest, nag-iipon, nagpo-protect,
Kaya sila lalong yumayaman.

Ang totoo?
Kung gusto mong yumaman, sanayin mong matawag kang kuripot.
Huwag kang mahiya na protektahan ang pera mo.
I-protekta mo. Iparami mo. Ipalago mo.

Dahil kung hindi mo nirerespetu ang pera mo—hindi ka rin nito rerespetuhin nito.

Ctto

25/05/2025

Naging mabuti ka sa kanila, pero wag kang mag expect na ganun din sila sayo. Hindi lahat ng taong kaharap mo kagaya ng puso mo.

24/05/2025

Kailangan nating magtagumpay sa buhay kase iba ang trato satin pag wala tayong pera.

Parateng may kakambal na sumbat ang bawat pag hingi ng tulongKaya kung hihingi ka ng tulong asahan mo kundi man ngayon o...
20/05/2025

Parateng may kakambal na sumbat ang bawat pag hingi ng tulong

Kaya kung hihingi ka ng tulong asahan mo kundi man ngayon o bukas darating ang panahon na isusumbat yan sayo

Payo ko sayo, paka tatag ka lang, alam ko naman hindi ka hihingi ng tulong kung kaya mo, sadyang yun lang ang option ng mga panahon na yun kaya kinailangan mo sila, kaya wag kang magalit sa kanila o sa sarili mo, nangyayare yan sa lahat ng tao

19/05/2025

3 times a day pala dapat kumain, akala ko walo.

15/05/2025

Sa jeep bawal makita ang panty, sa beach pwede.

13/05/2025

ANO MAN ANG MAGING RESULTA NG BILANGAN, WALA NA TAYONG MAGAGAWA,
MAHAL MO NA.

Address

Calapan

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Go Kiven posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Go Kiven:

Share