30/09/2025
KNOW YOUR SB MEMBER: Hon. Leandro ‘Donjay’ P. Panganiban, III
“Bilang lingkod-bayan, aking isinusulong ang adbokasiyang nakatuon sa pangangalaga ng ating pangisdaan at yamang tubig para sa kasalukuyan at mga susunod na henerasyon; pagpapaigting ng kalusugan at kalinisan sa pamamagitan ng malinis na tubig, maayos na sanitation, at libreng serbisyong medikal para sa lahat; at pagpapaunlad ng lokal na turismo, kooperatiba, at mga programang pangkabuhayan upang makalikha ng mas maraming oportunidad at mapaunlad ang ekonomiya ng Pola. Sa integridad at malasakit, ninanais kong gawing masigla, malusog, at may pantay na pagkakataon ang ating bayan para sa bawat Poleño.”
Kasama natin ang ating SB Members sa pagtupad ng pangarap para sa Pola. 💚