23/11/2025
ANG TAONG WALANG UTANG NA LOOB KAY ALLAH AY ANG TAONG BINIBILANG ANG PAGSUBOK AT NAKAKALIMUTAN ANG BIYAYA❗❗❗
👉Sinabi ni Allah: "Katunayan, ang tao ay walang utang na loob sa kanyang Panginoon" Surah Al-'Aadiyat: 6
Sila yaong dinatnan ng isang pagsubok ay nagdadabog o nagsasalita ng di maganda tulad ng:
Bakit ako pa?!
Mabuting tao naman ako at matulungin❗
-Pambihirang buhay ito❗
Ngunit kinalimutan nila ang milyong biyaya na Ipinagkaloob ni Allah❗❗❗
👉Kaya sinuman ang mapoot sa pagsubok ay Mapopoot sa kanya si Allah❌
👉 Sinabi ng Propeta: "Katunayan si Allah, Kapag Minahal Niya ang Isang pangkat sila ay Kanyang Padadaanin sa pagsubok. Sinuman ang malugod sa pagsubok, mapapasakanya ang Kaluguran ni Allah. Ngunit, SINUMAN ANG MAGALIT (Mapoot) SA PAGSUBOK AY MAPASAKANYA ANG GALIT NI ALLAH"❗
👉👉Kuwento ng sinaunang mananampalataya na may ketongin, bulag at paralisado ang kamay at paa, Ganun pa man siya ay mapasalamatin kay Allah at kanyang sinabi: “Ako ay naging matiwasay (ligtas) sa maraming pagsubok na dinaranas ng mga tao at ginawa Niya akong mainam.
May nagsabi: Saan ka naging matiwasay? Eh bulag ka na nga, ketongin at paralisado?
Kanyang sinabi: Pinagkalooban Niya ako na maging maalalahanin sa Kanya, pusong mapagpasalamat sa Kanya at katawan na nagtitiis sa mga pagsubok.”
PINAGKUHANAN SA USAPIN:
قَالَ تَعَالٰى : ﴿ إِنَّ الْإِنسَانَ لِرَبِّهِ لَكَنُودٌ ﴾ سورة العاديات ، رقم الآية : ٦
حديث: "إذا أحب قوما ابتلاهم، فمن رَضِيَ فله الرِضا، ومن سَخِطَ فله السُّخْطُ"
👉 Zulameen Sarento Puti