Chief JAB

Chief JAB Confidently beautiful, proudly wearing the badge ๐Ÿ‘ฎ๐Ÿป๐Ÿ’™

08/06/2026
09/05/2026
28/04/2026

POLICE DUO, NAGSALBA SA BUHAY NG ISANG BABAE SA TINEG, ABRA

Isang mabilis at maagap na pagtugon ng dalawang pulis ang nagligtas sa buhay ng isang babae matapos mawalan ng malay at hirapang huminga sa Brgy. Caganayan, Tineg, Abra, hapon noong Abril 24, 2026.

Bandang 4:30 PM, agad na rumesponde ang mga tauhan ng Tineg Municipal Police Station matapos makatanggap ng tawag hinggil sa isang babaeng nasa kritikal na kondisyon dahil sa iniindang sakit.

Hindi nagdalawang-isip sina PSSg Cris Mark Tandingan at PCpl Joe Mark Madiam na agad puntahan ang lugar. Sa kanilang pagdating, mabilis nilang sinuri ang sitwasyon at, sa kabila ng hamon sa lokasyon at kondisyon ng pasyente, maingat nilang binuhat ang babae mula sa kanilang tahanan upang madala sa agarang lunas.
Isinugod siya ng mga pulis sa pinakamalapit na klinika at nanatili sa kanyang tabi hanggang sa siya ay maging stable, bago tuluyang inilipat sa Abra Provincial Hospital para sa mas masusing gamutan.

Ayon kay PNP Chief, Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr., โ€œSa mga ganitong pagkakataon, ang pulis ay katuwang ng bawat Pilipino sa oras ng pangangailangan. Ito ang tunay na diwa ng serbisyoโ€”handang kumilos, handang tumulong, at handang magligtas,โ€ ani PGen Nartatez.

Ang insidenteng ito ay muling nagpapatunay sa dedikasyon ng kapulisan handang tumugon, handang tumulong, at handang magmalasakit anumang oras.

Sa ilalim ng mas pinatibay na direksyon ng kapulisan, patuloy na isinasabuhay ang Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.

(PNP-PIO)

Address

Suqui
Calapan

Telephone

+639954241086

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Chief JAB posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Chief JAB:

Share