Ang Lampara

Ang Lampara ๐€๐๐† ๐‹๐€๐Œ๐๐€๐‘๐€ - The official student publication of Luna Goco Colleges Inc. Tertiary level/College Department

๐Ÿ“ฃ ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—”๐—ช๐—”๐—š๐—”๐—ก: ๐—ง๐˜‚๐—น๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ก๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐—ด๐˜†๐—ผPatuloy ang pagharap ng maraming komunidad sa ating probinsya sa matin...
24/07/2025

๐Ÿ“ฃ ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—”๐—ช๐—”๐—š๐—”๐—ก: ๐—ง๐˜‚๐—น๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ก๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐—ด๐˜†๐—ผ

Patuloy ang pagharap ng maraming komunidad sa ating probinsya sa matinding pinsalang dulot ng Bagyong Crising, Dante, at Emong. Sa gitna ng kanilang pagsubok, sama-sama tayong maging liwanag at pag-asa.

๐™ˆ๐™–๐™œ๐™—๐™ž๐™œ๐™–๐™ฎ. ๐™ˆ๐™–๐™ ๐™ž๐™—๐™–๐™๐™–๐™œ๐™ž. ๐™ˆ๐™–๐™œ๐™ข๐™–๐™ก๐™–๐™จ๐™–๐™ ๐™ž๐™ฉ.

Kahit maliit na tulong ay malaking bagay.
๐Ÿ“ฆ Donasyon | ๐Ÿš Pagkain | ๐Ÿงผ Hygiene kits | ๐Ÿ’Š Medicines and First aid kits | ๐Ÿ’ฐ Tulong Pinansyal

๐Ÿ“Makipag-ugnayan sa mga numerong nasa ibaba para sa detalye kung paano makatulong.

๐——๐—ฎ๐—น๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐˜†, ๐—๐—ผ๐—ฏ๐—ต๐—ฒ๐—น - ๐Ÿฌ๐Ÿต๐Ÿฒ๐Ÿญ๐Ÿฒ๐Ÿญ๐Ÿฎ๐Ÿด๐Ÿฒ๐Ÿด๐Ÿฌ
๐—š๐—ฎ๐—ฟ๐—ฐ๐—ถ๐—ฎ, ๐—ง๐—ฒ๐—ฟ๐—ฟ๐—ฒ๐—ป๐˜€ - ๐Ÿฌ๐Ÿต๐Ÿต๐Ÿต๐Ÿฑ๐Ÿฌ๐Ÿฒ๐Ÿณ๐Ÿณ๐Ÿณ๐Ÿฒ

Maraming salamat po!

Dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan dulot sa magkakasunod na bagyong Crising, Dante, at Emong, itinaas na sa kritikal n...
24/07/2025

Dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan dulot sa magkakasunod na bagyong Crising, Dante, at Emong, itinaas na sa kritikal na lebel ng PAGASA ang buong probinsya ng Mindoro, pasado alas otso ng umaga , July 24 taong kasalukuyan.

Inaasahan ang lalong pag-apaw ng tubig o mga pagbaha, maging ang pagguho ng mga lupa kung kaya't pinapaalalahanan ang mga residente na lumikas lalong higit sa mga nasa mabababang lugar.

Ibayong pag-iingat at paghahanda para sa lahat. Manatiling alerto sa mga susunod pang anunsyo ng mga ahensya ng gobyerno.

Piliin ang tamang sagot:a.Walang pasokb.Walang baonc.Walang kayoWalang klase? Kayang-kaya.Walang baon? Ibang laban 'yan....
22/07/2025

Piliin ang tamang sagot:
a.Walang pasok
b.Walang baon
c.Walang kayo

Walang klase? Kayang-kaya.
Walang baon? Ibang laban 'yan.
Walang kayo? Aray ko!

Choose wisely.
Te minsan, โ€œwalang pasokโ€ ay equal din sa โ€œwalang baonโ€, pero mas masakit kung wala ka na ngang baon tapos may pumapasok pa sa puso mo kahit โ€œwalang kayoโ€.

Stay safe & syempre dry, katulad ng convo niyo ๐Ÿ˜œ๐Ÿ’‹

๐˜ฟ๐™„๐™Ž๐˜พ๐™‡๐˜ผ๐™„๐™ˆ๐™€๐™: This post is intended for entertainment purposes only. This is meant to bring humor and joy. Humor is subjective, no offense is intended. Enjoy responsibly!

Ilang klase at opisina ng gobyerno, SuspendidoNaglabas ng Memorandum Circular No. 90 ang opisina ng Pangulo ngayong ika-...
22/07/2025

Ilang klase at opisina ng gobyerno, Suspendido

Naglabas ng Memorandum Circular No. 90 ang opisina ng Pangulo ngayong ika-22 ng Hulyo na nagtatakda ng suspensyon ng trabaho sa pamahalaan at klase sa lahat ng antas sa mga lugar na matinding naapektuhan ng malakas na pag-ulan na dulot ng habagat at epektibo bukas, ika-23 ng buwan.

Ayon sa sirkular, ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang nagrekomenda ng pagpapatupad ng suspensyon dahil sa epekto ng patuloy na malakas na pag-ulan at baha sa ilang lugar.

Kabilang sa mga lugar na sakop ng suspensyon ng mga opisina ng pamahalaan at klase sa lahat ng antas ng mga sumusunod: Metro Manila, Pangasinan, Zambales, Tarlac, Bataan, Pampanga, Bulacan, Cavite, Batangas, Rizal, Occidental Mindoro, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Quezon, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, Masbate, Sorsogon, Albay, Camarines Sur, Catanduanes, Palawan, Antique, Aklan, Capiz, Iloilo, Guimaras, Abra, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Nueva Vizcaya, Nueva Ecija, Laguna at Negros Occidental.

Nilinaw rin sa memorandum na patuloy ang operasyon at duty ng ilang mga ahensya na responsable para sa basic, vital at health services, preparedness at response sa sakuna upang masiguro ang kaligtasan ng mga mamamayan.

Maaaring namang ipatupad ng mga Local Chief Executives ng bawat rehiyon ang suspenyon ng klase at trabaho sa pamahalaan alinsunod sa batas, tuntunin at regulasyon.

Samantala, nakasalalay sa mga heads ang pagpapatupad para sa mga pribadong kumpanya at opisina ang suspensyon ng kanilang trabaho.

Pacquiao vs. Barrios : Laban na Walang Talunan!Hindi lamang isang laban ang pagbabalik ni Manny Pacquiao sa ring matapos...
20/07/2025

Pacquiao vs. Barrios : Laban na Walang Talunan!

Hindi lamang isang laban ang pagbabalik ni Manny Pacquiao sa ring matapos ang apat na taong pagkawala; kundi isang malakas na pahayag.

Sa paghaharap niya kay Mario Barrios, isang mas bata at mas malakas na kalaban, pinatunayan ng 46-taong-gulang na alamat na ang edad ay isang numero lamang.

Majority draw, bagama't hindi isang tagumpay sa mga scorecards, nagpatibay naman ito sa kanyang posisyon bilang isang alamat sa boksing, isang patunay sa kanyang di-kumukupas na galing at di-matitinag na determinasyon.

Ang kanyang pamana ay lumalampas sa mga panalo at pagkatalo. Higit pa ito sa isang marka ng tagumpay, ito ay isang simbolo ng kanyang dedikasyon sa isport at sa bayan.

๐ŸŒŸ From the heart of MIMAROPA to the global stage โ€” Luna Goco Colleges, Inc. has proven that dedication, innovation, and ...
10/07/2025

๐ŸŒŸ From the heart of MIMAROPA to the global stage โ€” Luna Goco Colleges, Inc. has proven that dedication, innovation, and a strong educational spirit can shine beyond borders. ๐Ÿ†

Now ranked 7th in the entire MIMAROPA region, LGC, Inc. continues to inspire change and lead with purpose โ€” not just locally, but globally recognized for its innovative contributions in education.

This achievement is a celebration of every student, educator, and leader who dared to dream big and work even harder. Together, we are building a future that uplifts not only our region but the world. ๐Ÿ’š๐Ÿ’›

Hereโ€™s to more milestones, more breakthroughs, and a legacy of excellence. โœจ

๐—ฃ๐—ฅ๐—˜๐—Ÿ๐—œ๐— ๐—ฆ ๐—ช๐—˜๐—˜๐—ž ๐—ก๐—”?๐—ฌ๐—˜๐—ฆ! ๐—ฃ๐—ฅ๐—˜๐—Ÿ๐—œ๐— ๐—ฆ ๐—ช๐—˜๐—˜๐—ž ๐—ก๐—”!Gear up LGCian's dahil muli nanaman tayong sasabak sa first exam week this semester...
06/07/2025

๐—ฃ๐—ฅ๐—˜๐—Ÿ๐—œ๐— ๐—ฆ ๐—ช๐—˜๐—˜๐—ž ๐—ก๐—”?
๐—ฌ๐—˜๐—ฆ! ๐—ฃ๐—ฅ๐—˜๐—Ÿ๐—œ๐— ๐—ฆ ๐—ช๐—˜๐—˜๐—ž ๐—ก๐—”!

Gear up LGCian's dahil muli nanaman tayong sasabak sa first exam week this semester!! Kaya bang makasurvive sa prelims exams?

With countless all nighters, makakapal na reviewers, and study sessions, for sure kakayaning makaligtas this week! Please don't forget to bring your permits, ballpens, and ang utak before taking your tests!

Goodluck LGCian's!๐Ÿ’š๐Ÿ’›

29/06/2025

A glimpse of CSBO election held on June 28, 2025 from the casting of votes to the meticulous counting process, and culminating in the official declaration of winners โ€” today marked a significant milestone in student leadership.

Attention LGCians!Please be informed that the official student elections will take place on Saturday, June 28, 2025.In l...
27/06/2025

Attention LGCians!

Please be informed that the official student elections will take place on Saturday, June 28, 2025.

In line with this, to ensure a smooth and orderly voting process, designated rooms have been assigned for each department. Kindly proceed to your respective departmentโ€™s voting room on the day of the election. We highly encourage your active participation. LGCians, see you there!

Be part of the change, LGCians! ๐Ÿ’ฌGet ready to meet your future CSBO student leaders for the upcoming Meeting de Avance i...
26/06/2025

Be part of the change, LGCians! ๐Ÿ’ฌ

Get ready to meet your future CSBO student leaders for the upcoming Meeting de Avance in the LGC Gymnasium tomorrow, June 27, 2025, from 1:00 to 3:00 pm.

Hear their platforms, ask questions, and make informed choices.

Your voice. Your vote. Your future. ๐Ÿ—ณ๏ธ

Are you ready to be part of the Ang Lampara Family? Don't miss the Official Formal Screening. Join us on Wednesday, June...
24/06/2025

Are you ready to be part of the Ang Lampara Family? Don't miss the Official Formal Screening. Join us on Wednesday, June 25, 2025, 9:00 AM - 12:00 PM at the LGCI Audiovisual Room (AVR). See you! โœจ๐Ÿ’š๐Ÿ’›

Today, we commemorate the birth of our nation and the valor of those who fought for our freedom. Sa bawat LGCians, nawa'...
12/06/2025

Today, we commemorate the birth of our nation and the valor of those who fought for our freedom.

Sa bawat LGCians, nawa'y magsilbing paalala ang araw na ito ng ating kakayahang magkaisa, magmahal sa bayan, at maghangad ng tunay na pagbabago.

Padayon tayong lahat sa paghangad ng paglilingkod, at pagbuo ng mas malaya at maunlad na bansang Pilipinas.

Mabuhay ang Kalayaan!

Address

Lalud
Calapan
5200

Opening Hours

Monday 7am - 5pm
Tuesday 7am - 5pm
Wednesday 7am - 5pm
Thursday 7am - 5pm
Friday 7am - 5pm
Saturday 7am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Lampara posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Ang Lampara:

Share