
24/12/2023
💖
ANONG KWENTONG G.E. MART MO?
Kapag isinasama ako ng nanay ko sa bayan 'nung bata pa ako, diyan kami namimili. Grocery sa baba, school supplies sa taas. Meron pa yata sa third floor, hindi ako sigurado, hanggang second floor lang ang alam kong napuntahan namin.
Pagkatapos mag-grocery diyan, iiwan ako dun sa mismong harap, katabi ng bagger sa may entrance. Hindi ako sigurado kung saan papunta ang nanay ko, baka sa wet market sa lumang palengke at mag-iikot ikot ng mga iba pang bibilhin, basta ang bilin niya ay ganito:
"Dito ka lang, 'wag kang aalis. Dito mo ako hihintayin"
"Pag may lumapit sa iyo at nagbgay ng kendi, wag mong tatanggapin"
"Hindi kita ipasusundo sa kahit na sino, ako ang hihintayin mo dito. Huwag kang sasama sa kahit kanino"
Ganyan ang kabilin-bilinan.
Ay bakit baga naman, ang tagal bago bumalik? Parang may isang oras akong nkatayo diyan. Minsan uupo na sa gutter. Pero napakasaya pag tanaw ko nang parating ang nanay ko.
Marami siyang dala sa magkabilang kamay, at tutulungan ko siyang bitbitin ang naggrocery namin hanggang sakayan.
Siguro kaya ako iniiwan sa may GE Mart ay dahil masikip at madulas pa noon ang lumang palengke, at intindihin pa ako pag nagpa-ikot ikot kami eh anliit ko pa noon. Siguro ay nakita niyang mas safe na iwan na lang muna ako doon sa may GE Mart dahil laging may mabait na guard sa may harapan.
Nakakatuwang ireminisce ang ganitong experiences. Kaya miski magsulputan pa diyan ang mga malls, ay may special na lugar sa puso naming mga batang iniiwan sa GE Mart ang lugar na ito. Dito kami naghihintay. Nangalay man, ligtas namang binabalikan.
Thank you, GE Mart. 💛
[Photo from GE Mart, Inc]