06/06/2025
πππ ππππππ ππ ππ-ππππ ππ ππππ πππππππππ ππππ ππ πππ ππππππππππ π
πππ ππ ππππππ πππππ
Isinagawa kamakailan lamang ang isang Exit Conference for the Validation, Assessment, and Evaluation of Farm to Market Roads sa ilang bayan sa lalawigan ng Kanlurang Mindoro na pinangunahan ng mga kawani ng Department of Agriculture - Philippine Rural Development Project (PRDP) at ng ating Pamahalaang Panlalawigan na ginanap sa PGO San Jose sub-office.
Personal na dumalo sa nasabing pagpupulong si PGO SAMARICA Executive Assistant II June V. Lee bilang representante ng ating butihing Gobernador Eduardo B. Gadiano, natalakay sa nasabing pagpupulong ang isasagawang konstruksyon ng Farm to Market Road sa Barangay Aguas sa bayan ng Rizal at sa Barangay Elvita-Claudio Salgado sa bayan naman ng Sablayan. Tinatayang aabot sa mahiigit apat na kilometro ang ipapagawang FMR sa Brgy. Aguas samantalang nasa siyam na kilometrong FMR naman sa barangay Elvita - Claudio Salgado. Ayon pa sa nasabing pagpupulong ay on-going na sa kasalukuyan ang proyektong FMR sa bayan ng Rizal samantalang pinoproseso naman ang mga kaukulang dokumento para sa bayan ng Sablayan, inaasahan na itong taon na ito ay matatapos ang FMR na proyekto sa bayan ng Rizal na aabot msa mahigit 214M ang pondong inilaan.
Dumalo sa nasabing pagpupulong ang mga kawani ng DA-PRDP Project Coordination Office, Project Support Office, Regional Project Coordination Office at ang Provincial Project Management and Implementing Unit of Occidental Mindoro
CCTO
PIO Occidental Mindoro