08/10/2026
MAGANDANG OPORTUNIDAD:PWEDENG PWDE KA NANG MAGING SHAREHOLDER NG MYNT IPO SA HALAGANG โฑ6.60 GAMIT ANG IYONG GCASH MULA OCT.6 HANGGANG OCT.12 TAONG KASALUKUYAN.
ORIENTAL MINDORO โ Matagumpay na naitakda ang pinal na presyo para sa Initial Public Offering (IPO) sa Philippine Stock Exchange (PSE) ng Mynt, Inc. sa pamamagitan ng GCASH.
Sa isinagawang bookbuilding process, inanunsyo ng Mynt na ipagbibili ang kanilang mga karaniwang share sa halagang โฑ6.60 bawat isa. Itoโy naglalayong lumikom ng hanggang โฑ53.0 bilyon para sa 8,027,409,600 firm shares. Kung maisasakatuparan kasama ang overallotment option, ang kabuuang halaga ng alokasyon ay maaaring umabot sa โฑ60.9 bilyon, na siyang magiging pinakamalaking IPO sa kasaysayan ng pamilihan ng kapital sa Pilipinas.
Samantala,ayon sa datus ng pamunuan ng Mynt, may malakas na demand ang bookbuilding process na nagresulta sa pagiging multiple times oversubscribed mula sa mga lokal at dayuhang institusyonal na mamumuhunan. Mataas man ang interes mula sa malalaking korporasyon, tiniyak ng kumpanya na magkakaroon ng sapat na alokasyon para sa mga retail investors o ang mga ordinaryong mamamayang gumagamit ng aplikasyon araw-araw.
"Ang lalim at kalidad ng demand na aming nakita sa prosesong ito ay sumasalamin sa tiwala ng mga investor sa kuwento ng paglago ng Mynt," pahayag ni Evelyn Ng, Chief Finance Officer ng Mynt. "Ito ay patunay na nananatili kami sa aming layunin na 'Finance for All'.
Inilabas na rin ng Mynt ang opisyal na kalendaryo para sa mga nais lumahok sa pagbili ng mga share:
Oktubre 6, 2026 (8:00 AM): Simula ng Public Offer Period
Oktubre 12, 2026 (12:00 PM): Wakas ng Public Offer Period
Oktubre 12, 2026: Araw ng Settlement
Oktubre 20, 2026: Opisyal na Listing Date sa PSE sa ilalim ng trading ticker na GCASH
Malaking oportunidad para mag-invest , ang minimum na transaksyon ay itinakda sa 1,000 common shares. Sa presyong โฑ6.60 bawat share, kakailanganin ng panimulang kapital na โฑ6,600 (hindi pa kabilang ang mga trading fees at buwis). Maaaring isagawa ang pag-subscribe sa pamamagitan ng GStocks PH sa loob mismo ng GCash app, o gamit ang PSE EASy portal para sa mga may umiiral nang account sa mga accredited online stockbrokers tulad ng COL Financial at BDO Securities.