23/08/2025
๐ฃ๐ญ๐ต๐ฎ.๐ต ๐ ๐๐๐๐๐ข๐ก ๐ฅ๐ข๐๐ ๐๐๐๐ ๐ฆ๐ ๐ก๐๐จ๐๐๐ก ๐ก๐ "๐๐ข๐ ๐ฃ๐๐๐ง๐๐" ๐ก๐ ๐๐๐ฃ๐๐ง, ๐๐๐ก๐๐ ๐ ๐๐๐๐ก๐๐ฃ ๐ก๐ ๐ ๐๐ ๐ง๐๐๐ ๐๐๐ฅ๐๐ก๐๐๐ฌ
Ideneklarang tapos na pero hindi mahanap ng mga taga barangay ang halos P193 Million na d**eng pinatayo sa Mag-asawang Tubig River, Sitio D**e, Barangay Apitong Naujan, Oriental Mindoro batay sa impormasyon mula sa sumbong sa pangulo website.
โ
โPero punto ni Senador Panfilo Lacson sa kanyang previledge speech, completed na umano ang nasabing project ngunit ng puntahan ng kanyang team ang lugar, wala umanong makitang nakatayong d**e.
โ
โPinatotohanan ito ni Mel Eleponga, Kapitan ng Barangay Apitong. Maging sila ay walang makitang nakatayong d**e sa kanilang lugar.
โ
โAyon naman kay Oriental Mindoro Governor Humerlito "Bonz" Dolor hindi lang daw ito ang nawawalang proyekto sa lalawigan. Hindi rin daw nila mahanap ang apat (4) sa anim (6) na proyektong nakalista sa 2024 at 2025 General Appropriations Act (GAA) na may kabuuang halaga na umaabot sa lagpas 1 BILLION piso.
โ
โSa 2024 budget nakalista ang P500 Million halaga ng dalawang (2) road d**e esplanade construction project para sa Sitio D**e base sa GAA 2024. Nang silipin naman ang GAA 2025 may tatlo pang proyekto na nagkakahalaga ng P900 Million proyekto sa Barangay Apitong . Dalawa lamang ang natunton na parehong nasa Sitio Isidro.
โ
โPara updated sa mga balita, i-follow ang Mindoro Express Balita.