Junard Acapulco NewsmanJun Acapulco

Junard Acapulco NewsmanJun Acapulco Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Junard Acapulco NewsmanJun Acapulco, News & Media Website, Calapan.

12/06/2026
09/06/2026

Mayor "Ina Alegre" Jennifer Mindanao Cruz , kumpyansang iiwanan ang Bayan ng Pola sa pagtatapos ng kanyang termino na nasa maayos na kalagayan

Together Again!Makalipas ang sampung araw ng paghahanap:NAWAWALANG NANAY MULA SA ORIENTAL MINDORO, NATAGPUAN NA NG KANYA...
15/05/2026

Together Again!

Makalipas ang sampung araw ng paghahanap:
NAWAWALANG NANAY MULA SA ORIENTAL MINDORO, NATAGPUAN NA NG KANYANG PAMILYA

• Matagumpay nang natagpuan si Nanay Elpidia Manalo Laylo na napaulat na nawawala mula pa noong Mayo 4, 2026 sa paligid ng DFA sa Parañaque City.

• Ayon kay Michael Laylo, alas-6 ng umaga nitong Biyernes nang matagpuan nila ang kanilang ina sa terminal ng bus sa Alabang, Muntinlupa City.

• Pansamantalang inalagaan si Nanay Elpidia ng isang mag-asawang may tindahan sa lugar habang hinahanap ang kaniyang pamilya.

• Naging mahalagang tulong sa pagtunton sa kaniya ang isang taga-Mindoro na nakakilala kay Nanay Elpidia.

• Batay sa impormasyon, mula Baclaran ay sumakay siya ng jeep papuntang Alabang habang hinahanap ang terminal ng mga biyaheng pauwi ng Mindoro.

• Sa kasalukuyan, nasa mabuti na siyang kalagayan at kasama na ng kaniyang mga anak sa pag-uwi sa Calapan City, Oriental Mindoro.

📷: Michael Laylo

SUPER TYPHOON “UWAN” (FUNG-WONG) – TROPICAL CYCLONE BULLETIN  #13Ibinaba ng PAGASA, 8:00 PM | Nobyembre 9, 2025Malapit n...
09/11/2025

SUPER TYPHOON “UWAN” (FUNG-WONG) – TROPICAL CYCLONE BULLETIN #13
Ibinaba ng PAGASA, 8:00 PM | Nobyembre 9, 2025

Malapit nang mag-landfall ang Super Typhoon Uwan sa gitna o hilagang bahagi ng Aurora Province ngayong gabi o madaling-araw ng Lunes. Huling namataan ang sentro nito 85 km silangan-timog silangan ng Baler, Aurora, taglay ang 185 km/h na lakas ng hangin malapit sa gitna at bugso hanggang 230 km/h, habang kumikilos pa-kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 30 km/h.

Mga Lugar sa ilalim ng Signal No. 5:

Bahagi ng Aurora, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Quirino, at hilagang bahagi ng Luzon — posibleng makaranas ng matinding pinsala sa buhay at ari-arian.

Babala ng PAGASA:
Matinding ulan, malalakas na hangin, at mapanganib na storm surge (lagpas 3 metro) ang aasahan sa malaking bahagi ng Luzon, kabilang ang Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON, at Bicol Region.
Delikado ang paglalayag sa lahat ng karagatan sa paligid ng Luzon, Visayas, at silangang Mindanao.
Pagkatapos ng landfall, tatawid si Uwan sa Northern Luzon at lalabas sa Lingayen Gulf sa umaga ng Lunes, bago dumeretso patungong Taiwan sa mga susunod na araw.

Paalala: Pinapayuhan ang publiko at mga lokal na awtoridad na maghanda, sumunod sa mga abiso ng LGU, at bantayan ang mga susunod na update ng PAGASA sa 11:00 PM.

📸 DOST PAGASA

09/11/2025

Papalapit na si Bagyong Uwan.

Malalakas na alon ang humampas sa baybayin ng Dinapigue, Isabela nitong Linggo (Nobyembre 9, 2025) habang papalapit sa Luzon ang Super Typhoon (Fung-wong). Inaasahang tatama ito sa kalupaan ng Aurora ngayong gabi o sa madaling-araw ng Lunes (Nobyembre 10). |

🎥: Princess Joeuana Ramos

09/11/2025

Rumaragasang Baha sa Gitna ng Delubyo

Isang pamilya ang himalang nakaligtas matapos tangayin ng malakas na agos ng baha. Nakuhanan ng kapitbahay ang 13-anyos na anak na babae na nakikipaglaban para sa buhay sa tuktok ng kanilang gate pillar, matapos tangayin ng agos ang kanyang ama.
Sa awa ng Diyos, ligtas ang buong pamilya. Nakatawid ang ina at 9-anyos na anak sa isang dalawang-palapag na bahay sa kabila ng malakas na agos at abot-leeg na tubig. Muling nagkita ang mag-anak makalipas ang pitong hanggang walong oras ng pagkakahiwalay. 🙏




🎥 Ace Aguirre

Address

Calapan

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Junard Acapulco NewsmanJun Acapulco posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share